"I'm sorry" luhaan kong pag kakasabi. Nang makabawi ako sa aking pagka bigla sa mga nalaman. Mula sa pag kakayuko ay nag angat ito ng tingin sa akin. Agad itong tumayo mula sa kanyang pagkaka upo at saka mahigpit na pag yakap ang ginawa sa akin. "I'm sorry.Sorry kung di kita pinakinggan, kung nagalit ako sayo. Sorry kung iniwan kita,sorry kung nangibabaw sa akin ang galit,sa lahat lahat." tanging nasabi ko dito habang yakap ko ito at walang patid sa pag luha. Maging ito ay umiiyak rin ng mga sandaling iyon. "I understand,ang mahalaga ngayon ay alam mo na ang totoo. Ang mahalaga ngayon ay ang malaman mong di kita niluko. Di ko iyon magagawa sayo. Mahal na mahal kita Babe."saad nito sa boses na tila paos habang nanatili kaming mag kayakap. Maya-maya pa ay iniangat ako nito.Mula sa aming p

