"Sure ka na ba talaga?Di mo ba ipapalam sa kanya ang tungkol dyan?" Tanong sa akin ni Cindy habang naka tingin sa medyo lumalaki ko ng tyan.Isang pag ngiti ang aking pinakawalan. Saka umiling. Ilang linggo bago ko nalaman ang pag dadalang tao ko. Mahirap man ay pinilit ko ang mag pakatatag para sa munting angel na nasa aking sinapupunan. Nung una ay takot ang una kong naramdaman. Di ko alam kung paano ko ipagtatapat kina tyang ang pag dadalang tao ko. Ngunit para sa aking anak ay nilakasan ko ang aking loob.Mag isa kong hinarap ang aking pamilya. Mag isa kong pinag tapat sa kanila ang aking pag dadalang tao. Handa ako sa kanilang mga maaring sasabihin sa akin. Tanggap ko kung magalit sila saakin.Basta para sa aking anak. Ngunit laking gulat ko na kahit katiting na masamang salita ay wa

