Matamang pinag mamasdan ko ang table ni Nick. Halos dalawang linggo na ang nakalipas buhat ng umalis ito ng Pilipinas. Isang malalim na pag hinga ang aking ginawa. Dalawang linggo pa lang kaming hindi nag papangita.Pero pakiramdam ko sobra-sobra na ang tagal noon. Miss ko na sya. Nag kakausap naman kami. Pero pakiramdam ko ay may kulang. Mas iba pa rin kapag kaharap ko siya. Na nahahawakan. Nayayakap at nahahagkan. Sa ngayon kailangan kong tiisin ang pangungulilang nararamdaman.Alam ko once na matapos ang problemang kinakaharap ng kanyang kumpanya muli ay babalik sya at mag kakasama kami. Inayos ko ang table kahit malinis iyon. Araw araw ko pa ring inaayos ang mga gamit na naroroon.Matapos ang aking ginagawang pag lilinis ay agad na din akong nag tungo sa aking cubicle. Naabutan ko roo

