- Justin's Play - "Bakit ba naisipan mong dito mag-outing, Natasha?" Napukaw ang atensyon ko nang marinig ko ang malakas na sigawan mula sa nakaawang na pintuan ni Tita Natasha, ang mommy nila Nicoleen. Boses 'yon ni Tito Harry. Mukhang nag-aaway sila. "Ano bang masama? Gusto ko lang makabawi sa anak ko." Halos papaiyak na ang boses ni Tita. "Makabawi? Sa tingin mo makakabawi ka pa sa lahat ng impiyernong pinaranas mo sa kanya noon?" Impiyerno? Pinaranas? Tungkol ba kay Nicoleen ang pinaguusapan nila? Hindi ko naman gustong lumabas na nakikinig sa may usapan ng may usapan pero hindi ko maiwasang magtaka. Nanatili ako sa kinauupuan ko, anticipating for more. "Hindi na ba tayo puwedeng bumalik sa dati?" Basag ang boses niya at tila ba nagsususmamo. "You think that's possible? Babalik

