–Nicoleen's Play– Namumutla akong humakbang pababa ng sasakyan ni Kuya Nicollo. Kumaripas agad si Roshane papunta sa tabing dagat nang makababa kami. Gustuhin ko mang sundan siya at magtampisaw din sa tubig dagat tulad ng ginagawa niya ngayon, natitigilan ako kapag naaalala ko ang mga imahe na nakita ko sa studio. It's official. This is aquaphobia. Takot ako sa dagat sa di 'ko malaman na dahilan. At wala pa rin akong ideya kung ano ba talaga ang mga imaheng nakita ko. I took a deep breath. Isang linggo akong magtitiis at aasa na sana'y di ito mahalata ng iba. Ayokong masira ang bakasyong 'to dahil lang sa'kin. This is my first trip with my family– with Paix, Justin and Roshane. I've never felt more complete than this. "Hey." Napagitla ako nang maramdaman kong yumakap mula sa likuran ko

