–Nicoleen's Play– Ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding pagkahilo. Pakiramdam ko yumayanig ang paligid ko. Pilit kong iminulat ang mga mata ko. Hoping for a miracle – wishing that everything is just a long scary nightmare – but it's not. Bumungad sa paningin ko si Tita Ross, gising na siya at luhaang nakatingin sa'kin. May busal na rin ang bibig niya kaya't di ko maintindihan ang ibig iparating ng mga senyas ng mga mata niya. She looks frustrated. Umiiling-iling siya na tila ba nagbababala. Nagbabanta. Nang mawalan ako ng pagasang maiintindihan ko ang gusto niyang sabihin, binaling ko ang tingin sa isang gilid. "Ugh!" Ungol ni Paix nang isang rumaragasang suntok ang tumama sa kanya mula kay Nate. Oh my God! Bakit siya nandito? Damn it! "Ano? Kaya mo pa?" Pasinghal pa nitong siga

