Ilang buwan na lang ang aking hinihintay. At makakasama ko na ang aking munting angel.Tulad ng aking nakasanayan. Tuwing umaga ay nag lalakad lakad ako sa tabing dalampasigan.At kapag nalilibang pa ako sa paglalakad ay kung saan- saan pa ako nakakarating. Pilit kong nililibang ang aking sarili. Upang hindi maalala ang aking iniwan sa Manila. Ilang buwan na ang lumilipas ngunit naririto pa rin ang pagmamahal ko kay Nick. At di yun nag babago.Napatanaw ako sa malinaw na karagatan. At saka napahinga ng malalim.Kumusta na kaya sya? Kahit anong gawin at pilit ko s'yang kinakalimutan ay di ko magawa gawa. Subrang hirap pala. Akala ko sa paglayo ko ay maiibsan ang sakit na aking nararamdaman. Ngunit nagkamali ako. Hindi pala.Mas lalo lang pala akong masasaktan. At higit sa lahat kailangan kon

