KINABUKASAN ay nagising ako sa kwarto ni M. Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa na nasa kwarto niya at agad siyang tumayo nang magtama ang paningin namin. “Are you okay?” marahan naman akong tumango at ngumiti. “Mabuti naman, tumayo ka na, maghilamos at mag-agahan na tayo. May mga damit pambabae diyan sa drawer, kay Ate iyon pero gamitin mo na muna.” Ngumiti ulit ako sa kanya at ginawa ang iniutos niya. Nang matapos na ako ay agad akong lumabas ng kwarto ni M at naabutan siya sa kusina na nakaupo na sa hapag. “Maayos ka na ba talaga?” tanong niya pagkaupo ko sa harap niya. Sa totoo lang ay hindi ako maayos. Nasasaktan pa rin ako sa lahat ng bagay. Patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa katangahan ko. Pero kahit na gano’n ay kailangan ko na lang tanggapin

