(NICK) Ibinato niya ang bote ng iniinom na alak.Dahilan para lumikha iyon ng ingay. Napa sabunot sa sariling ulo. Ayaw man niyang umiyak pero di niya mapigilan. Ang babaeng labis labis niyang minahal ay tuluyan na nga siyang iniwan.At aminado syang kasalanan niya iyon.Hindi niya alam kung paano nangyari ang lahat lahat sa kanila ni Carol. Basta nagising na lang siya na katabi ito at parehong walang saplot sa katawan. "Nick,Ano bang nangyayari sayong bata ka?" Tanong ng kanyang ina na humahangos pamasok ng kwarto niya. Marahil ay narinig nito ang kanyang ginawa.Napatingin ito sa mga nag kalat na bubog. Agad siya nitong nilapitan. Bakas sa mukha nito ang subra subrang pag aalala. "Anak,ano bang problema?Anong nangyari?Ilang linggo ka ng ganyan." Luhaang tumingin sya sa ina. Habang nanat

