"Brad ako ng bahala kayna Kalvin at Cheska, kaylangan din naming bumalik sa studio para ibalik 'tong mga gamit. Wala ng naiwan sa condo 'di ba?" sabi ni Vincent kay Zeki. "Wala na, malinis na ang lahat. Sige brad, uuwi na rin muna kami ni Celine sa bahay, pasensya na hindi na ako makakasama pabalik ng studio. Sabi kasi ni mommy umiwi raw ako kagaad, may gusto raw kasi sa aking kumausap," paalam ni Zeki. "Brad maiba ako, okay na ba kayo ni Cheska? Hindi na ba s'ya galit?" bulong ni Zeki sa kaibigan. Lumapit bahagya si Vincent. "Konti pa, kaya nga babalik ako sa studio para kunin ang mga cards ko. Mukang mapapagastos ako para ma please si Cheska," bulong ni Vincent. Natawa bahagya si Zeki. "Ayon lang, pero mas okay a 'yan kaysa pyansahan natin 'yung dalawa dahil sa ginawa nila kanina. Oo

