A/N: Pag 13 daw bad number? O di sige bad chapter 'to. Read at your own risk! Kahit wala naman. Hehe! ---- "Ano ba?!" Tinampal ko ang kamay ni Sir Flavio este ni Flavio na nakapaikot sa bewang ko. Isang buwan na ang lumipas noong gabing inihatid ako ni Darwin at magselos ito. Pero hangang ngayon hindi pa rin ako sanay sa set-up naming dalawa. Naabutan niya akong nagpupunas ng mga display sa sala. Ewan ko ba kung saan ito nanggaling at bihis na bihis. In fairness, ang bango-bango nito parang ang sarap sarap singhutin. "Miss you, love.." Sabi nito sa akin matapos akong halikan ng mabilis sa labi. Level up na ang endearment ng lolo niyo from baby to love. Nakakainis lang kasi hindi pa ito nag-a-I love you sa akin. "Ano ba Sir, may makakita sa atin?" Naiinis na ako rito. Masyado itong

