Nagkatipon-tipon kaming lahat na mga kasambahay, driver, hardinero at mga guard dito sa garden. Ipinatawag kami ni Madam Aura, ang mayordoma ng mga Romualdez. "Ipinatawag ko kayo dahil may nais iparating ang mahal nating amo." Opening speech ni Madam Aura. Nakasuot ito ng kulay puting long sleeves at itim na mini-skirt. Nakabukas ang dalawang butones ng blusa nito. Sapat na para masilip ang may foam nitong bra. Kulay violet pa. "Sa makalawa darating ang nag-iisang anak ng mga Romualdez. Si Senyorito Flavio.." Tila kinikilig ito habang binabanggit ang pangalan ng senyorito. Kamusta naman kaya ang kilay nitong kasing nipis ng sinulid? "Nais ng ating mahal na amo na sama-sama nating paghandaan ang pagdating niya. We are having a welcome party next week!" Mukhang mas excited pa ito kesa sa

