''Oh my God!Mga besh, confirm!"
Napatigil ako sa aking ginagawa na pagtitipa sa aking computer ng marinig ko ang pag tili na iyon ni Miya isa rin sa mga malapit at kaibigan ko na rin sa kompanya.
"Confirm,na ano?"
Pagtataka kong tanong kay Miya na napapapikit pa at tila ba kilig na kilig pa ito.
"Anak ni Sir Efren,ang bago nating CEO."Namimilog ang matang sabi ni Miya sa akin.
"Ha, saan mo na naman nakuha yan?Wala naman nasabi si Sir sa kung sino ang bago nating-"
"Hay naku!Winoona, ikaw na lang yata ang hindi marites dito sa opisina naten. Minsan kaya try mo rin ang lumabas diyan sa lungga mo, hindi yang puro computer at mga files ang inaatupag mo."
Putol sa akin ni Cindy sa iba ko pa sanang sasabihin.Napasimangot ako sa sinabing iyon ni Cindy. Kung sa bagay ay tama at totoo naman ang sinabi nito.Kapag nasa opisina ako ay halos mga paper works or di kaya mga files ang inaatupag ko. Kahit pa nga breaktime ay trabaho parin sa opisina ang ginagawa ko.Minsan lang ako kung makipag kwentuhan sa mga ka opisina ko. Kadalasan pa nga ay kapag may team building pa kami saka lang ako nagkakaroon ng mahaba -habang pakikipag-usap sa mga ka office- mate namin
"Hindi mo ba naririnig doon sa mga taga-HR department?Maugong na usapan doon ngayon na ang papalit kay sir,e, walang iba kundi si Mr. gwapo-suplado."
Sabi pa sa akin ni Cindy,na nanunulis na naman ang nguso. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang ako nakaramdam ng kaba. Marahil ay dahil sa mga naririnig ko tungkol sa anak na iyon ni sir Efren. May pagka-masungit daw ito. Napabuga ako ng mainit na hangin.
"Oh my Gosh!Kapag totoo yan, hindi na talaga ako mag a-absent."
Si Arlene na isa sa mga ka opisina ko rin. Napuno ng tawanan ang loob ng aming opisina dahil sa sinabing iyon ni Arlene. Ako naman ay napailing na lang sa mga ito.
"Hay naku, dapat na yata akong mainggit sayo, Noona,Biruin mo 'yun makakasama mo na ang pinaka hot, at poging Fuentibella,na pinapangarap at pinapantasya ng mga kababaihan dito sa opisina. "
Singit naman ni Lyca na bakas sa mukha na kinikilig pa. Lahat naman ng mga ka opisina ko ay kanya-kanyang tingin sa akin. Tingin na mapanudyo.Muli ay napa iling ako sa mga ito. Alam ko na ang mangyayari kung totoo man na anak ni sir Efren ang papalit sa pwestong iiwan nito.Araw-araw na kantiyaw ang aabutin ko sa mga ito.
"Nandiyan daw kanina yung anak ni Sir.Nasa meeting . Sabi nga nong nakakita kanina na taga Financing, super pogi daw talaga mga ate!"
Saad naman ni Miya na patuloy sa pag k-kwento sa mga ka opisina namin. Halos impit na pag tili ng mga ito ang pumuno sa loob ng aming office. Sabi nila ay talaga daw gwapo sa mga mag kakapatid ang panganay na anak na iyon ni sir.Wala akong idea kung anu ba talaga ang hitsura nito. Dahil ni minsan, o,kahit pa nga sa picture ay di ko pa ito nakikita man lang.
"Oy Noona, mukhang makakasama mo na nga talaga ang pinaka poging Fuentibella."
"Ay naku!girl, kung ako yang nasa katayuan mo ,kahit linggo papasok ako makita ko lang si Mr. pogi."
Si Cindy na sabay tirik pa ng mata na ikinatawa na naman ng mga ka opisina namin. Napa irap na lang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Kahit kailan talaga ito ang pasimuno ng lahat ng panunukso sa akin dito sa loob ng office. Hinampas ko ito ng hawak kong folder. Talagang may pagka maharot ang kaibigan kong ito e, wala nga lang sa pagmumukha.
"Tigilan ninyo nga ako, umiral na naman yang mga pagka maharot ninyo."
"Don`t worry Besh sa sunod hindi na kami ang haharot saiyo, kundi ang bago na nating Boss."
Muli ay si Cindy.Habang ang iba naming ka opisina ay muling nagsipag tawanan dahil sa sinabi nito.Napasimangot na ako. Promotor talaga ang isang 'to. Di ko alam kung kaibigan ko ba talaga itong si Cindy eh.Imbes na patulan ko ang mga hirit ng mga ito,tumayo ako at saka tinungo ang lobby dahil may kailangan akong ayusin sa ibaba. Nasa may elevator na ako para bumaba sa ground floor. Tamang-tama naman dahil marami-rami din akong dala naroroon si Janice, ang isa sa mga elevator girl.Hindi ko na kailangan pa ang pumindot. Mahihirapan ako.
"Anong floor po ma'am Winoona?"
Nakangiti nitong tanong sa'kin.
"Ground floor please ."
Nakangiti ko ring sagot rito.Hindi pa man natatagalan ang pag pasok ko sa elevator ng may muling pumasok na isang lalaki.Pa simple ko itong tiningnan habang ako ay nasa kanang bahaging tagiliran nito.Ngunit di ko alam kung bakit di ko na magawang alisin pa ang tingin ko sa gwapo nitong mukha. Sa bawat pag titig na ginagawa ko rito ay parang namamagneto ako.Naka suot ito ng white polo na,nakatupi hanggang sa may siko nito.Na binagayan naman ng ternong black semi fitted pants na pang ibaba nito. Nakadagdag pa lalo sa magandang tindig nito ang suot na leather black shoes. Natural black din ang kulay ng makapal at bagsak nitong buhok.Napakurap-kurap ako ng mapunta sa ilong nito ang tingin ko.Kay tangos noon. At ang pilik mata nito ay kay lalantik rin,sinamahan pa ng mapungay nitong tingin na kapag tumingin ka sa kaniya ay mamagneto ka.Tulad ng nangyayari sa akin ngayon.Halos di ko na magawa pang alisin ang aking tingin sa lalaking ito.Marami-rami na rin naman akong nakikitang gwapo,at kadalasan nga ay sa mga magazine.Pero ang isang ito ay kakaiba sa mga gwapong nakita ko. 'Makalaglag panty."Sabi nga ng mga babaeng mahihilig sa gwapo.Sa buong durasyon na pagbaba ng elevator ay napaka seryoso lang ng mukha ng lalaking aking kasabay. Para bang ang mahal ng ngiti nito.
Biglang nanuyo ang aking lalamunan ng mapadako naman ang aking tingin sa halos mag rosa-rosa na nitong labi.Tila ba ay kay lambot at kaysarap noon halikan.Naipilig ko ang aking ulo.Kung anu-ano ng marumi ang pumapasok sa utak ko.
'Noona,mag tigil ka,masyado ng mahaba at mahalay ang mga pinag-iisip mo.'
Halos bulong na sermon ko sa aking sarili.E,bakit ba naman kasi pumasok sa isip ko iyon?Hindi ko ugali ang mag-isip ng mahalay sa kapwa ko tao.Higit sa lahat sa lalaki.Tunog ng elevator ang nagpabalik sa diwa ko.Nasa ground floor na pala ako.Nakaramdam ako ng pagkahiya ng mapagtanto kong nanatiling nakatitig parin ako sa lalaking aking kasabay na ngayon ay halos mag salubong na ang mga kilay dahil sa pagkakakunot noo noon. Nakatingin na rin pala ito sa akin.Di ko alam kung bakit ganoon na lang ang naging pag bilis ng t***k ng aking puso, ng magtama ang aming mga mata sa isa't isa.Na kahit pa nga matatalim ang pag titig na ginagawa nito sa akin.Dala ng aking pag kapahiya ay dali-dali na akong lumabas ng elevator. Ngunit agad din akong napahinto sa aking paglalakad ng marinig ko ang tila galit na tinig na iyon mula sa aking likuran.
"I can't imagine,na babae na pala ang nagbibigay motibo ngayon sa katawan ng lalaki.Do you have lust in my body miss?"
Biglang bumundol ang kaba sa aking dibdib ng sa aking paglingon ay aking nakita ang lalaking aking kasabay sa elevator.Taas ang kilay at matalim ang tingin itong nakatingin sa akin. Habang ang magkabilang mga kamay naman nito ay nasa magkaparehong bulsa. Halos hindi ako makagalaw dala sa pagkapahiya sa sinabi nito.Ilang beses akong napalunok bago nakuhang sumagot sa lalaki na ngayon ay matalim na matalim pa din ang pagkakatitig sa akin.
"E-excuse me,Mr,nagkakamali ka, wala akong pagnanasa sa katawan mo."
Nahihiya man ay tanging nasabi ko. Tumaas ang kanang bahagi ng kilay nito.
"Really?kaya pala kung tingnan mo ako,mula ulo,hanggang paa,kulang na lang ay hubaran mo ako."
nanlamig ang aking mga palad sa sinabing iyon ng lalaki. Kung sa bagay ay totoo naman ang sinabi nito. Marahil ay nabastusan ito sa aking pagtitig dito. O,baka hindi komportable sa aking ginawa na iyon. Kasalanan ko din naman. Kung bakit ba naman kasi hindi ko na nagawa pang alisin ang aking pagkakatitig ditto kanina. Tuloy napag isipan pa ako ng hindi maganda.Lakas loob ko itong tiningnan kahit pa nga ang totoo ay nilalamon na ako ng aking pagkapahiya dahil sa mga sinasabi nito sa'kin.
"Mr. wala akong masamang intensyon sa pag titig na ginawa ko. Ikaw lang ang nagbibigay ng malisya at masamang kahulugan."Sa sinabi kong iyon ay ma's lalong naging matalim ang naging tingin nito sa akin na para bang may mali sa mga sinagot ko dito.Napalunok ako ng dahan-dahan itong lumapit sa akin.
"You know miss,off all the things I hate the most,ay yung tinititigan ako. I'm not comfortable with your stares. Nakakabastos!"sabi nito sa akin na halos mag salubong na ang maitim at may kakapalan na kilay. Parang sasabog ang dibdib ko dala ng sobra-sobrang kaba na aking nararamdaman.Nang wala akong maisagot ay mabilis na pagtalikod ang ginawa nito sa akin.Samantalang ako ay nanatiling nakatayo at natulala sa hallway. Sino ba naman ang hindi matutulala sa lalaking iyon. E,kung nakamamatay lamang ang pagtitig nito sa akin kanina ay baka kanina pa ako nakahandusay at namatay. Malalim akong napabuntong hininga.Sayang,gwapo nga ubod sungit at suplado naman.