"Ang aga mo yata ngayon, Noona?"
Bati sa'kin ni Tya Carmen.Nasa kusina ito at nagluluto ng almusal.Si Tyang ang isa sa mga gumabay sa'min ni Bon ng maulila kami sa aming mga magulang. At siya rin katu-katulong ko sa paggabay ngayon kay Bon. Hindi naging madali para sa akin ang lahat.Ang maulila ng maaga. Lalo pa at may kapatid ako.Buti na lang talaga at naririyan ang Tya Carmen ko upang tulungan ako sa lahat ng pangangailangan naming magkapatid.
Si Tyang Carmen din ang katu-katulong ko noon sa pagpapalaki kay Bon nang iwan ito ni Tita Hariet sa akin. Si Bon ay kapatid ko lang sa ama. Pitong taon lamang noon si Bon ng bigla na lang nag lahong parang bola ang ina nito. Noong mga panahon na subra ang paghihirap ang nararanasan ko. Tandang tanda ko pa noong mga huling uras at pag hinga ni tatay. Wala itong ibang hinahanap kundi si tita Hariet. Ngunit hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang pag hahanap dito. Nabigo ako na tuparin ang kahilingan ni Tatay na makita si t
Tita Hariet sa nalalabi nitong uras.
Malungkot akong napangiti.Hanggang ngayon may kurot pa rin sa aking puso kapag naalala ko ang malungkot na pag kawala ni Tatay. At hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung nasaan na nga ba si Tita Hariet. Naalala man lang kaya nito si Bon?
"Ay opo,Tyang,kayo na po muna ang bahala kay Bon . Kailangan ko po kasing pumasok ng maaga ngayon."
"Aba'y ano bang mayroon?Alas sais pa lang."
Pagtatanong pa nito. Siguro ay nagtataka dahil sa maaga kong pag pasok sa trabaho na kadalasan ay alas otso ang regular na uras ng aking pag pasok.
"Biglaan po kasi nag patawag ng meeting si Sir Efren, Tyang,Kailangan po bago mag alas otso nasa opisina na ako. Kailangan ko par rin kasi ayusin yung mga files na kakailanganin para sa meeting."
"Ay ganoon ba,sya sige at ako na bahalang mag hatid sa kapatid mo sa school."
"Salamat po Tyang,"
Saad ko at akmang pagtalikod ang gagawin ng may maalala ako. Wala na nga pala kaming imbak na groceries. Paubos na ang stock namin at halos kakaunti na lang yun.
"Tyang, ito nga po pala para sa grocery,"
Tumingin ito sa pera na aking inaabot. At may pag aalangan sa mukha kung kukunin ba nito ang pera or hindi.
"Ang laki naman niyan, Noona,baka naman ikaw ay maubusan na."
Napangiti ako sa sinabi ni Tyang. At saka napailing ako dito. Laging ganoon ang madalas na sinasabi sa akin ni Tyang Carmen . Hindi ito nakakalimot mag paalala sa akin. Lalo na pag dating sa pag iimpok ng pera para sa aming kinabukasan ni Bon . At masasabi ko na kahit wala na kaming magulang ni Bon ay napaka swerte pa rin namin dahil mayroon kaming mapagmahal at maalalahanin na tiyahin. Kapag may pera wag daw ubos biyaya. Dapat daw na mag tabi rin ako para sa kinabukasan ko at higit sa lahat kay Bon na nag aaral.
"Tyang, mayroon pa po ako na naitatabi sa sweldo ko. Saka may savings din naman po kaming mag kapatid kahit paano ay nakakapag tabi pa po ako.Kaya kunin na ninyo ito.Kayo na bahala kung ano ang bibilhin ninyo. Basta wag nyo kalimutan ang gamot ni tyong."
Saad ko at saka inilagay sa kamay nito ang ini aabot kong pera.Malaki ang utang na loob ko kay Tyang. Dahil sila ni Tyong Aldovino ang tumulong sa akin upang makapag tapos ako sa aking pag aaral. Kaya ngayon na may trabaho na ako,ako naman ang tutulong sa kanila. Na kahit paano ay masuklian ko man lang ang mga kabutihan nila sa amin ni Bon.
"Sinakop mo na naman pala ang para sa gamot ng iyong Tiyo. Hay ...pasensya kana talaga,Noona, kung pati ikaw ay na- oobliga na sa gastusin dito sa bahay. At pati na rin sa mga gamot ng iyong tiyo. Hayaan mo at-"
"Tyang,okay lang po iyon. Naiintindihan ko po. Hindi naman po ako nag r-reklamo e, Diba sabi ko naman sainyo hanggat hindi pa magaling si Tyong, ako na muna ang bahala dito sa gastusin.Alis na po ako,alam n'yo naman dito sa atin kahit maaga pa ay may trapik na."
Hala, sige na,salamat rito. Mag iingat ka."
Pagtataboy na nito sa akin. Maaga pa naman ng makarating ako ng opisina. Buti na lang at hindi gaanong trapik ngayon. Isang tricycle at isang jeep lang ang sakay mula sa bahay namin patungong opisina. Nasa loob na ako ng opisina at nag sisimula ng mag ayos ng files sa aking computer ng lumapit sa akin ang aking kaibigan na si Cindy. Ang aking matalik na kaibigan simula ng mag trabaho ako sa kumpanya ng mga Fuentibella, ay ito na ang madalas kong kasa-kasama at syempre ka chikahan na rin.
" Uy Besh, narinig mo na ba yung tsismis ngayon umaga?"
Panimulang kwento nito sa akin. Napa tirik na lang ang aking mata sa harap ng aking computer dahil sa sinabi nito.Sino ba naman ang mag aakala na ang kaibigan kong ito ay mahilig sa mga tsismis.Wala sa magandang mukha ni Cindy na may pag katsismosa ito. Kung susuriin mabuti ay para bang anak mayaman ito. Mula sa kilos,kahit sa simpleng mga isinusuot na pananamit nito ay di maipagkakaila ang magandang kutis at balat ang mayroon ito. Minsan nga ay pabiro namin sinabi ni Miya na anak mayaman ito.Ngunit sabi nito ay anak mahirap din siya. Sadyang ganoon lang daw talaga ang balat at kutis niya dahil minana raw niya sa kanyang ina ang pagiging mistesa
"Hmmm, ano na naman po tsismis ang nasagap mo? Ang aga,a,''
"Ay hindi yun basta tsismis lang Besh, teka hindi paba sayo nasasabi ni Sir Efren?"
Napatigil ako sa aking ginagawa. At saka hinarap si Cindy. Kunot ang aking noo na tumingin dito. Lumapit ito sa akin at may ibinulong sa'kin. Napa awang ang aking labi dahil sa sinabi nito.
"Saan mo na naman napagkukuha yang tsismis na yan?"
"Hay naku,sinabi ko sayo 'di lang yan basta tsismis 'no. Bakit hindi mo alam?Di ba ikaw dapat ang unang nakaka alam dahil ikaw ang sekretarya ni sir?"
"Malay ko,Wala pa nasasabi sa akin si Sir,sa bagay na yan."
"Maniwala ka sa akin girl.Diba nag patawag ng emergency meeting si Sir. So,baka iyon ang dahilan."
Bigla akong napaisip sa sinabi ni Cindy.. Dahil sa nangyari kay sir Efren ay posible nga na mangyari iyon.
"Bulong-bulungan dito na baka ang posibleng pumalit kay Sir e, ang panganay na anak nito na matagal ng namamalagi sa US. Diba iyon yung madalas na ma-ikwento ni ate Letty doon sa mga taga HR na ubod daw ng pogi,pero ubod din daw ng suplado. At saka diba na i-kwento rin iyon dati sa aten ni Reese na suplado nga daw at ubod pa ng istrikto."
Napanguso ako sa sinabi ni Cindy.Kung totoo man ang balitang pag re-retired ni sir Efren at kung totoo man ang tsismis nitong magaling kung kaibigan sana ay kasing bait ni Sir ang papalit.Pero dahil sa kwento pa lamang nitong kaibigan ko na may pagka tsismosa mukhang alam ko na.
" Wala pa naman sinasabi sa aten si Sir, kaya hindi pa tayo sure sa balitang yan."
Ang tanging nasabi ko nalang sa kaibigan kong si Cindy. Kahit na ang totoo ay kinakabahan na ako sa posibleng mangyari sa kumpanya. Maaring maraming mag bago lalo na kung ang papalit nga ay ang anak ni Sir na sinasabi nilang ubod sungit at suplado daw .Dios miyo marimar!wag naman!
" Alam mo,Besh, ubod daw ng gwapo ang anak na iyon ni sir-"
Bigla kong tinakpan ang bibig ng aking kaibigan na si Cindy ng makita si sir Efren na papasok ng opisina. Palihim ko nginusuan si Cindy
" Good morning po,Sir."
"Welcome back po,Sir."
Halos magkapanabay na bati namin ni Cindy kay sir ng makapasok ito . Halos isang linggo din hindi nakapasok si sir dahil sa nangyari dito.
"Good morning,to both of you."
Nakangiting bati sa amin ni sir Efren.Maaliwalas na ang mukha nito, hindi katulad noong huling araw na inatake ito. . Mukhang okay na okay na nga ito. Muling ibinalik ko ang aking atensyon sa aking computer ng muli akong tawagin ni sir Efren
"Noona, can you please come to my office ."
"Yes po Sir."
Agad akong tumayo mula sa aking pag kakaupo sa aking swivel chair at sumunod kay sir. Makahulugan naman akong tiningnan ni Cindy.
"Noona,paki handa ako ng boardroom.And please sabihan mo na rin ang mga taga HR na may emergency meeting tayo after lunch."
"Emergency meeting po Sir?"
Di ko mapigilan ulitin ang sinabi nito. Marahang tumango sa akin si sir.
"P-para saan po ?"
"You know ,what happen to me last time.Masyado na akong matanda para patuloy na pamunuan ko ang kumpanya na ito.Hindi na kinakaya ng aking katawan. Time na para ipasa ko naman sa iba ang pamamahala sa kumpanya."
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Sir.Ibig sabihin ay totoo nga ang sinasabi sa akin ni Cindy.Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari.Maging ang ibang mga empleyado ay nagulat rin sa biglaan na pagbaba n Sir bilang CEO. Natapos na lahat-lahat ang ipinatawag ni Sir na meeting ay hindi pa rin ako makapaniwala na aalis na nga ito sa pagiging CEO ng kumpanya.Dahil na rin daw sa katandaan nito ay napag pasyahan ng pamilya Fuentibella na mag retired na ito. Nakakalungkot lang na aalis na ang aming mabait na boss. Matapos ang meeting ay dumiretso ako sa opisina ni Sir, at sinimulan na alisin ang mga gamit nito. Wala pa man nasasabi kung sino ang maaring papalit dito ay agad nitong iniutos sa akin na ligpitin ko ang ibang mga kagamitan nito sa opisina.Napabuntong hininga ako habang inilalagay ko sa malaking box ang ibang gamit ni Sir..
****
"Anak, please come home, kailangan ka ng iyong ama."
Paulit-ulit na naririnig ni Nick ang boses ng ina. Kahit ilang minuto ang nakalilipas ang usapan nila ng kanyang ina.Napabuntong hininga siya sa mga narinig buhat sa ina. Nasa ospital raw ang kanyang ama dahil sa nahirapan na naman daw ito sa pag hinga. Noong nakaraan ay ganoon din ang nangyari dito. Napapadalas na ang pag labas-pasok ng kanyag Daddy sa ospital. At ang payo ngayon ng doctor ay sapat na pag papahinga ang kailangan ng kanyang ama. Hindi na rin daw kasi kinakaya ng katawan nito ang subra-subrang pag papagod. Simulat sapol ay ang kanilang Daddy na ang namamahala sa Fuentibella Company, kaya ganoon na lang ang pagod at strees nito sa kumpanya. At ngayon nga ay pilit siyang pinauuwi ng pilipinas ng kanyang Mommy. Para siya ang pumalit sa iiwanang pwesto ng kanyang ama. Tatlo silang magkakapatid, at pare-parehong mga lalaki. Ang dalawa niyang kapatid na sina Eric at Archie ay may kanya -kanya ng pamilya. At nasa Fuentibella Financing ang mga ito. Samantalang nasa Fuentibella Real State Company naman ang kanilang ama. Na ngayon nga ay kinakailangan ng bumaba sa pagiging CEO dahil sa kalagayan ng kalusugan nito.Iyon ay napag desisyunan nila ng kanyang pamilya.Walang ibang maasahan na pwedeng pumalit sa pwesto ng kanyang ama kundi siya lang. Dahil ang dalawa niyang mga kapatid ay may kanya -kanya na din hinahawakan at pinamamahalaan na kumpanya. Limang taon na rin siyang namamalagi sa US.At iniiwasan ang pag -uwi ng pilipinas dahil sa kanyang masakit na nakaraan. Pero ngayon,heto at kailangan siya ng kanyang ama.Muli siyang napa buntong hininga.Panahon na rin siguro upang mag balik siya sa bansang sinilangan. Panahon na rin siguro upang harapin niya ang masakit na nakaraan. Hindi niya deserve ang mag kulong sa malungkot na nakaraan. Dali-dali niyang hinagilap ang kanyang cellphone at ang susi ng sasakyan at nag mamadaling lumabas ng bahay. Ito na ang tamang panahon para kalimutan niya ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa kanya sa pilipinas. Habang nag mamaneho ay tinawagan niya si Billy ang kanyang personal assistant.
"I need my passport,Asap."
ani niya at saka tinungo ang opisina na malapit sa Central Florida.