Chatper 28

2492 Words
Bumangon si Celine mula sa kanyang pagkakahiga upang maupo. Inalalayan ito kaagad ni Cheska. "'Wag mo munang pilitin, mahina ka pa," sabi ng kanyang kaibigan. "Ayaw kong mahiga, para akong nalulunod," sabi ni Celine. "Wait, sumandal ka na lang, i-adjust ko 'tong bed." Inayos ni Cheska ang kama upang mas maging komportable si Celine. "Ayan, ano may gusto ka ba? Para makabili ako sa labas," tanong ni Cheska. "Gusto ko ng ice cream, na may," sambit ni Celine. "Extra cookies and cream," dugtong ni Cheska. Ngumiti si Celine, natuwa ito sa kanyang kakainin maya maya at hinawakan ang kanyang tyan. Ngunit napalitan ng hiya ang kaligayahan ni Celine. "Girl hindi mo ba ako sesermonan ngayon? Ang laki ng pagkakamali ko ngayon," nakatungong tanong ni Celine. Hinihimas n'ya rin ang kanyang tyan. "Para kang sira, hindi pagkakamali 'yang baby mo tandaan mo 'yan. Ang mali mo lang ay nagpabuntis ka sa maling lalake!" umiiyak na sabi ni Cheska. "Papalagpasin ko ng syam na bwan ang lahat ng kat*ng*han mo, pero ang kapalit ako ang pinakamagandang ninang ng baby mo. Wala ng iba, ako lang," dugtong nito. Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Celine, naluha pa ito sa tuwang naramdaman dahil kahit papaano ay may karamay na s'ya sa kanyang pinagdaraanan. "Syempre naman, ikaw ang pinakamaganda at pinaka-sexy na ninang ni baby," pagsangayon ni Celine. "Bawal ka ma-stress girl. Sinabi ng ako na lang ang iiyak para sa 'yo. Ang kulit mo." Nagsimula ng humagulhol ito sa pag-iyak, para itong bata na inagawan ng candy. Naiiyak si Cheska dahil alam nitong mabibigat na pagsubok ang kanyang haharapin para sa kanyang baby. Tumawa ng tumawa si Celine sa inasta ng kanyang kaibigan. "Tama na girl, ang panget mo umiyak," nagkakanda luha na ito kakatawa. Dahil siguro sa kanyang pagdadalang tao ay mabilis na nababago ang emosyon ni Celine. "Ikaw kasi! Akala ko ba mag-bestfriends tayo? Bakit hindi mo sa akin sinabi ang lahat ng 'to?" umiiyak na sabi ni Cheska. Huminto na sa pagtawa si Celine. "Sobrang gulo kasi ng isip ko, nagpatong patong lahat. Hindi ko alam kung anong dapat gawin, at saka may balak talaga akong sabihin sa 'yo si baby. Hindi ko lang alam kung paano at sobra na akong nahihiya sa 'yo dahil sa mga nangyayari sa buhay ko. Alam kong maraming beses mo na akong pinagsabihan pero hindi pa rin ako nakinig. At ito na ang resulta ng lahat," nahihiyang sagot ni Celine. "Girl naman, sa lahat ng tao bukod kay na tito at tita sa akin ka pa talaga nahiya? Para na tayong magkapatid! Ako nga 'tong walang pakundangang nagsasabi sa 'yo ng mga mabababaw kong problema sa buhay ko, nandyan ka palagi para sa akin. Tapos ngayong kaylangan mo ng suporta ko, wala ako. Nahihiya ka? Wala ka namang dapat ikahiya, kasi tayo lang ang laging magkasangga. Alam mo namang hindi kita matitiis," hinaing ni Cheska. "Hindi naman sa ganoon girl, gusto ko lang malaman mo lahat ng 'to kapag na sa matinong pag-iisip na ako. Nahihiya na ako sa bwan bwang sermon mo sa akin. Kahit papaano, nagawan ko na ng solusyon ang lahat. Kaso mukhang alam ni Lord na hindi ko kaya, kaya ito. Ikaw ang unang nakaalam kay baby," paliwanag ni Celine. "Bestfriend kita, sabi ko naman sa 'yo kahit para na akong sirang plaka kakapaulit ulit, hindi ako susuko. Lalo na ngayon na magkaka-baby ka na. Ikaw, bahala ka na kung magpapakat*ng* ka pa rin sa lalakeng 'yan. Pero pagdating d'yan sa inaanak ko, mangengealam talaga ako. Tumatayo akong pangalawang magulang ni baby, kaya kung shunga si mommy, si pretty ninang is to the rescue. Hindi ko hahayaang lumaki ang inaanak kong katulad ng tatay n'yang walang silbi. Ako mismo ang puputol sa sungay ng anak mo kapag nakuha n'ya ang ugali ng tatay n'ya," naluluhang sabi ni Cheska. Natuwa si Celine sa naging reaksyon ni Cheska. "Salamat Cheska, kung wala ka hindi ko na talaga alam ang gagawin ko," paiyak na sana si Celine. Ngunit niyakap nito ni Cheska. "Sabi ng ako na lang ang iiyak para sa 'yo! Ayaw kong maging iyakin ang inaanak ko. Gusto ko matapang at kasing masayahin ko s'ya, 'wag magmamana sa 'yo na iyakin." Nagsimula na namang umiyak si Cheska na para bang bata. Hindi kasi talaga ito makapaniwala sa dala dalang problema ng kanyang kaibigan. "Para ka talagang sira girl. Tumahan ka na nga, magang maga na ang mga mata mo." Mabilis itong napatawa ni Cheska. Lumabas sandali si Cheska upang ibili si Celine ng ice cream. Mabuti na lang at may malapit na convenient store sa ospital kaya nakabili ito kaagad at mabilis na nakabalik upang samahan si Celine. "Salamat!" Iba ang kislap ng mga mata ni Celine ng makita ang ice cream. Kinuha nito ang piraso ng oreo at inalis ang palaman at inihalo sa kanyang ice cream. "Girl bakit mo pa inihihiwalay 'yung feeling?" nagtatakang tanong ni Cheska habang pinapanuod ang kaibigan sa kanyang ginagawa. "At ipapalaman mo! Dapat dinurog mo na lang, nagpapakahirap ka pa," dagdag ni Cheska. Paborito talaga ni Celine ang cookies and cream na may oreo, ngunit nanibago ito sa paraan ng kanyang pagkain. Ngumiti na parang nakakaloko si Celine. "Mas masarap kaya kapag nakaganito, try mo masarap promise," sagot ni Celine. Inaalok pa nito si Cheska. Napailing na lang si Cheska. Kitang kita kasing sarap na sarap si Celine sa kanyang kinakain. Inisip na lang ni Cheska na mahalaga ay masayang kumakain si Celine at ayos na ang kanyang pakiramdam. Kahit na nawiwirduhan ito sa paran ng pagkain nito ng ice cream. "Girl maiba ako, si Lanz? Alam na ba n'ya?" seryosong tanong ni Cheska. Napabuntong hininga si Celine. Ngunit patuloy pa rin itong kumakain ng ice cream. "Ay 'wag mo ng sagutin. Sory sorry, mali ang tanong ko," paghingi ng paumanhin ni Cheska. "Hindi okay lang." Pilit na ngumiti si Celine. "Hindi pa n'ya alam, natatakot ako Cheska. Takot na takot ako sa masasabihin ni Lanz pagnalaman n'ya ang tungkol kay baby." Hinawakan nito ang kanyang tyan. "Cheska alam ko naman ang isasagot n'ya at 'yon ang pinakakinatatakutan ko. Alam ko kasing," muli na naman 'tong umiyak. "Na s'ya ang nakabuntis sa 'yo? At malaki ang posibilidad na hindi n'ya panagutan ang bata?" dugtong ni Cheska. Tumango lang si Celine habang patuloy na tumutulo ang mga luha nito at kumakain. "Kaylan mo balak sabihin 'to?" sumunod na tanong ni Cheska. "Hindi ko pa alam, ilang linggo na rin s'yang hindi nagpaparamdam matapos n'ya akong paalisin sa bahay nila. Tuwing tatawagan ko naman, laging busy o 'di kaya hindi sinasagot. Wala ring reply sa mga text o chat ko, hindi ko na talaga alam ang gagawin Cheska. Natatakot akong lumaki si baby na walang kinikilalang tatay. Parang hindi pa manlang s'ya pinapanganak, sira na ang kakagisnan n'yang pamilya. Kasalanan ko 'to lahat," salaysay ni Celine. Ibinababa ni Cheska ang kanyang kinakain na ice cream.  Hinimas ni Cheska ang likuran upang kumalma ito. Nakita ni Celine ang natirang pagkain ni Cheska. "Girl ang kaylangan mong isipin ngayon ay ang health n'yo ni baby." Nagsimula na namang umiyak si Cheska. Sobra itong nalulungkot para sa kanyang  kaibigan dahil sa pinagdadaanan nito. Walang magawa si Cheska upang mabawasan kahit kaunti ang dinadala ni Celine. "Blessing si baby, sa kanya ka kukuha ng lakas. Nandito ako lagi sa tabi mo, pangako," dagdag nito. "Salamat girl." Umiiyak na sabi ni Celine. "Kakainin mo pa ba 'yung ice cream mo? Pwedeng sa 'kin na lang?" Natawa na lang bigla si Cheska. "Oo naman! Sa 'yo na 'to, may iba ka pa bang gusto? Sabihin mo lang," alok ni Cheska. Nagdaan ang magdamag at nakalabas na ng ospital si Celine. Naging maayos na ang lagay ng mag-ina. Kasama nito si Cheska hanggang makauwi ang mga magulang nito. Ito rin ang pagkakataon kung saan nila sinabi ang pagdadalang tao ni Celine. Bumuhos ang luha ng mag-asawa. Hindi sila makapaniwala sa sinapit ng kanilang anak. Nakaramdam ng sama ng loob ang mga ito sa umpisa. Ngunit mabait ang Dyos, dahil imbis na galit at sigaw ang inabot nito ay yakap ng isang magulang ang iginanti ng mag-asawa. Ilang oras na nag-iyakan ang mag-anak. "Anak, hindi ito ang tamang oras para malungkot. Makakasama 'yan sa magiging apo namin, tumahan ka na," sabi ng mama ni Celine. "Wala akong ibang hangad para sa 'yo kung 'di ang maging masaya ka. Bilang magulang, obligasyon naming alagaan ka kahit anong mangyari," umiiyak na sabi ng mama ni Celine. Niyapos ito ng kanyang papa. "Kaya natin 'to anak. Wala kaming hangad kung 'di ang makabubuti sa 'yo. Anak ka namin kaya kahit anong mangyari ay nandito lang kami para sa 'yo. At ngayon para sa apo namin," umiiyak na sabi ng papa ni Celine. May kutob na ang mag-asawa una pa lang, lalo na ng mama ni Celine. Ayaw lang nilang magtanong at nananalanging mali ang kanilang hinala. Ngunit tapos na ang pahihina at dapat nilang harapin ang pagsubog na ito ng sama sama. "Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba, uminum ka ng pills! All through out akala ko safe ka! Ayan anong gagawin natin d'yan!" sigaw ni Lanz. Hinawakan ni Celine ang kanyang tyan. "Ano paano na 'yan? Ikakasira 'yan ng career ko! At paniguradong magagalit sina mom nito!" dagdag ni Lanz. Sobrang dismayado si Lanz sa pagbubuntis ni Celine. Hindi nito akalaing mabubuntis niya si Celine. Pilit nitong pinaiinum si Celine ng pills upang hindi mabuntis ngunit hindi akma ang pills sa katawan ni Celine, madalas itong saktan ng ulo at hindi maganda ang pakiramdam kaya inihinto ito ni Celine. Sinabi n'ya ito sa kasintahan ngunit walang nangyari. Ayaw namang ipakunsulta ni Lanz ang bagay na ito sa doctor, parepareho lang naman daw ang laman ng mga pills at sadyang nagiinarte lang daw si Celine. "Anak kapit ka lang ha, pasensya na. Pasensya na sa mga naririnig mo, alam kong mahirap pero kaylangan nating lumaban, kaylangan kong ilaban ang karapatan mo. Kaya kapit ka lang ha, babawi si mama. Pangako, last na 'to. Pagkatapos nito, mas tatatagan pa ni mama," sabi ni Celine sa kanyang anak. Nakaugalian na nitong kausapan ang bata sa kanyang sinapupunan, tuwing masaya s'ya, malungkot at lalo na tuwing kumakain ng ice cream. Mas gumagaan kisi ang kanyang pakiramdam kapag nakakausap nito ang kanyang anak. Hindi umumimik si Celine, samantalang pulang pula sa galit si Lanz. Hindi na nito halos makain ang kanyang order. Nawalan na rin ito ng ganang kumain dahil sa ibinalita ni Celine. Sa totoo lang ay napilitan lang itong makipagkita kay Celine. Wala na dapat itong balak magpakita muna rito. Gusto munang magpakaligaya ni Lanz sa piling ng iba, upang ma-enjoy ang buhay. Hindi maipinta ni Lanz ang kanyang mukha, mabuti na lamang at sa isang restaurant sila nagkita. Kung hindi ay malaki ang posibilidad na madadampian na naman ng mga palad ni Lanz ang kawawang si Celine. "I need to get rid of that thing," mariing sabi ni Lanz. Napatunghay si Celine, nanginit ang kanyang mga mata at ramdam nito ang puot na namumuo sa kanyang puso. Hindi nito akalaing masasabi ito ni Lanz. Ang walang kamuwang muwang na bata ay idadamay n'ya sa kakitiran ng kanyang utak. Ngunit sumagi rin sa kanyang isipan na kung s'ya lang ang magpapalaki sa kanyang anak at wala itong kikilalaning ama, ay kaawa awa ang kanyang anak. Hindi ito patas na maranasan ng kanyang anak. "Lanz please, dugo't laman mo ang dinadala ko. 'Wag kang magsalita ng ganyan, parang awa mo na. Gagawin ko ang lahat panagutan mo lang ang magiging anak natin," pakiusap ni Celine. Iniitya nito ang napkin sa lames sa sobrang inis. "Nawalan na ako ng ganang kumain. Pag-iisipan ko 'to pero kung ano ang magiging disisyon ko 'yon ang masusunod." Tumayo na si Lanz at umalis. Tuluyan ng umiyak si Celine. Dali-daling pinuntahan ni Cheska ang kanyang kaibigan. "Celine, kaya natin 'to ha. 'Wag na 'wag tayong susuko. Para kay baby 'to para kay baby. Tahan na," sabi ni Cheska. "O, ito na ang ice cream. Madaming extra oreo 'yan," dagdag ni Cheska. "Girl alam mo talaga ang gusto ko," umiiyak na sabi ni Celine. "Salamat girl," Sinimulan na nitong kainin ang ice cream. "Girl ang sugar ko," paalala ni Celine ngunit panay na ang pagtungk nito ng filling ng oreo. 'Di mawari ni Cheska kung tatawa o maiiyak ito sa ginagawa ng kanyang kaibigan. Panay pa rin ang pagpapalaman sa kanyan oreo ng ice cream. Nangingiti pa ito habang kumakain, sarap na sarap kasi ito. Parang nawala bigla ang kanyang hinanakita ng makakain ng kanyang ice cream. "Sabi ni doc., kaylangan mo raw ng sugar lalo na at mababa ang glucose mo sa katawan. 'Wag kang mag-alala mas madami ka namang nakakaing cookie kaysa sa ice cream," paliwanag ni Cheska. Unti-unti ay umaliwalas ang mukha ni Celine at tuwang tuwa sa kanyang kinakain. "Salamat talaga Cheska," "Sige lang ubusin mo na 'yan, para maka-uwi na tayo," sabi ni Cheska. Ilang araw ang lumipas at walang paramdam si Lanz, pinanghihinaan na ng loob si Celine. Ayaw nitong lumaking walang kinikilalang ama ang kanyang anak, kaya nagdisisyon na itong s'ya na mismo ang magsabi sa mga magulang ni Lanz. "Are you sure na ang anak ko ang ama ng dinadala mo? Ija malaking paratang 'yang sinasabi mo. Lalo na't alam kong hindi tayo magkalebel ng estado sa buhay. Pwedeng ibang lalake ang ama n'yang batang 'yan at gusto mo lang pikutin ang aking anak," paghihinala ng ina ni Lanz. Nagtungo si Celine sa opisina ng mama ni Lanz. Ilang beses na itong nakasalamuha ng mama ni Lanz at kahit papaano ay magkasundo ang dalawa. Ngunit sa pagkakataong ito hindi sa kanya pumanig ang ina ni Lanz. May pakamatapobre ang pamilya nina Lanz, palibhasa ay mayaman na sila noon pa lamang. Matatalino at magagaling humawak ng negososyo ang mga ito kaya walang silang nagiging problema sa pera. Bunsong anak si Lanz kaya naman sunod sa luho ang binata. Lumaking dominante at s'ya lamang ang dapat na masunod. Kunsintidor naman ang kanyang mga magulang dahil ito lang ang lalaki sa magkakapatid. "Ma'am, willing akong ipa-DNA ang bata, hindi man po kami kasing yaman n'yo at na sa middle class lang pero may paninindigan po ako. At sigurado po akong si Lanz ang ama ng dinadala ko," mariing sabi ni Celine. Pilit nitong inilalaban ang karapatan ng kanyang anak. Ito lang kasi ang tanging paraan upang magkaroon ng buong pamilya ang kanyang anak. "Malaking kahihiyan 'to sa aming pamilya, pero hindi kaya ng konsensya kong isawalang bahala ang bata sa iyong sinapupunan. At kung makakatiyak ako na kay Lanz ang batang dinadala mo, hindi ko maatim na ipalaglag ang batang 'yan. Baka karma sa aming kumpanyatang kapalit kapag ipinalaglag ko ang bata," sabi ng ina ni Lanz. Hindi makapaniwala si Celine na ganito ang mga sasabihin ng ina ni Lanz. Masyado na silang mapagmataas at matapobre sa lahat. Ngunit para sa kanyang anak ay lulunukin nito lahat ng pangaalipusta ng pamilya ni Lanz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD