s**t! Bigla akong kinabahan nang makita kong papalapit si Chuck sa gawi namin ni Mrs. Sayes. Nakangiti ito pero mababanaag sa mukha ang pagod at lungkot na waring walang magandang naidulot ang pagpunta nito sa kabilang bayan. Wala namang reaksiyon mula kay Mrs. Sayes, maging nang humalik dito si Chuck ay parang wala lang. "Hi, Mamita," bati ni Chuck. Tiningnan lang ito ni Mrs. Sayes, itinaas ang dalawang kilay saka tumingin sa akin. Lalo akong nakonsensiya dahil parang balewala lang dito ang presensiya ng sariling apo. Magsasalita pa sana si Chuck nang biglang itaas ni Mrs. Sayes ang kaliwang kamay para patigilin ito. "So, I bet magkakilala na kayo ni EJ?" tanong nito kay Chuck pero sa akin pa rin nakatingin. "Yes, Mamita," nakangiting sagot ni Chuck saka humalik sa pisngi ko. "Hi, swee

