Puting kisame ang unang namulatan ko.May pag tataka at kunot ang aking noo habang iniikot ko ang aking paningin sa aking paligid. Hindi ito ang aking kwarto.Bigla akong napabalikwas ng bangon mula sa aking pag kakahiga. Nasaan ako?Wala sa sariling nasapo ko ang aking noo ng maalala ang nangyari kagabi. Napatingin ako sa aking wrist watch. Alas otso na ng umaga. Di ko kayang pumasok. Di ko kayang harapin ang lalaking subra subrang nanakit sa akin.Agad na namang nag unahan ang aking mga luha. Bakit kailangan niyang mag lihim sa akin?.Bakit kailangan niya akong lokohin ng ganoon.Wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Mahalin ng tapat.Saan ba ako nag kulang para makuha pa niyang mag luko at mag kama ng iba. At sa ex pa talaga niya. "Ang aga ng pag luluksa mo." Bigla akong napating

