- Paix's Play - "Alam kong alam mo na ang lahat, Paix Montenegro." Pabulong na wika ni Nate sa'kin matapos niya 'kong hilahin sa isang gilid. "Hindi mo puwedeng ipagtapat kay Nicoleen ang lahat." marahas niyang banta. "Alam kong 'yon ang balak mong gawin kaya ipinagpaalam mo si Nicnic kay Nicollo." Hindi pa man niya naililiwanag ang mga sinasabi niya, alam ko na agad ang ibig niyang iparating. Gusto niyang mag-sinungaling ako kay Nicoleen. Bullshit. "Why not? May karapatan siyang malaman 'yon." pagmamatigas ko. I honestly don't get it, really. Bakit pati siya ayaw ipaalam ang lahat kay Nicoleen? Naiintindihan ko kung si Tita Ross - pero siya? Sarili niyang kapatid? Nasabi na rin sa'kin ni Nicollo na matagal na nilang alam ang totoo. How long do they plan to keep on lying to her? "Wal

