bc

DAD

book_age16+
407
FOLLOW
1.8K
READ
family
independent
self-improved
lighthearted
serious
city
office/work place
disappearance
photographer
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Kaylan mo masasabing handa ka ng patawarin ang taong nagbigay sa 'yo ng dahilan upang kasuklaman ang tunay mong pagkatao? Ito ang nararamdaman ni Ezikiel o mas tinatawag na Zeki. Isang mapagmahal at maalagang anak, kapatid, kasintahan at ama para kay Gael.

Masayang namuhay si Zeki kasama ang kanyang stepdad na si Arvin at kuntento na sa buhay. Masaya ng nagpaplano ng kanilang kasal sina Zeki at ang kanyang kasintahang si Celine. Ngunit dumiting ang mga taong susubok sa kanilang pagkatao at relasyon.

Parang kabuteng sumulpot si Lanz ang tunay na papa ni Gael, ngunit hindi pa man lang natatapos ang pagdating ni Lanz ay bumalik ang nakaraang matagal ng binaon sa limot ni Zeki. Ang kanyang daddy Mykiel, ang taong sumira ng kanyang pagkabata.

Paano ni Zeki mapapalaya ang kanyang sarili sa lungkot na kanyang nadarama. At paano n'ya matutulungan si Gael upang hindi maranasan ang kanyang mga pinagdaanan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nauuso ngayon ang mga wedding pictorials, videos, pre-nup photo shots at kung ano-anong pakulo tuwing kasal. Kung sa bagay, every girl’s dream ang maikasal ng engrande, ala fairytale. Mala princess ba, gown, bouquet of flowers at ang bride ang pinka maganda sa araw na iyon. Kaya siguro pumapatok ang mga studio kung saan sila na ang bahalang mag-capture ng unforgettable na moments sa isang kasal. Mga iyakan, tawanan at kung ano-ano pang makapag papaalala sa mahalagang okasyong ito. Ang paging photographer, akala mo ay isang madaling propesyon kung saan kumukuha lang ng litrato. Click lang ng click sa camera at tapos na! Pero ang hindi natin alam, sa bawat pag-click nila ng kanilang camera ay hinahanap nila ang tamang tiyempo upang makuhanan ang magagandang eksena o pangyayari na hindi na maibabalik ng panahon. Ang buhay kasi, wala ng reply, walang pause. Walang stop, hindi pwedeng ma-edit o ma-delete. Tanging mga litrato lang ang nakakapagpakita sa atin ng ilang masasayang sandali ng ating buhay. Dito napre-preseve ang mahahalagang sandal, masaya man o hindi, pangit man o maganda. Ito lang ang tanging alala na makakapagpakita ng pagbabago natin mula noon hanggang ngayon. Ang bagay na makakapagpahinto sa atin mula sa mabilis na pagbabago ng mundo. Ang makakapagpaalala kung ano tayo noon. Ang mga photographer lang din ang bukod tanging nakakita ng mga ganitong sandal at magagawang kuhanan ito ng maganda. Ilang segundo lang ang nakalaan para makuhanan nila ang mga bagay na alam nilang makakapagpasaya sa kanilang kliyente. Tamang timing at masusing obserbasyon ang kailangan upang masaktohan ang mga sandaling walang kapantay. At ito ang napiling propesyon ni Zeki. Ang studio nina Zeki ang napili upang maging official photographer sa isang kasal. Baguhan pa lamang sila sa ganitong industriaya ngunit magaganda ang kanilang mga gawa. Kung kaya't kahit papaano ay marami rami silang nakukuhang events at kliyenta. Sipag at tyaga ang kanilang puhunan para mapalago ang kanilang munting studio. Hindi mawawala sa kasalan ang mga magagandang abay. Napukaw ang atensyon ni Zeki ng isa sa mga abay na nakatayo sa bukana ng simbahan. Magsisimula pa lang ang kasal at tinitipon na ang mga lahat ng kasama sa entourage para sa final briefing ng kasal. Si Zeki ang nakatoka sa lugar na ito, kaya namalagi ito malapit sa bukana ng simbahan. Madalas niya itong sulyapan ng tingin. Kung kaya't napansin ito ni Cheska, isa sa mga abay. "Oy, girl! Si kuyang photographer, panay ang tingin sa 'yo o. Kanina pa," bulong ni Cheska sa dalaga. Nakaramdam ng pagkailang ang dalaga dahil sa sinabi ng kaibigan. Ngunit hinayaan niya lamang ito at hindi pinansin. Inisip nitong hindi talaga siya ang tinitignan ng binata at napagkamalan lang 'to ni Cheska. Sa dinami dami ng mga abay at todo ayos pa ang mga ito, inisip ng dalaga na hindi s’ya ang tinititian ng binata. Mas magaganda pa ito sa kanya at mas mapustura. Maya-maya pa ay kinalabit muli s'ya ni Cheska. "Girl, promise nakatingin talaga siya sa 'yo! Kinikilig na ko, bakit ganoon! Bakit ikaw lang 'yung tinitignan niya." At hinapas ito ni Cheska. Napatingin na ang dalaga sa kinaroroonan ni Zeki, at nakatingin nga ang ito sa kanya. Nginitian pa ito ng binata. Nagulat ang dalaga sa pagngiti ni Zeki, hindi nito alam ang magiging reaksyon. Samantalang ang mga kasama niyang mga abay, kabilang si Cheska, ay mga kilig na kilig. Dahil dito, nainis ang dalaga at nilapitan si Zeki na kasalukuyang naka upo sa isang monoblock chair. "Excuse me, sir may problema ba tayo?" tanong ng dalaga. "Ah, wa... Wala naman," sagot ni Zeki. Bigla rin itong nautal, hindi kasi inaasahan ng binata ang biglang paglapit ng dalaga. Namangha rin ito sa kagandahan ng dalaga, mas nakita ni Zeki ang ganda ng dalaga sa malapitan. "Parang kasing hindi e, kasi kanina ka pa tumitingin sa akin, medyo nakakailang na sir," mataray nitong sabi. Napatayo bigla ang binata habang nakataas ang kanyang kamay na parang namamanata, "Promise, wala miss?" tanong ni Zeki, na para bang nagpapahiwatig na sabihin ng dalaga ang kanyang pangalan. Tinaasan lang nito ng kilay ang binata at hindi sumagot. Aalis na sana ito ngunit hinbol ito ni Zeki. "Miss sandali lang, ito naman.” Napaharap ang dalaga dahil sa tawag ni Zeki. “Miss ano pong pangalan n'yo? Pwede bang malaman?" diretchong tanong ni Zeki sabay kindat. Pinandilatan ng mata si Zeki n g dalaga. "Ayaw ko nga! Bakit ko sasabihin? Para saan?" masungit nitong sabi, sabay irap. Napakamot sa ulo si Zeki. "Sungit naman nito, pangalan lang naman para lang sana sa CENOMAR," ngiting-ngiti nitong sabi. "Ano?" tanong ng dalaga. Nagtataka ito sa tanong ni Zeki. "Para sa CENOMAR, maninigurado lang. Titignan ko kung wala kang asawa at kung pwede kitang ligawan," banat ng binata. Napreskuhan ang dalaga sa banat ni Zeki. Inirapan lang ito ng dalaga at iniwanan na si Zeki sa kanyang kinatatayuan. Sinundan lang ng tingin ni Zeki ang dalaga. Ngumiti si Zeki. "Malalaman ko rin ang pangalan mo miss." Lumakad na si Zeki para magsimula ng magtrabaho. Isa si Zeki sa nagmomostra kung saan hihinto ang mga kasama sa entourage. Mula sa mga makukulit na flower girl, ring, Bible and coin bearers, Primary and Secondary sponsors, bridesmaids and groomsmen, best man at maid of honor. At syempre ang groom, at ang bride. At dahil dito hindi maiiwasang hindi makita at makausap ng dalaga si Zeki. Ngunit kahit ganoon ay panay irap lang ang natatamasa ng binate, kahit panay na ang papansin nito rito. Natapos ang misa ng kasal na hindi man lang nakuha ni Zeki ang pangalan ng dalaga. Sinubukan nitong abangan ito sa mga palaro sa reception ngunit wala na ito. Umuwing dismayado ang binata, pero inisip nitong kung pagbibigyan siya ng tadhana at magkaroon ng maliit na tsansang makita muli ang dalaga, ay gagawin na nito ang lahat upang malaman ang pangalan ng magandang dilag. Nasa van na ang buong team ni Zeki, pauwi na sila upang makapahinga. "Brad, ang unfair mo naman sa ibang mga abay!" Biglang inagaw ni JR ang tablet na hawak ni Zeki. Brina-browse kasi nito ang kanyang mga kuha. "Tignan mo naman puro si SD ang kinukuhanan mo! Wala ba 'yung chix na tinuturo ko sa 'yo? Sabi ko naman sa 'yo kunan mo s'ya ng madami 'di ba?" inis nitong sabi kay Zeki. Nagulat ang binata sa sinabi ni JR, isa ito sa mga photographer ng studio at kaibigan ni Zeki. "SD ang pangalan n'ya!" pasigaw na sabi ni Zeki. Tuwang-tuwa ito sa narinig sa kanyang kaibigan, nagkaroon ito ng pag-asang makilala ang dalaga. "Oo, si SD, Santo Domingo kasi surname n'ya, kaya SD ang tawag namin. Dati ko s'yang kaklase sa isang subject noong college. Nagulat nga ako at nagkita ulit kami," paliwanag ni JR. At nagtataka ito sa reaksyon ng kaibigan. Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Zeki. "Santo Domingo," mahina nitong sabi at pinagpatuloy ang pagtinging sa mga larawan. Maya-maya pa ay bigla itong tumingin kay JR. "First name! Tama! Anong first name niya?" tanong ni Zeki. "Nako!" Tumawa si JR, at napakamot sa ulo. "Hindi ko alam, hindi ko maalala, nasanay kasi kaming SD ang tawag sa kanya. Hello college surname basis," natatawa nitong sabi. Napahawak si Zeki sa kanyang noo. "Ayan tayo brad e, 'di bale na nga lang," inis nitong sabi. Tinitigan ni Zeki ang mga kuha n'ya kay SD. Sobra itong humanga sa ganda ng dalaga. "Brad, sa tingin mo kaya, magkikita pa kami?" biglang tanong ni Zeki. Tinawanan ni JR ang kaibigan, "Brad, kung gusto may paraan. Kung ayaw, madaming dahilan," payo ni JR. Tinapik nito ang balikat ni Zeki. Lalong nabuhayan ng loob ang binata at hindi maalis ang kanyang mga ngiti. Naging ganado ito lalo sa trabaho. at umaasang magkikita muli sila ni SD. Ilang araw na kinulit ni Zeki si JR simula ng nalaman nitong magkakilala sina JR at SD. Ngunit kakaunting impormasyon lang ang naibigay nito sa kaibigan. "Santo Domingo, 'yan ang apilido niya. Hanapin mo na lang brad sa social media," inis nitong sabi kay Zeki. "Nag-check na rin ako ng mga social media accounts ko, at hindi ko s'ya friend. Hinanap ko rin siya sa suggestions, pero hindi ko s'ya ma-search. At hello napaka daming Santo Domingo sa Pilipinas at sa buong mundo, paano ko naman siya hahanapin! Ano ‘yon iisa-isahin ko lahat ng Santo Domingo na makikita ko? Ano ako buang?! Hindi rin kasi kami close ni SD, taray tarayan kasi siya sa klase, at magkaiba kami ng grupo ng barkada. Pero mabait at chix 'yan noong college. Muntik ko na ngang ligawan 'yan kaso dahil ubod ng sungit, hindi ko na tinuloy," kwento ni JR. "Hay nako brad, ang dami mong sinabi! Ni isa walang hint para sa first name ni SD! First name ang kaylangan ko brad. Minsan na nga lang ako humingi ng impormasyon galing sa 'yo hindi pa kumpleto! Salamat sa payo ha, hinanap mo na pala hindi mo pa ginalingan. Paano pa kaya ako, ikaw naging kaklase mo at nakalimutan mo lang ang first naman. E ako apilido lang ang alam ko sa kanya," nanglulumong sabi ni Zeki. "E, brad anong gagawin ko? Tyaka mas masarap ang tagumpay kung pinaghihirapan! Kapag may tyaga may nilaga! Go brad! Go! I-cheer na lang kita," palusot na sabi ni JR. "Ay, ewan ko sa 'yo brad! Sige salamat ha!" sabi ni Zeki. Tumawa lang si JR sa reaksyon ng kaibigan. “Sige na brad, nandyan na ‘yung van. Alis na ako,” paalam ni JR. Siya kasi ang nakatoka ngayon sa event ng kailang kliyente. “Sige brad, ingat,” sabi ni Zeki. Bumalik na ito sa pagtratrabaho, tinatapos ni Zeki ang album ng kasal ng kanilang kliyente kung saan n’ya nakita ang magandang dalaga. Ilang sandali pa ay natapos na n’ya ito. "Good morning po madam, good for pick-up na po 'yung photo album and I've already sent to your e-mail all the soft copies. Or schedule na lang po natin for meet up? Have a great day po. God Bless." Send! Nakalipas na ang 1 linggo mula noong kasal na iyon. Ito ang kanilang negosyo kasama ang kanyangmga kaibigan. Si Ezikiel dela Cruz o Zeki ay isang professional photographer at isa ring Registered Pharmacist. Passion nito ang photography, kaya ng nagkaroon ng pagkakataon ay nagpursigi ito sa kanyang hilig. At minsan ay suma-sideline bilang speaker sa review ng mga pharmacy student sa kanyang alma matter noong college. "Good morning, napaka ganda ng kinalabasan ng video na ginawa n'yo for my wedding, ang dami ng views at good comments. Ire-recommend ko kayo sa mga friends ko. Sobrang thank you. Kaso nga lang, nasa Ilocos kami ngayon. Okay lang ba na cousin ko na lang ang pumunta d'yan para kunin ang photo album?" reply ng kliyente. "Thank you, Madam, for the compliment. Salamat din po madam sa pag-recommend. Sure po madam, no problem. Pasuyo na lang po ng transaction number na binigay namin at paki present na lang po. Anong araw at oras po ninyo ipapakuha? At for meet up po ba or dito na lang po sa studio? Salamat," tanong ni Zeki. "On wednesday, mga after lunch, d'yan na lang sa studio. Mag-text na lang s'ya to inform kung papunta na s'ya ng studio," reply ng kliyente. "Copy that madam, thank you and God Bless madam," paalam ni Zeki. Gusto sanang tanungin ni Zeki ang pangalan ng dalaga sa kliyente ngunit pakiramdam nito na hindi ito tamang gawin. Nakaramdam ito ng panghihinayang ngunit dapat maging propesyonal tayo sa ating trabaho at manalig kay tadhana na magkikita muli sila ni SD sa tamang panahon. Dumating na ang araw ng miyerkules, habang hinintay ni Zeki ang pinsan ng kliyente, naisipan nitong lumabas muna saglit para bumili ng miryenda. Nagutom ito bigla. Madami kasi itong ginagawang for editing na video at s'ya ngayon ang nakatokang maiwan sa studio. Ang iba naman ang a-attend ng events. "Hay! Pagod na ako!" sabi nito. Lumabas si Zeki sa studio at nagpuntang reception area. "Kalvin, nagugutom ako! Ikaw ba?" daing ni Zeki. Si Kalvin ang tauhan nila sa studio. "Busog pa naman po sir, pero gusto n'yo po bang ibili ko kayo ng miryenda?" tanong ni Kalvin. "Sigurado ka? Hindi ka nagugutom? Tsaka ako na lang ang bibili sa food court. Gusto ko ring maglakad-lakad," sagot ni Zeki. "Sige po sir, pero kung may makikita po kayong corndog, baka naman sir. 'Yung plain lang sir," ngiting ngiting sabi ni Kalvin. Natawa si Zeki sa request nito. "Kita mo 'tong batang 'to, kunwari ka pa! Busog ka sa lagay na 'yan ha. Sige, sige. Nga pala may for pick-up tayo." Inilabas ni Zeki ang paper bag. "Ito 'yung transaction number, tignan mo ng mabuti kung magkapareho sa ipapakita ng kukuha nitong album, recieve mo na lang tapos check mo 'to pati 'to. Naka-ready na yan lahat, present mo muna lahat ng 'to bago mo ibigay. Check mo kung may damage, dapat in good condition lahat. Okay, kaya mo na 'yan. Lalabas lang ako," paalam ni Zeki.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook