Araw nang linggo,walang pasok ang aking pinsang si Annalie. Kaya naman ay isinama ko ito sa bayan.Hindi pa kasi kumpleto ang gamit ni baby.Kailangan kong bilhin ang ibang pangangailangan ng aking anak sa pag labas nito sa aking sinapupunan. Nangingiti ako habang hawak-hawak ko ang. mga baro baruan. Magiging isang ganap na ina na nga ako. Ganito pala ang pakiramdam. Di ko maipaliwanag yung excitement na aking nararamdaman.Yung takot at kaba ay naghalo halo na. Takot na paano kung di ko kayanin ang pagiging amat ina sa aking anak. Kung anu- ano na ang tumatakbo sa 'king isipin ng mga sandaling iyon.Nang biglang sinumpong ako ng pananakit ng tyan. "Ate,okay ka lang?"si Annalie na may pag aalala sa mukha. Dali-dali nitong binitawan ang hawak hawak na baro baruan din. Saka lumapit sa aking

