–Paix's Play– Liwanag. Ito ang unang dumapo sa mga bagong mulat kong mata. Wala akong ibang maaninag na kulay kundi puti. Iba rin ang pakiramdam ko – parang lumulutang sa kawalan. Ano bang nangyari sa'kin? "Paix." What a sweet voice. It sounds familiar too. Narinig ko na dati ang boses na 'yon. "Papaix." Muling tawag niya sa'kin. Unti-unting luminaw ang imahe ni Yara sa paningin ko. Mabilis akong napabalikwas ng tayo. Tinitigan ko siyang mabuti upang makasiguro. It's really her! The same bubbly smile, same eyes – si Yara nga ang kaharap ko! "Yayara?" Hindi ako makapaniwala. She's alive in front of me! Sinong hindi magugulat? "Papaix." Muli niyang tawag sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko. "Bumalik ka na." It sounds like a command. "Anong bumalik? Bakit?" Hindi ko alam

