Tulad ng napag usapan. Nang bumalik si Nick ng Manila ay kasama na kami nito ng aking kapatid na si Bon.Sa pag babalik namin ng aking kapatid ng Manila ay di na lng basta kami lang. Kung di syempre ang aking munting angel na nasa aking sinapupunan. Ang buong akala ko ay diretso na kami pa Manila ngunit ng maka daong na ang barkong aming sinakyan sa Batangas ay may pag tataka akong napatingin kay Nick nang ibang direksyon ang tinatahak nito. "Teka,hindi ito ang patungong Manila" di na nakatiis na baling ko kay Nick na abala sa pag mamaneho. Tangin pag ngiti lang ang isinagot nito sa akin. Habang ako ay naguguluhang nakaupo lang sa tabi nito.Wala akong idea kung saan kami patungo. Nanatili lang akong tahimik habang nasa byahe. Naisip ko na lng na baka may daraanan lang kami.Habang naka t

