"Kalvin," humahangos na bati ni Cheska kay Kalvin. Dirediretso ito sa pagpasok sa studio kasama si Celine. Nagulat si Kalvin, para kasing susugod sa gera ang awra ng dalawa. "Oh ate long time no see," bati ni Kalvin. "Sinong hanap mo ate si kuya Zoren ba?" tanong nito. "Hindi," agad na sagot ni Cheska. "Si Vincent ang hinahanap ko." Nanlaki ang mga mata bni Kalvin, dahil sa unang pagkakataon ay ibang tao ang kanyang hinahanap. "Nandito pa ba sila ni Zeki? Or nasa photoshoot na sila ng lintang 'yon?" sunod sunod na tanong nito kay Kalvin. "Ay, nasa photoshoot sina sir Zeki, sa may Quezon City. Bakit ate?" sabi ni Kalvin. Napailing si Cheska, naguguluhan na si Kalvin sa kinikilos ng kanyang ate Cheska. "May address ka noong location ng photoshoot nila? Much better kung alam mo 'yung pina

