"Ate hindi ko po alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Hindi ko po akalaing napagdaan n'yo po ang lahat ng 'yan, ate para kay Geal nagawa n'yong magtiis sa lalakeng 'yon? Talaga po sigurong minahal n'yo nang sobra si Lanz," sabi ni Viel.
"Oo, minahal ko si Lanz nang sobra noon," binigyang diin ni Celine ang salitang noon. "Hindi ko naman itatanggi 'yon, binuo namin si Gael na may pagmamahal sa isa't isa. Hindi ko rin naman pinagsisisihang nagtiis ako kay Lanz kasi dumating naman si Gael sa buhay ko. Mahirap noong umpisa pero ng nakita ko na si Gael, para bang lumakas ang loob ko. Ibang lakas ang binigay sa akin ni Gael kaya siguro nalagpasan ko ang lahat ng pagsubok na dumaan sa aming dalawa. Mula noon, mas inisip ko na ang kapakanan ni Gael kaysa sa sarili ko. Ganoon talaga siguro kapag nanay ka na, uunahin mo ang kapakanan ng anak kaysa sa sarili mong kaligayahan. Parang si mommy Eliz, s'ya rin kasi ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para harapin ang araw na 'to," sabi ni Celine.
"Si mommy po? Alam po ni mommy ang lahat ng 'to?" tanong ni Viel.
"Hindi pa alam ni mommy Eliz na nagkita kami ni Lanz, pero noong huli kaming nag-usap, pinaalala ni mommy sa akin na dapat akong maging mas matatag at panindigan ang kasalukuyan, kapag dumating na ang araw na 'to. Dapat akong mas maging matibay para kay Gael. Dapat kong ipakita kay Lanz na nakaya ko 'tong lahat ng wala s'ya. Ito na rin siguro ang ganti ko sa lahat ng ginawa n'ya kay Gael. Na ipamukha ko sa kanya na nabuhay si Gael ng wala s'ya. At lalo na ngayon dahil ang kuya Zeki mo ang tumayong ama kay Gael na kaylan man ay hindi n'ya ginawa," paliwanag ni Celine. May puot pa rin sa bawat kataga ni Celine. Puot kay Lanz 'di dahil sa pag-iwan nito sa dalaga sa altar, kung 'di dahil sa pagtakas nito sa responsibilidad bilang ama kay Gael. Wala na itong pagmamahal kay Lanz, kaya sigurado na ito sa nararamdaman kay Zeki at buo ang pagmamahal nito sa kanyang kasintahan.
May biglang sumagi sa isipan ni Viel. "Ate, may balaak po ba kayong sabihin lahat ng 'to kay kuya?" diretchong tanong ni Viel. Umiral muli ang pagkaprangkang ugali ni Viel, ayaw man nitong mag-isip ng hindi maganda sa kanyang ate Celine. Subalit kaylangan nitong ipabatid kay Celine na lubos na masasaktan ang kanyang kuya Zeki sa sitwasyong ito. Kaylangan n'yang protektahan ng kanyang kuya Zeki hanggat maaga pa.
Ngumiti si Celine. "Oo naman, kaylangan ko lang kumalma para hindi s'ya mag-alala. Karapatan n'yang malaman ang bagay na 'to, wala akong dapat itago sa kuya mo. Kaya umpisa pa lang ay ipinaliwanag ko na lahat ng pinagdaanan ko sa kanya. At masaya ako dahil naintindihan at hindi n'ya ako iniwan. Oo, natakot ako noong umpisa, pero mas nananaig ang tiwala ko sa kuya mo na mauunawaan n'ya ang lahat ng nangyari. At isa pa, dadating at dadating din talaga ang araw na kalangan naming magharap ni Lanz para kay Gael. Si Lanz pa rin ang papa ni Geal karapatan n'yang makita at makilala ang kanyang anak. At tanging si Gael na lang ang nagkokonekta sa aming dalawa. Wala ng iba," paliwnag ni Celine.
Hindi pa rin naalis kay Viel ang pagkabagabag, may bagay itong gustong itanong kay Celine. Ngunit hindi nito alam kung may karapatan ba s'yang itanong ang bagay na ito. Ngunit bilang kapatid ni Zeki ay naglakas loob itong tanungin ang kanyang ate Celine.
"Ate paano kung hilingin ni Gael na magkabalikan kayo nang Lanz na 'yon?" tanong ni Viel. Nakatingin ito diretcho sa mga mata ni Celine.
Hindi na ito kinagulat ni Celine, nararamdaman nitong hahantong ang kanilang usapan sa ganitong katanungan. Itinanong na rin ito ni Celine sa kanyang mommy Eliz, siguro nga ito ang isa sa pinakamahirap na disisyong maari n'yang gawin.
"Kapag ba pinili ko si Lanz, masasabi na bang buo kaming pamilya? Kung sakaling s'ya ang pipiliin ko at makikinig sa sinasabi ng iba, magiging maligaya ba ako? Masisiguro ko bang magiging masayas Gael sa piling ni Lanz? Masama na ba akong ina kapag pinili ko ang kuya Zeki mo imbis na si Lanz? Kasalanan bang magmahal muli ng ibang tao? Masisisi mo ba ako kung pipiliin ko ulit si Lanz para sa ikakaligaya ni Gael? " balik na tanong ni Celine.
Hindi maintindihan ni Viel ang nais na ipahiwatig ng kanyang ate Celine. Nakakunot ang noo nito at waring iniisip ang sagot sa tanong ni Celine.
"Ngayon ko lang lubos na naintindihan ang mga sinasabi sa akin ni Cheska noon, akala ko, kapag inisip ko ang sarili kong kaligayahan, masama na akong magulang. Hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay kaylangan mong pakinggan ang sasabihin ng iba. Mas pinakinggan at mas inintindi ko dati ang sasabihin ng iba kaysa sa totoo kong nararamdaman. At hindi ko na uulitin ang pagkakamaling 'yon. Pipiliin at pipiliin ko pa rin ang kuya Zeki mo. S'ya lang ang tanging nagpamulat sa akin na mahalaga at may karapatan akong magmahal at mahalin. Sa totoo lang napaka-unfair ng sitwasyon ng kuya mo simula pa lang ng aming relasyon. Alam ni Zeki na hindi lang sa kanya iikot ang mundo ko, s'ya ang pinakahuli sa mga priority ko. Pero kahit ganoon, hindi n'ya sa akin pinaramdam ang mga kakulangan ko sa kanya, s'ya pa lagi ang nagpapaalala sa akin na si 'wag ko s'yang intindihin. Lagi kong uunahin si Gael sa lahat ng oras, kasi alam ng kuya mo na si Gael ang buhay ko. Kaya napakaswerte ko kay Zeki. Lahat ng pinagkait sa akin ni Lanz, ang kuya mo ang nagbigay. Alam kong mahirap, pero sa puntong ito ang kuya mo ang pipiliin ko, wala na akong papakinggang iba kung hindi ang puso ko. Hindi man maintindihan ng iba ang magiging disisyon ko, hindi ko na problema 'yon. Hindi ko obligasyong magpaliwanag sa kanila ang reson ko, buhay ko 'to. Ang mahalaga buo ang disisyon ko na ang kuya Zeki mo ang pipiliin ko dahil mahal na mahal ko s'ya. At kung magiging tutol man si Gael sa pasya ko, alam kong dadating ang araw na maiintindihan ni Gael ang dahialn kong ito pagglaki n'ya," paliwanag ni Celine.
Namangha si Viel sa paliwanag ng kanyang ate Celine. Napanatag na rin si Viel sa nangging sagot nito sa kanyang katanungan. Akala nito ay magdadalawang isap si Celine at pipiliing itago ang mga nangyari, upang hindi na lumala ang sitwasyon. Pero malaking sampal ang nangyari kay Viel sa naging sagot ni Celine. Nawala rin ang kaba at mga hinala ni Viel matapos makausap ang knayang at Celine ng masinsinan. Naiintindihan na nito ang kahalagahan ng pagtitiwala sa isang relasyon. Bukod sa pagmamahalan, matibay na pagtitiwala sa isa't isa ang pundasyon sa isang magandang relasyon ng dalawang nagmamahalan. Hindi ng iisang tao lamang kung hindi silang dalawa.
Nahiya na ito sa kanyang sarili dahil hindi nito maiwasang ang mga hinala at pagdududa kay Celine. Ngunit sa huli ay mas nakita pa ni Viel kung gaano ka mahal ni Celine ang kanyang kuya Zeki. Siguro ay normal lang ang kanyang naramdaman bilang kapatid ni Zeki.
Niyakap ni Viel ang kanyang ate Celine. "Ate salamat dahil dumating ka sa buhay ni kuya. Salamat ate dahil si kuya pa rin ang pipiliin mo. Sorry kung nagduda ako sa pagmamahal mo kay kuya," sabi ni Viel kasabay din nito ang paghingi ng tawad sa kanyang mga paghihinala mula kanina.
Kasalukuyang seryoso at madamdamin ang pag-uusap nina Celine at Viel, nang biglang may narinig silang humihikbi sa kanilang gilid. Paglingon ni Viel, si Derek pala ito na umiiyak dahil sa pakikinig sa kanilang dalawa. Natawa bigla si Viel sa pagiyak ng kanyang kaibigan.
"Anong ginawa mo d'yan? Kanina ka pa ba d'yan?" tanong ni Viel.
Lukot na lukot ang mukha ni Derek, tumango na lang ito upang tumugon sa tanong ni Viel. Ramdam nito ang bawat sakit na pinagdaanan ni Celine kaya lubos itong naapektuhan.
"Narinig mo lahat ng sinabi ni ate?" sunod na tanong ni Viel.
Pinunasan nito ang kanyang mga luha. "Hindi naman lahat, pero 'yung parteng niloloko ni Lanz ang si ate Celine, lalo na noong sa resort narinig kong lahat," sagot ni Lanz.
"Ang iyakin mo naman pala! Oh my gosh!" natatawang sabi ni Viel.
Naging maayos na ang pakiramdam ni Celine, kaya naman nagpasya na itong umuwi. Kasama nito sina Viel at Derek, hindi pumayag si Viel na hindi nila ihatid pauwi ang kanyang ate Celine hanggang bahay.
"Hindi na ba talaga kayo papasok sa loob? Magmisyenda muna kayo?" aya ni Celine sa dalawa.
"Ate hindi na po, kaylangan ko pa po kasing bumalik sa school. Pero next week babalik po ako rito para humingi ng dahon ng kakaw," sabi ni Viel.
"Sige, ako na ang magsasabi kay mama. Sigurado kayo na hindi na kayo papasok sa loob?" pilit ni Celine.
"Opo ate, sigurado na po. Ate magpahinga ka po nang mabuti ha," malambing na bilin ni Viel.
"Opo," sagot ni Celine at ngumiti kay Viel.
"Sisge na po ate, bye na po. Nice meeting you po," pagpapaalam ni Derek.
"Nice meeting you rin, ingat sa pag-drive ha! Ingatan mo 'yang si Viel," bilin ni Celine kay Derek.
"Opo ate," sagot nito.
Pinaandar na ni Derek ang kanyang sasakyan at umalis.
Pagpasok nito sa kanilang bahay ay agad na sumalubong ang mama ni Celine. "Oh, ang aga mo ata?" bungad na tanong nito.
"Medyo hindi po kasi maganda ang pakiramdam ko kaya po nag-halfday na po ako," sagot ni Celine.
Nabahala bahagya ang kanyang mama. "Bakit anong nangyari? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" sunod na tanong nito.
"Opo mama," sagot ni Celine.
"Sino pala ang naghatid sa 'yo?" Nakita pala ng kanyang mama ang sasakyang naghatid sa kanya.
"Si Viel po 'yon kasama ang kaklase n'ya," sagot nito.
"Bakit hindi mo pinababa, nandito ang kuya n'ya," sabi ng mama ni Celine.
"Kaylangan na raw po nilang bumalik sa school. Pero teka ma, nandito si Zeki?" tanong ni Celine.
"Oo, mula kaninang umaga, s'ya na nga ang naghatid at sumundo kay Night sa school. Puntahan mo na lang sa kwarto n'yo, nandoon sila naglalaro," sabi ng mama si Celine.
Agad na pumunta asi Celine sa kanyng kwarto, pagbukas nito ng pinto ay nakita nito kaagad si Zeki at Gael. Magkatabing natutulog, magkayakap pa ang dalawa. Gumuhit ang makaling ngiti sa mukha ng dalaga. Mas umayos ang kanyang pakiramdam at napuno ng saya ang kanyang puso dahil sa kanyang nakita.
Ilang sandali pa at naalimpungatan si Zeki dahil sa pagtitig ni Celine sa kanilang dalawa ni Gael. Nakita nito ang kasintahang nakatayo malapit sa kama at napabalikwas ito sa pagbumangon.
"Anong oras na ba?" tanong nito. Pupungas pungas pa tong umupo sa kama.
"Maaga pa mag-alas kwatro pa lang ng hapon," sagot ni Celine. Tumabi ito kay Zeki.
"Ang aga mo atang umuwi?" sunod na tanong ng kanyang kasintahan.
Bumuntong hininga si Celine, ramdam ni Zeki na may hindi magandang nangyari sa araw ni Celine.
"Nakita ko si Lanz," panimula ni Celine.
Nilamon sandali ng katahimikan ang buong kwarto. Walang nagsalita sa dalawa, ngunit hinawakan ni Celine ang kamay ni Zeki.
"Nag-usap kami, pero hindi naging maganda ng pag-uusap namin," dugtong ni Celine.
"Pero ikaw okay ka na ba?" lihis na tanong ni Zeki.
Tumango si Celine at humilig sa kanyang kasintahan.
"Anong pinag-usapan n'yo?" kalmadong tanong ni Zeki.
"Wala naman," muling bumuntong hininga si Celine. "Kinamusta n'ya ako, pagkatapos ayun. Parang walang nangyari, normal lang sa kanya ang lahat. Samantalang ako," napahinto ito sa pagsasalita. Nangilid muli ang mga luha ni Celine, para bang batang inapi at nagsususmbong.
Inakbayan ni Zeki ang kanyang kasintahan. "Ayos lang 'yan lab lab, ang mahalaga, hinarap mo s'ya nang maayos. Tama naman ako 'di ba?" dugtong ni Zeki.
Napakamot sa kanyang ulo si Celine.
Napahawak si Zeki sa kanyang bibig. "'Wag mong sabihin na binungangaan mo si Lanz! Nako lab lab baka ma-viral ka n'yan!" gulat na sabi ni Zeki.
Nawalang parang bula ang namumuong lungkot sa puso ni Celine. Umatras din bigla amng mga luhang nagbabadyang pimatak dahol sa sakit ng nakaraan. Natawa ito sa pagkakasabi ni Zeki. Alam nitong ito ang paraan ng kanyang kasintahan upang gumaan ang kanyang kalooban.
"Grabe ka sa akin, ganoong na ba ako kabungangera para sabihan mo ako ng ganyan?" natatawang sabi ni Celine.
"Ayan, mas magaang pag-usapan kapag naka tawa ka, ngayon mo ikwento sa akin ang mga nangyari," hiling ni Zeki.
Ikinwento ni Celine kay Zeki ang mga nangyari sa kanilang pagkikita ni Lanz. Pati ang kanyang mga naramdaman ng oras na 'yon. Kalmadong nakinig si Zeki at nakatingin lang sa kanyang kasintahan. Pinipilit ni Celineng hindi maluha, ngunit sadyang makukulit ang kanyang mga luha, pumapatak ito ng kusa. Pinipunasan ni Zeki ang bawat luha sa mga mata ng kanyang kasintahn. Kaya naman unti unting na itong nakakakawala sa sama ng loob na kanyang nadarama mula kanina. Si Zeki ang pumapawi sa sakit na kanyang nadarama. At matapos n'yang ikwento ang lahat ay mas gumaan ang kanyang pakiramdam.
"Mabuti na lang at nakita ako ni Viel na walang malay sa park malapit sa office. Kasama n'ya si Derek, kaya agad akong nadala sa clinic," pagtatapos ni Celine.
"Dapat nagpadiretcho ka na sa ospital, paano kung may nangyari sa 'yong masama?" nag-aalalang sabi ni Zeki.
"Okay na ako promise, 'wag kang mag-alala," nakangiting sabi ni Celine.
"Teka, sino nga ulit ang kasama ni Viel?" tanong ni Zeki.
Ngumiting parang nakakaloko si Celine. "Ayan ka na naman, dalaga na si Viel. Hayaan mo s'yang mag-explore, mukha namang mabait si Derek," pagtatanggol ni Celine.
"Kahit na, hindi pa s'ya nagpapakita sa akin, kaya wala pa s'yang puntos na nakukuha. At kaylangang matalo n'ya kami ni mommy sa inuman bago s'ya makapangligaw kay Viel. Aba hindi tama 'to, naku Viel," sabi ni Zeki.
"Umiral na naman 'yang pagka-strikto mo! Ikaw talaga." niyakap nito ang kanyang kasintahan. " Salamat Zeki," sabi ni Celine.
"Bakit? Para saan?" pagtataka ni Zeki.
"Sa lahat," sagot ni Celine.
"Sa lahat? Hindi ko maintindihan?" ulit na tanong ni Zeki.
Tumunghay si Celine at tinignan si Zeki sa kanyang mga mata. "Kasi dumating ka sa buhay ko, ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko pangako. Salamat sa tiwala at pagmamahal na binibigay mo kay Gael," sabi ni Celine.
Namula bahagya si Zeki. "Nahihiya na ako sa kinikilos mo, hindi ako sanay na ganyan ka," birong sabi ni Zeki.
Biglang hinampas ni Celine si Zeki sa kanyang braso. "Aray!" sabi ni Zeki.
"Alam mo, minsan na nga lang ako magseryoso ginaganyan mo pa ako!" inis na sabi ni Celine.
Tumawa si Zeki. "Hindi lang talaga ako sanay na ganyang ka kaseryoso. At saka ayaw kong nakikita kang malungkot, mas bagay sa 'yo ang nakangiti at nakatawa," sabi ni Zeki. Biglang nabago ang awra nito, naging seryoso ang kanyang mukha. "Simula ng mas nakilala kita, tinanggap ko lahat ng tungkol sa 'yo. Ang nakaraan mo, si Gael at ang mga naranasan mo kay Lanz. Hindi ko maipapangako na magiging kalmado at walang gulong manggyayari sa amin ni Lanz. Pero ito lang ang maipapangako ko sa 'yo, ilalaban ko kayo ni Gael. Kahit anong mangyari sa 'yo lang ako maniniwala," sabi ni Zeki. Hinalikan ni Zeki sa noo ang kanyang kasintahan, at niyapos ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Celine. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko pangako,"
Naluha si Celine dahil sa lubos na kaligayahang nararamdaman. Hindi nito alam kung paano papasalamatan si Zeki sa pagmamahal at tiwalang binibigay nito sa kanya.
Ito na ang simula ng malaking pagsubok na haharapin ng magkasintahan. Alam nilang dalawa na hindi magiging madali ang lahat ng kanilang pagdadaanan dahil sa pagdating ni Lanz. Hindi rin maiaalis ang takot sa kanilang mga puso, lalo na kay Celine. Ngunit matapos nilang mag-usap ni Zeki ay nadagdagan pa ang lakas ng kanya loob upang harapin ang pagsubok na kanyang haharapin kasama si Zeki.
Humilig si Celine sa bisig ni Zeki, at 'di naglaon ay nakatulog na ito. Hinayaan lang ni Zeki si Celine sa kanyang pwesto. Pinagmamasdan lang ni Zeki si Celine habang natutlog.
"Celine, kung alam mo lang na sobra akong natatakot ngayong alam ko ng bumabalik na si Lanz sa buhay n'yo ni Gael. Pero hindi ito ang tamang oras para matakot, at kung saan man tayo dalhin ng tadhana, sana maging masaya ka sa magiging disisyon mo," sabi ni Zeki sa kanyang sarili.