-Nicoleen's Play- “Good morning!” masiglang bati ko pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng conference room. Hindi na ‘ko nag-abalang tignan kung may nakarinig ba sa’kin, dumiretso agad ako ng upo. “Mukhang good mood ah?” Umangat ako ng tingin kay Kuya Nicollo. Ngayon ko lang napansin na siya lang pala ang nasa loob ng conference room. “May nangyari bang maganda kahapon?” Naka-ngising tanong niya at kumindat. I think I know what he’s trying to imply. Yesterday. Paix Montenegro and all that. Tinaasan ko siya ng kilay saka ibinaling ang atensyon ko sa mga papel sa harapan ko. Ayokong bigyan siya ng pagkakataon na basahin ang reaksyon ko. Well, the heat is already building up to my cheeks. “Wala naman,” kaswal kong sagot. “Bakit ang aga mo yata ngayon? Mamaya pa ang meeting ‘di ba?” Gus

