"Ako na mismo ang nanghihingi ng pasensya sayo, hija--what's your name again?" Tanong ni Senyora Rufina sa akin. "Joy po, Ma'am.." "Like what I've said earlier, I am very sorry to my son's behaviour last night." Apologetic nitong paghingi ng paumanhin sa akin. Hindi ko lubos maisip na may mababang loob ang amo naming babae. Mukha itong sosyal at hindi namamansin. Pero nagkamali ako ng sapantaha rito. She is indeed a passionate woman. "Wala pong problema sa akin, Ma'am basta hindi nalang po ito mauulit." Hindi naman siguro masama ang magpatawad lalo pa at amo ko naman sila. Ano ba ang pinagsasabi ko? Dapat ganito, kung ang Diyos nga nagpapatawad ako pa kaya? "Thank you so much, Joy!" Nayakap pa ako ni Senyora sa sobrang galak. Gusto ko sanang sabihin kay Senyora Rufina na ang anak ni

