May nagbukas ng pinto ng studio, naglakad ito papalapit sa recieving area. Narinig ni Vincent ang mga yabag ng pumasok, kaya naman inihinto ni Vincent ang kanyang ginagawa upang batiin ang pumasok na costumer. "Good---." Natigilan si Vincent sa pagbati ng nakita ang magandang dilag na papalapit sa kanya.
"Hi," masiglang bati ng babaeng pumasok sa studio. Nginitian nito ng sobrang tamis si Vincent.
"Hi, miss Cheska," masayang bati ni Vincent. Ngumiti ito at titig na titig sa kagandahan ni Cheska. "Napakagandang umaga naman nito! Nakita ko kaagad ang pinakamagandang costumer namin. 9 pa lang ng umaga, kumpleto na kaagad ang araw ko," pangbobola ni Vincent.
Hindi pinansin ni Cheska ang sinabi ni Vincent. Luminga-linga ito sa paligid. "Vincent, si Zoren?" tanong ni Cheska.
Nadismaya si Vincent dahil walang epekto kay Cheska ang kanyang pambobola. "Hay, si Zoren na naman? Ayaw mo ba sa akin? Minsan naman ako ang hanapin mo, miss beautiful Cheska, plaese," birong sabi ni Vincent.
Nagtaka si Cheska sa mga sinasabi ni Vincent, ngunit hindi na lang n'ya ito inintindi. Si Zoren kasi ang kanyang pakay at wala itong interes pagaksayahan ng panahon ang mga sinasabi ni Vincent. "May ibibigay kasi ako sa kanya at may lakad din kami," paliwanag ni Cheska.
"Pwede bang malaman kung saan kayo pupunta?" usisa ni Vincent.
"No! Secret," pabebeng sabi ni Cheska.
Ngumisi na lang si Vincent.
Wala si Kalvin ngayon kaya si Vincent ang nakatao sa kanilang studio. Wala rin naman gaanong event silang naka-schedule kaya naman madalas ito sa studio. At nasasaktuhan namang tuwing si Vincent ang nasa studio ay dadating si Cheska at hahanapin si Zoren. Bihirang mapirmi si Zoren sa studio dahil sa mga raket nito. Part time professor din kasi ito kaya naman tuwing walang schedule sa studio ay nasa iskwelahan naman ito.
"Sa akin wala kang ibibigay?" tanong ni Vincent.
Tinaasan ng kilay ni Cheska si Vincent. "Wala, bakit may kaylangan ba akong ibibigay sa 'yo?" mataray na sagot ni Cheska.
Napangisi si Vincent. "Alam mo kung hindi lang kita gusto, matagal ko ng binara 'yang katarayan mo. Para nagtatanong lang," diretsong sabi ni Vincent.
Bahagyang nagulat si Cheska sa sinabi ni Vincent. "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Okay ka lang ba?" tanong ni Cheska.
Nabago kasi ang tono ng pananalita ni Vincent, halatang napikon ito sa sinabi ni Cheska. Hindi pa rin kasi ito makaramdam na may pagtingin ito sa kanya. "Hay nako! Bakit na kasi ang manhid manhid n'ya!" pahaging ni Vincent.
Hindi pa rin ito pinansin ni Cheska. Nagpunta na ito sa waiting area ng studio, ibinaba ang dala-dala nitong plastic at naupo sa sofa. Inilabas ang kanyang laptop at nagsimulang mag-check ng kanyang mga e-mails. Ganito palagi ang eksena ni Cheska tuwing hinihintay si Zoren sa studio. Hindi naman ito nakakaabala sa mga costumer ng studio kaya hinahayaan lang ito ni Vincent sa kanyang pwesto.
Pursigidong ligawan ni Cheska si Zoren kaya naman panay ang dalaw nito kay Zoren tuwing maluwag ang kanyang schedule. Oo, tama, s'ya na mismo ang nangliligaw kay Zoren. S'ya na ang nagbibigay ng motibo at nage-effort para mapansin ni Zoren na may pagtingin s'ya rito. Madalas itong pumuntang studio at matyagang hinihintay si Zoren para bigyan ng kung ano-ano o 'di kaya para kumain sa labas. Kahit na hindi ito sigurado sa schedule na ibinigay ni Zoren sa kanya at madalas na pupuwit-puwit itong uuwi dahil wala si Zoren. Kung minsan nga ay s'ya na ang tumatao sa recieving ng studio kapag-break time ni Kalvin upang makabawi sa pang-aabala nito sa kanya. Naging close na rin si Cheska kay Kalvin. Tinitrimbihan na rin ni Kalvin si Cheska tuwing naka-schedule si Zoren sa studio para kahit papaano ay hindi sayang ang pagpunta ni Cheska. Ang kaso nga lang ay madalas na humahalili si Vincent kay Zoren tuwing may biglaang lakad ito. At sa huli kay vincent napupunta lahat ng para kay Zoren.
"Oh, hot choco mo miss ganda," alok ni Vincent. Inilapag ni Vincent ang tasa ng hot choco sa lamesa. "Ito rin ang pandisal, iniinit ko pa 'yan, may peanut butter na palaman na rin 'yan," dagdag ni Vincent.
Napatingin si Cheska kay Vincent. Nagningning din ang mga mata nito dahil sa narinig.
"Wow," sabi ni Cheska. Inihinto nito ang kanyang ginagawa at kinuha ang tasa ng hot choco. "Ang sarap!" masayang sabi ni Cheska, para itong batang binigyan ng masarap na pagkain.
Kinilig naman si Vincent sa naging reaksyon ni Cheska, ngunit hindi ito nagpahalata.
"Syempre! Mayroon ata akong magic powers, kaya alam ko ang favorite mo," sabi ni Vincent. Naupo ito sa katapat na sofa ni Cheska.
"Asus, 'wag ako Vincent. Tinanong mo lang kay Kalvin ang gusto kong inumin," pangbabara ni Cheska Kay Vincent.
"Wow grabe ka! Bakit ganyang ka bang ipagtimpla ni Kalvin ni hot choco? Huh! Ako lang ang pinaka-masarap magtimpla ng hot choco at kape sa aming lahat," mayabang na sabi ni Vincent. Dating barista si Vincent bago pa man sila magtayo ng studio. Kaya talaga namang may ibubuga ito sa pagtitimpla ng kung ano-anong inumin.
Napangiti si Cheska sa sinabi ni Vincent. "Oo na, masarap na 'tong timpla mo! Salamat," sabi ni Cheska.
"'Yan, ganyan! Hindi 'yung lagi ka na lang nakasinghal sa lahat ng mga sinasabi ko," kantiway ni Vincent.
Hindi inintindi ni Cheska ang mga sumunod na sinasabi ni Vincent, nagmayabang na kasi ito sa kanyang dating trabaho. Masyado nitong ine-enjoy ang paginum ng hot choco at pagkain ng pandisal.
"Maiba ako, bakit nga ba palagi mong hinahanap si Zoren? Nangliligaw ka ba kay Zoren?" tanong ni Vincent.
Namula ang mga pisngi ni Cheska, ibinaba nito ang tasa at kumuha na unan na kanyang kalapit. "E, kasi." Tinakpan ni Cheska ang kanyang mukha ng unang hawak-hawak dahil sa hiya.
Napapangisi na lang si Vincent. Alam naman talaga ni Vincent ang dahilan ni Cheska kung bakit ito natyagang nagpupuntang studio. Gusto lang nitong kumpirmahin. Wala lang gusto lang nitong makita si Cheskang kinikilig, pangpalipas oras habang wala pang costimer. "Para 'tong sira. Ano nga may gusto ka ba kay Zoren? Ano?" pang-aasar ni Vincent.
Sumilip si Cheska ng kaunti sa nakatakip na unan sa kanyang mukha, lumataw ang singkit nitong mata. "Oo, gustong gusto ko si Zoren." Pagkatapos magsalita ni Cheska ay tinakpan muli nito ang kanyang mukha at nagtititili mag-isa. Napangiti na lang si Vincent at ngumiti mag-isa. Nakaramdam din ito ng kilig matapos makita ang reaksyon ni Cheska, parang bata si Cheskang kilig na kilig.
"Oy Cheska!" Nagtataka na si Vincent sa kanyang sarili dahil hindi maalis ang mga ngiti sa kanyang mukha habang pinagmamasdan si Cheska. "Ang tanda mo na para maggagaganyan! Ano highschool lang ang peg? Baka magpa-banner ka pa n'yan o gumawa ng pop-up box para kay Zoren," asar ni Vincent.
Inalis ni Cheska ang unan na itinakip nito sa kanyang mukha. Nakita ni Vincent ang malaking ngiti sa mukha ni Cheska. Humanga ito sa itsura ni Cheska na para bang ngayon n'ya lang napansin ang kakaibang ganda nito. Natulala sandali si Vincent habang aliw na aliw sa pagtitig kay Cheska habang nagkwekwento ito..
"Pwede rin! E----" kilig na kilig na sabi ni Cheska.
"Ang ganda ni Cheska, lalo na kapag nakangiti s'ya sa sobrang kilig. 'yung mga mata n'ya ang sarap titigan. Oh sh*t! Vincent! Ano 'yang mga iniisip mo! Teka nga! Bura bura!" sabi nito sa kanyang sarili.
"Vincent! Oy! Nakikinig ka ba sa akin?" sabi ni Cheska. Nakatulala lang kasi si Vincent at hindi na nagbigay ng reaksyon sa mga sinasabi ni Cheska. Hindi na pansin ni Vincent na matagal na pala s'yang nakatitig kay Cheska.
"Ha! Ah, oo?" sagot ni Vincent.
"Anong oo? May tao kako! Ayon oh!" Turo ni Cheska.
"Ay, may tao pala akala ko kung ano na, sige sige, sorry. Ang ganda mo kasi! Napatulala tuloy ako," biro ni Vincent.
"'Wag ako Vincent!" sabi ni Cheska.
Kumamot na lang sa kanyang ulo si Vincent. "Sige d'yan ka na muna. Maya maya dadating na si Zoren your love," muling asar ni Vincent.
"Vincent! Anong ginagawa mo? Ay nako, umayos ka nga," muling sabi ni Vincent sa kanyang sarili. Kulang na lang ay sampalit n'ya ang kanyang sarili upang matauhan. Napapangiti pa rin kasi ito mag-isa tuwing naaalala ang mga ngiti ni Cheska.
Inirapan ng matalim ni Cheska si Vincent. Tumayo na si Vincent at inasikaso ang costumer na dumating.
May paghanga si Vincent kay Cheska, noong una ay para bang crush lang n'ya ito. Paghanga dahil mapustura, maganda at malakas naman talaga ang dating ng kagandahan ni Cheska. Nagagandahan lang talaga si Vincent kay Cheska, hot chix daw ito. At dahil kaibigan nga ito ni Celine, nahihiya itong pormahan si Cheska. Ayaw din naman ni Vincent na sumama ang tingin ni Celine sa kanya. Respeto na lang din dahil kaibigan ito ni Celine. Si Vincent kasi ay ang tirador ng mga babae sa kanilang magkakaibigan, bukod kay JR. Parang nagpapalit lang ito ng damit kung magpalit ng girlfriend. Kaya naman ng makita nito si Cheska ay hindi nito magawang isama ito sa kanyang koleksyon dahil sa hiya kay Celine. Ngunit habang tumatagal ay tumitindi ang pagkagusto nito kay Cheska. Hindi nito alam kung kaylan nagsimula ang kanyang patinding paghanga sa kaibigan ni Celine. Kahit na alam nitong si Zoren ang tipo ni Cheska ay hindi pa din ito sumusuko sa pagpapapansin kay Cheska.
Ilang oras pa ang nakalipas at dumating na si Zoren.
"Brad!" bati ni Zoren kay Vincent na kasalukuyang naka-upo sa recieving.
"Oh, brad. Ano okay na 'yung lakad mo? Ano, ikaw na dito oh doon ka sa loob?" tanong ni Vincent.
"Brad sa loob muna ako, may kaylanagn pa akong tapusin na presentation. Ayos lang ba?" sagot ni Zoren.
"No problem, ay teka nga pala paano si---" sabi ni Vincent sabay nguso sa direksyon ni Cheska.
Abalang nagta-type si Cheska kaya hindi nito napansing dumating na pala si Zoren.
Napakamot si Zoren sa kanyang ulo. "Ay oo nga pala! Nako brad, pwedeng favor. Nakalimutan kong pupunta si Cheska dito sa studio ngayon. Kanina pa ba s'ya?" mahinang tanong ni Zoren.
Tumango si Vincent. "Oo brad, magtatatlong oras na s'ya d'yan. D'yan na nga s'ya nagtrabaho. Ayos lang naman kasi kahit papaano nagkaroon ako ng kasama mula kanina. E, paano 'yan?" sabi ni Vincent.
"'Yon na nga brad, e hindi ko ma-entertain si Cheska ngayon. May usapan kasi kaming pupunta sa Binondo mamaya for lunch. Sabi ko kasi may masarap na noodle house roon. Tsk, nawala sa isip ko ang lakad namin ngayon. Kaso pinapa-rush 'tong report ko," paliwanag ni Zoren.
"Oh tapos anong gagawin ko brad?" tanong ni Vincent.
Ngumiting nakakaloko si Zoren. "Ikaw na lang muna ang sumama kay Cheska, sige na. Type mo naman s'ya 'd ba, chance mo na to para makapagpapansin kay Cheska. Parang date ganoon. Sige na brad para hindi naman masayang ang paghihintay ni Cheska," sabi ni Zoren.
"Lul! Brad naman para 'tong--- oy!" Dumiretso na si Zoren sa loob. Hindi man lang nito inalam kung pumapayag ba ang kanyang kaibigan sa pagsama kay Cheska sa Binondo.
Agad na tinignan ni Vincent si Cheska, patuloy pa rin ito sa pag-type sa kanyang laptop.
Tumunog ang cellphone ni Vincent.
"Brad sabihin mo na lang hindi ako makakapasok, pero kung gusto n'ya kamo ikaw na lang ang sasama sa kanya sa Binondo. Thanks brad! Ikaw na bahala. Love you." Text ni Zoren, at may pa kiss emoticon pa!
"Brad naman, minsan ka nga lang humingi ng pabor napakahirap pa. Paano ko ba 'to lulusutan? Ano maaga ako kunwari magsasara ng studio ng masamahan lang si Cheska? Ay kano brad!" reply ni Vincent kay Zoren.
Agad na nagreply si Zoren. "What a great idea! Big brain, ikaw na si Jimmy Neutron! Ako na lang bahalang magbukas ulit ng studio kapag nasa parking na kayo. Papagasulinahan na lang kita bukas, full tank!" suhol na sabi ni Zoren.
"Brad full tank ha! Sige sige na, I-text na lang kita kapag nasa parking na kami. Ikaw na ang bahala sa studio," reply ni Vincent.
Wala ng nagawa si Vincent, bihira lang naman kasi talaga humingi ng pabor si Zoren kaya hindi n'ya ito mahindian. Nagpasya na itong iligpit ang kanyang gamit. Matapos nito ay lumapit na ito kay Cheska.
Kinakabahan ito sa pagsasabbi kay Cheska. "Cheska?" tawag ni Vincent.
"Yes," sagot ni Cheska ngunit tuloy tuloy pa rin ito sa pag-type.
Nakaramdam ng hiya si Vincent dahil sa pagsisinungaling na kanyang gagawin. "Ano kasi si Zoren," panimula nito.
Inihinto ni Cheskas ang kanyang ginagawa at tumingala upang tignan si Vincent. Hindi ito nagsalita at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Vincent.
"Ano kasi, ano," hindi makapagsalita si Vincent sa kaba. Titig na titig pa rin si Cheska. Kumakabog ang kanyang dibdib, hindi nito mawari kung dahil ba pagtatakpan n'ya si Zoren o dahil nakatitig ang magandang dilag sa kanya.
"Oy! Vincent, anong nagyari kay Zoren?" nagasalita na si Cheska dahil nangangalo na ito sa pagtingala kay Vincent.
"Ano kasi, hindi s'ya makakapasok," sabi ni Vincent.
Bumuntong hininga si Cheska matapos marinig ang sinabi ni Vincent, sumandal pa ito sa sofa. Naawa si Vincent sa naging reaksyon ni Cheska. Tatlong oras nga naman itong hinintay si Zoren tapos hindi ito sisipot. Ngunit sa kabilang banda, may rason din naman kasi si Zoren kung bakit hindi n'ya masasamahan si Cheska. Naiipit tuloy si Vincent sa pagitan ng dalawa.
"Ano, pero kung gusto mo, ako na lang ang sasama sa 'yo. Okay lang ba?" alok ni Vincent.
Bakas sa mukha ni Cheska ang lungkot, ngunit pinilit nitong ngumiti. "Ganoon ba? Sige, okay lang. Babalik na lang ako ng office," malungkot nitong sabi.
Nahabag naman si Vincent sa naging reaksyon ni Cheska, ngunit anong gagawin n'ya kung hindi talaga pwede si Zoren ng araw na ito. At wala itong magawa, kaylanagn n'yang gawin ito para kay Zoren. Pero gusto n'yang mapagaan ang kalooban ni Cheska kahit kaunti lang.
Nagligpit na ito ng kanyang mga gamit, binalot ng malungkot na awra si Cheska.
"Oy, ano ako na nga lang ang sasama sa 'yo. Ano tara?" aya ni Vincent. Hindi ito pinansin ni Cheska, tuloy lang ito sa pagsisilid ng kanyang mga gamit sa kanyang bag. Lalo tuloy na guilty si Vincent sa kinikilos na Cheska. "Oy Cheska pansinin mo naman ako. Ito naman," sabi ni Vincent.
Natapos na sa pagliligpit si Cheska, dirediretso na ito palabas ng studio. Nataranta na si Vincent at hinabol si Cheska palabas. "Cheska!" sigaw ni Vincent. Umalingawnagw ang boses ni Vincent sa buong floor. Namutla sa hiya si Vincent pero ito lang ang paraan upang pansinin s'ya ni Cheska. Huminto ang karamihan ng mga taong dumadaan at sa wakas ay napalingon din si Cheska. "'Wa---- 'wag mo akong iwan! Please, ma---- mahal na mahal kita!" muli nitong sigaw.
Nanlaki ang mga mata ni Cheska. Lumuhod pa si vincent sa gitna upang maging makatotohanan ang kanyang ginawa at mapigilan si Cheska sa pag-alis. "Please, I made a mistake, pero mahal na mahal kita! Patawarin mo na ako Cheska please," nagmamakaawa nitong sabi.
Dali-daling lumapit si Cheska at hinatak pa tayo si Vincent. Idinikit nito ang kanyang katawan kay Vincent. "Ano ba 'yang ginagawa mo!" bulong ni Cheska.
"Away mo kasi akong pansinin. Kaya ito, ano tara? Sa Binondo? My treat," bulong ni Vincent.
Nakatingin pa rin ang ibang tao sa mall dahil sa drama ni Vincent. Napapikit si Cheska sa sobrang hiya. "Sige na sige na, pinapatawad na kita! I love you!" sigaw ni Cheska upang tumigil na ang pakikiosyoso ng mga tao.
Nabigla si Vincent sa sinigaw ni Cheska. Bumilis ang tibik ng kanyang puso, hindi ito makahinga ng maayos. Nang lamig din ang kanyang kamay at pinagpawisan kahit na naka-centralize aircon ang paligid. Hindi nito maalis ang tingin kay Cheska. Sa isang iglap ay parang lulukso ang kanyang puso papunta kay Cheska.
Hinila na ni Cheska pabalik ng studio si Vincent. "Ma---- mahal mo rin ako?" sabi ni Vincent.
Nagulat si Cheska sa sinabi ni Vincent, huminto ito bigla. Hindi nakontrol ni Vincent ang kanyang sarili sa paghinto kaya naman napabangga ito kay Cheska at sakto namang napalingot si Cheska rito. Sobrang lapit ng kanilang mga mukha sa isa't isa, kaya paglingon nito ay namula si Cheska ilang segundo rin silang nasa ganitong pusisyon. Hindi nakahinga sandali ang dalawa sa bulis ng mga pangyayari. Pumikit si Cheska at itinulak ng malakas si Vincent papalayo sa kanya. Napatungo ito at dirediretso sa paglalakad ng hindi nakatingin sa dinadaanan.
"Cheska! 'Yung---" At kumalabog na si Cheska dahil nauntog ito sa salamin na pintuan. "---pinto, buksan mo muna bago ka pumasok,"