"Patay ka ngayon.." Sabay pitik sa patay na lamok na nasa aking hita. Nakaupo ako rito sa gutter at nakatunghay sa nakaparadang sasakyan ni Sir Flavio. Actually, inaantay ko siya. Sasakay na dapat ako sa taxi ng maalala kong wala pala akong dalang pera dahil sa mabilisang pag-aaya ni Flavio sa akin kanina. No choice kaya naman bumalik ako at nagpasyang maghintay na lamang dito sa parking area ng hotel. Sinita ako ng guard pero nakiusap ako. Since natandaan naman niya akong kasama ni Flavio kanina ay pinayagan na din ako. Napaangat ang ulo ko ng makitang may pares ng sapatos sa harapan ko. "Joy..I thought you left." Nakatayo ito at hawak ang susi ng sasakyan. Mapakla akong napangiti. Joy. Joy nalang ang tawag niya sa akin ngayon. May sumidhing sakit sa aking dibdib pero binalewala

