"Mommy, pasensya na po kayo," nahihiyang sabi ni Celine. Nagulat ang dalaga nang biglang nagyayang umalis at kumain sa labas ang kanyang mommy Eliz. "Di n'yo naman po kaylangang mag-halfday. Makakapaghintay naman po ako hanggang makapag-out po kayo."
"Ano ka ba, ayos lang 'yon Celine, para sa akin pwedeng ipagpaliban ang trabaho pero ang anak hinding hindi. At saka nandoon naman sina L.A. kayang kaya na nila ang trabaho sa pharmacy," sagot ni Eliz.
Lumakad na ang dalawa patungo sa paborito nilang kainan, malapit lang din ito sa ospital kung saan nagtatrabaho si Eliz.
Matamlay pa rin si Celine, hindi nito maitago kay Eliz ang tunay nitong nararamdaman. Balis at malungkot ang awra ng dalaga. Nangangamba rin ang dalaga sa kanyang disisyon na sabihin kay Eliz ang dinadalang problema. Ngunit wala na s'yang maaring pagsabihan ng ganitong bagay.
Napansin din naman ito kaagad ni Eliz, panay buntong hininga rin kasi si Celine at malamlam ang mga mata.
Um-order na ang dalawa. "At pa-add ng isang medium bowl ng cookies and cream," dagdag ni Eliz.
"Okay po ma'am, with extra oreo po 'di ba po?" tanong ng waiter.
"Yes, tulad ng dati," sagot ni Eliz.
Napatingin si Celine sa kanyang mommy Eliz. "Mommy talaga masyado n'yo po akong inii-spoiled n'yan," nakangiting sabi ni Celine. Ngunit nakikita sa kanyang mga mata ang lungkot ng kanyang kalooban.
"Mukhang stress out ka na kasi, kaya kaylangan mong mag-recharge," sabi ni Eliz.
"Halata na po talaga ata na stress ako," sambit ni Celine. Hinawakan nito ang kanyang mga pisngi.
"'Di naman, kilalang kilala na lang talaga kita kaya siguro napansin ko kaagad ang pagka-stress mo. Ang lamlam na rin kasi ng mga mata mo. Hindi ka ba nakakatulog ng maayos?" tanong ni Eliz. Hinawakan nito ang mga kamay ng dalaga, ramdam ni Eliz na may dinadala itong problema na hindi masabi. Baka rin maapektuhan ang kalusugan ng dalaga kung magtuloy tuloy ang kanyang pagkabalisa. "Masyado ka na bang nai-stress sa pagpapakasal n'yo ni Zeki? Hindi ka ba n'ya tinutulungan sa mga preparations? Nako, 'yang Ezikiel na 'yan! Pagsasabihan ko pag-uwi! Kabilinbilianan pa naman ni Viel na lagi kang tutulungan at sasamahan. Sinabi ng balansehin ang lahat, 'di porket madiskarte at maabilidad ka, ikaw na ang pagagawin n'ya ng lahat. Nako Ezikiel talaga, dumali na naman sa pagiging pala asa," nagagalit na sabi ni Eliz.
Natawa bahagya si Celine sa dirediretchong pagsasalita ng kanyang mommy Eliz. Kadalasan kasing ito ang magiging problema ni Zeki tuwing may aasahan o katuwang sa mga gawain.
"Mommy, matagal na pong nabago ni Zeki ang ugali n'yang 'yon. 'Wag na po kayong magalit kay Zeki. Hands-on po s'ya sa kasal namin kaya wala pong problema," natatawang sabi ni Celine. Ngaunit matapos n'yang magsalita ay napalitan muli ang kanyang tawa sa 'di maipintang itsura. "Sa totoo lang po mommy, ako po ang may problema," dugtong ni Celine.
Tahimik na naghihintay si Eliz sa sasabihin ni Celine.
Huminga ito ng malalim, nanglalamig na rin ito sa kaba. "Mommy, natatakot ako," panimula ni Celine.
"Saan ka natatakot, sabihin mo sa akin," tanong ni Eliz. Umayos si Celine sa kanyang pagkakaup, hinaplos ni Eliz ang kamay ng dalaga upang kumalma at maging kampante sa pagkwekwento. "'Wag kang matakot, nandito kaming lahat para sa 'yo. Kaya kung ano man 'yang bumabagabag sa 'yo, malalagpasan natin 'yan. Nandito lang ako pangako,"
Pilit na ngumiti si Celine, ngunit kasabay nito ay ang pagpatak ng mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak. Lubos na nangamba si Eliz sa nagiging kilos ni Celine. Mula sa ospital hanggang ngayon na nag-uuap silang dalawa. Ayaw namang pilitin ni Eliz na pilitin itong magsalita. Ramdam ni Eliz na sensitibo ang dahilan ng pagkabalisa nito.
"Okay lang bang pag-usapan natin?" tanong ni Eliz.
Samantala, sa studio nag-uusap sina Zeki at Zoren, sila ang naiwan ngayon sa studio. Napagpasyahan ng mga kaibigan ni Zeki na s'ya na lamang ang madalas tatao sa studio at bibisita sa kanilang butika. Upang makakabwelo rin ito sa pagsama kay Celine para sa preparasyon ng kanilang kasal. By special request na lang ito sumasama sa events at s'ya na rin ang nagprisintang mag-edit ng mga videos ng kanilang kliyenta.
"Brad! Ano kamusta ang mga preparations n'yo? Ano madali ba?" tanong ni Zoren sa kaibigan. Ngayon lang muling nagkita ang dalawa, masyado kasing busy si Zoren. Bukod sa studio at butika suma-sideline rin ito bilang reviewee.
"Brad, kakai-stress. Lalo na sa mga papel at requirements. Tapos dumagdag pa 'tong pagiging reviewee ko next semester. Sino kasing nagsabing available ako palagi at ibinida ako kay dean," pagmamaktol ni Zeki.
"Nagtanong ka, ano ang magandang sideline? Sinagot lang kita, at binigyan ng sideline. Ginusto mo 'yan brad, magdusa ka," asar ni Zoren.
Tumalim ang mga tingin ni Zeki sa kaibigan. "Nagtatanong pa lang ako! Tapos kinabukasan pinapatawag na ako ni dean. Napakagaling mo talaga Zoren, napakahusay. At akala ko kalampi kita sa mga ganitong disisyon sa buhay. Ngayon ginaganyan mo na ako," bulyaw ni Zeki.
Natawa si Zoren sa mga sinabi ng kaibigan. Halatang stressed na rin ito sa kanilang kasal. 'Di rin nito masisi ang kaibigan, dahil 'di talaga madaling pagsabayin ang trabaho at pag-aayos ng kasal. "'Di naman brad, magkasanggang dikit pa rin naman tayo. Nakakatuwa lang na may ikakasal na sa atin. At ayan, ngayon lang kita nakitang aligaga at stressed out. Noong college lahat kami puyat at stress na sa subjects, samantang ikaw, puyat sa computer games! Pero nakakapasa pa rin. Si Celine lang pala ang makakagawa sa 'yo nito. Akala ko talaga mauuna pa si Vincent sa ating apat," sabi ni Zoren.
"Brad? Si Vincent pa ba? Wala namang permanenteng jowa 'yon! Ala JR din 'yon. Parang nagpapalit lang ng damit kung magjowa," sabi ni Zeki. Umiling-iling pa ito matapos magsalita.
"Ayon na nga brad, pero mukhang may makapagpapatino na sa kanya," pabulong na sabi ni Zoren.
Nagulat si Zeki sa nabalitaan sa kaibigan. "Talaga ba?" Lumapit pa ito kay Zoren. "Sino? Kilala ko ba 'to? Sino?" ata na tanong ni Zeki.
Biglang tumunog ang cellphone ni Zoren.
"Brad paano ba 'yan? Bitinin muna kita," paalam ni Zoren. "Tapusin mo na 'yang presentation mo! Lagot ka ky dean pag 'di ka pa nakapag-present ng draft mo. Tambak na rin tayo ng for editing! Umayos ka lahat kami nag-adjust para sa 'yo," pabirong sabi ni Zoren.
"'Wag ako brad! Wala akong pending 3 days a head, tapos ko na lahat ng for editing natin. Wag ako brad, dont me," sagot ni Zeki sa biro ng kaibigan.
Tumango na lang si Zoren at sinagot na nito ang tumatawag sa kanyang cellphone. "Yes po, opo, ma'am ganito 'yon." Lumabas na si Zoren upang doon kausapin ang kliyenteng tumawag sa kanya.
Napangisi na lang si Zeki sa kaibigan. Ipinagpatuloy na nito ang kanyang ginagawang presentation.
"Mommy, natatakot ako. Pero sana 'wag n'yong isip na hindi ko mahal si Zeki." Napayuko na ito at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Eliz. Umaasa itong maiintindihan ng kanyang mommy Eliz ang kanyang mga sasabihin na walang halong pagdududa sa pagmamahal nito kay Zeki.
Hinawakan ni Eliz ang mukha ni Celine at iniangat sa pagkakayuko. Pinunasan din nito ang mga luha ng dalaga.
"Mommy, natatakot akong dumating ang araw na kaylangan kong mamili. Hindi ko kayang mawala si Zeki pero mas mahal ko ang anak ko," umiiyak na sabi ni Celine.
"Shhh." Binitawan ni Eliz ang pagkakahawak n'ya sa mga kamaya ni Celine at tumayo. Agad nitong nilapitan ang dalaga at inakbayan. "Celine, hindi mo kaylangang mamili sa kanilang dalawa. Wala kang dapat piliin," sabi ni Eliz.
"Mommy, hindi ko po alam kung bakit ngayon ko nararamdaman ang mga ganitong bagay. Ang tagal tagal na po kasi tapos bigla bigla ko na lang nararamdaman ang presensya ni Lanz. Noong nakaraan, akala ko narinig ko ang boses ni Lanz sa simbahan. Takot na takot po ako na lumingin, nakaramdam po ako ng galit, lungkot at sakit halo halo po. 'Di ko maintindihan ang sarili ko bakit kaylangan kong maramdaman ang lahat ng 'to ngayon. Tapos hindi na s'ya maalis sa isip ko. Parang anytime, bigla na lang s'yang dadating at kukunin si Gael. Mommy hindi ko po alam ang gagawin ko pagnangyari ang araw na 'yon. Hindi ko rin po alam kung bakit kaylangan kong maramdaman lahat ng 'to ngayon. Kung kaylan maayos na ang lahat, kung kaylan ikakasal na ako," humahagulhol na sabi nito.
Tahimik lang na nakikinig si Eliz.
"Mommy, alam ko sa sarili ko na matagal ng nawala ang pagmamahal ko kay Lanz, mula ng araw na nauntog ako sa kat*ng*han ko. Ni katiting na pagmamahal wala na. Sigurado po ako doon mommy. Naisip ko na dapat matagal na ako kumalas sa relasyon namin, dahil mas sinasaktan ko lang ang sarili ko. Ayaw ko lang talagang mamulat si Gael na walang papa noon. Natatakot po kasi ako na baka hindi ko mapalaki ng maayos si Gael, 'di ko akalaing kakayanin ko pa lang mag-isa. Ayaw ko na pong bumalik sa mga pinagdaanan ko kay Lanz. 'Yung one sided love, tapos iiwan din ako sa huli. Mommy graduate na ako sa ganoong yugto ng buhay ko e." Pinagtatawanan ni Celine ang kanyang sarili dahil sa mga nasabi nito. Gayon din si Eliz. Halos iyak tawa na ang nakikita sa dalawa.
"Ngayon pa na nakita ko na ang taong nagpapahalaga sa akin at tunay na mahal si Gael. Ibabalik ko pa ba ang sarili ko sa ganoong tao? Mommy, t*ng* ako noon pero 'di na ngayon. Tama na 'yong tatlong taong pagbubulag-bulagan ko." Ramdam ni Eliz ang magkahalong inis at galit nito kay Lanz. Naiintindihan ito ni Eliz, halos pareho silang dalawa ng pinagdaanan kaya naman alam ni Eliz kung ano ang gustong ipahiwatig ni Celine.
"Pero mommy paano kung si Gael ang humiling na mabuo kami. Paano kung s'ya mismo ang magsabi na balikan ko si Lanz? Dahil s'ya ang tunay n'yang papa. Paano si Zeki, masasaktan ng sobra si Zeki. Nahahati po 'yung disisyon ko mommy, ang hirap. Masama ba kong ina kung hindi ko tutuparin ang gusto ni Gael? Pero makakaya ko po kaya ulit na mahalin si Lanz? Mommy hindi po ako martir para gawin ang bagay na 'yon. Hindi ko kayang mamili mommy," umiiyak na sabi ni Celine.
Nakikita ni Eliz ang punto ni Celine. Matapang at malakas na babae si Celine. Kung ikukumpara ito kay Eliz, mas may paninindigan ito at hindi nagpapatalo. Ngunit pagdating sa kanyang anak na si Gael, ang tigre ay nagiging maamong pusa. At ito ang nangyayari kay Celine.
"Anak, wala kang dapat piliin. Wala ka ring dapat ikatakot. Alam mo kung bakit?" tanong ni Eliz sa umiiyak na si Celine.
Umiling ito at tumingin kay Eliz.
"Kasi na sa tamang tao ka na. Sinasabi ko ito 'di dahil anak ko si Zeki kung 'di dahil 'yon ang totoo. Natakot din ako sa mga pwedeng mangyari lalo na at alam kong hindi pa kayo nakakapag-usap ni Lanz mula ng araw na iniwan ka n'ya sa altar. Pero alam mo anak, pagdumating ang araw na nagkita kayo ni Lanz dapat mong pakawalan ang lahat ng naramdaman mong galit sa kanya, isumbat mo at ipamukha mo sa kanya lahat ng sakit na nandyan sa puso mo. Karapatan mo 'yon, dahil hindi naman ang pag-iwan n'ya sa 'yo an dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Ang sakit na 'yan ay bilang isang ina. Wala pang boses si Gael." Nadudurog ang puso ni Eliz, ito ang mga bagay na 'di n'ya nagawa kay Zeki. "'Wag mong hayaang lamunin ng galit si Gael. 'Wag kang papayag na." Pilit na inaayos ni Eliz ang kanyang boses. "Mas matapang ka at mas matatag kaysa sa akin tandaan mo 'yan," sabi ni Eliz.
Pinaayos ng upo ni Eliz ang dalaga at humingi ito ng tubig sa waiter upang ipainum kay Celine.
"Wala ka na sa anino n'ya, ikaw na rin ang nagsabi na ayaw mo na sa kanya 'di ba?" tanong ni Eliz.
Tumango ang dalaga.
"Mahal na mahal ni Zeki ang anak mo. Matalinong bata si Gael, wala rin s'yang dapat piliin dahil ang pagmamahal ng isang magulang ay 'di dapat maging magdamot. Mahal kayo ni Gael, mahirap at magulo sa umpisa dahil dalawa ang tatay n'ya pero sa ugali ng ni Gael maiintindihan n'ya rin ang lahat ng 'to. Nandito kami, pati ang mga magulang mo upang gabayan kayong mag-ina," sabi ni Eliz.
Tumakbo ang mga araw, matapos na magusap sina Celine at Eliz. Nang araw na iyon, pinakawalan ni Celine ang kanyang mabigat na dinadala. Lubos na magpapasalamat si Celine sa kanyang byenan na si Eliz dahil isa s'ya sa nakakaunawa kung ano man ang kanyang pinagdaraanan.
Inaasikaso na rin ng magkasintahang Zeki at Celine ang mga papel na kakaylanganin upang maagang ilang mapasa ang mga ito sa simbahan. Ayaw din kasi ni Celine na patagalin pa ang pagaasikaso ng mga papel. May mga ceminar pa kasing kaylangang daluhan at kung ano ano pa. Marami pa rin silang 'di naayos para sa kanilang kasal tulad ng reception, invitation, souvenir at marami pang iba.
Naisip din kasi ni Celine na mas maigi na ring asikasuhin nilang dalawa ang mga ito kahit malayo pa ang kanilang kasal. Ito rin ang pinaka-importante sa lahat, mahirap ng magahol sa oras at magkaroon ng abirya. Lalo na't mahirap magasikaso ng mga papel pagnagkaron ng problema ang mahahalang dokumento.
Ayaw din naman nilang maapektuhan ang kanikanilang mga trabaho. Life must go on, at may mga responsibilidad pa silang kaylangang gampanan. Kaya plinaplano ng dalawang ibalanse ang lahat, sa pamilya, kay Gael, trabaho at sa kasal.
Naglalakad si Celine palabas ng kanilang opisina upang kumain. Lunch break na nila at mag-isa lang ito ngayong araw, wala kasi si Cheska kaya naisipan ng dalagang kumain sa labas para makapag-relax kahit kaunti dahil sa stress ng trabaho.
Matapos makausap ni Celine ang kanyang mommy Eliz, naging magaan ang pakiramdam ng dalaga. Nabawasan na ang kanyang kaba at takot sa maari nilang pagkikita ni Lanz. Bumalik na kanyang mga ngiti at naging normal na muli ang kanyang mga kilos.
Kung iisipin, bakit nga ba sa tuwing nagiging maayos ang lahat, saka naman may dadating na pagsubok. Naka-move on ka na, saka naman babalik ang taong nangiwan sa 'yo. Kung kaylan masaya ka na, saka naman dadating ang kalungkutan na hindi mo inaasahan.
"Ma'am welcome po," bati ng waiter. Binigyan ng magandang ngiti ni Celine ang waiter.
Naghanap kaagad ng bakanteng lamesa si Celine, tumawag din ito kaagad ng waiter at um-order na makakain. Ilang sandali pa at dumating na ang kanyang order. Tahimik na kumakain si Celine, biglang dumami ang tao sa paligid at nagkaubusan na rin ng lamesa. Lunch break na rin kasi. Mabuti na lang at maagang nakakuha ng mapwepwestuhan ang dalaga. Patapos ng kumain ang dalaga, patayo na rin sana ito ng biglang may waiter na lumapit sa kanya.
"Ma'am, may nagpapabigay po," sabi ng waiter. Inihain din nito ang isang bowl ng cookies and cream na ice cream. Kumislap ang mga mata ng dalaga ng matapos makita ang isang bowl ng ice cream.
"Kanino 'to galing?" nakangiting tanong ni Celine sa waiter.
"Ay ma'am, kay sir." Ituturo sana ng waiter ang kinaroroonan ng lalakeng nagbigay kay Celine ng ice cream. "Ay nawala po s'ya. At pinapabigay n'ya po pala ito." Iniabot ng waiter ang isang maliit na papel.