Naging mabilis ang pag lipas ng mga araw. Isang lingo,dalawang linggo,tatlong linggo hanggang umabot na sa mga buwan. Patagal nang patagal mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon namin ni Nick. Hindi pala madali ang LDR na relasyon. Madalas man kami nag kakausap at nagvi-video call ni Nick noon mga nakalipas na mga linggo,pero hindi sapat iyon.May kulang. At isa pa ay hindi ko din maiwasan ang hindi mag alala.Lalo pa nga at kasama ni Nick ang Suzette na iyon sa US.Napahugot ako ng mainit na hangin at tumayo sa aking pagkakaupo.Nag pasya akong maligo upang maibsan ang init nang nanlalagkit kong katawan.Nang mag sawa ang aking katawan sa tubig ay agad na rin akong lumabas. At nag bihis ng pantulog. Muli ay tiningnan ko ang aking cellphone.Ngunit bigo pa rin ako. Walang Nick na nag paparamd

