YUMUKO ako habang patuloy sa pagluha ang mga mata ko. Gusto kong tumingin kay Papa pero hindi ko magawa lalo na’t alam kong galit na galit siya sa akin. Sa katangahan ko. Dahil sa nangyari ay pinatunayan ko lang sa kanya na tama siya, na bobo ako. Na wala akong ibang ginawa kung hindi sirain ang pangalan ng pamilya namin. Nakakahiya. Ikinahihiya ko ang sarili ko at hindi ko alam kung kaya ko pa silang harapin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Youan at kung bakit sinabi pa niya kung payag naman ako na maging sikreto ang lahat. Kahit na alam kong walang sikretong hindi nabubunyag, kahit na alam kong mahirap ay kakayanin ko. “Ano, tatahimik ka lang? Hindi ka na nahiya! Kung hindi mo kayang mahiya sa amin sana naman ay iniisip mo ang sasabihin ng mga tao! Kasintahan iyon ng kak

