"So, how's your meeting with Mamita?" tanong ni Chuck matapos kaming mag-dinner sa isang five star restaurant. Kalalapag pa lang ng waiter sa inorder naming kape kaya hinintay ko muna itong makaalis bago sagutin ang tanong nito. "It went well. I guess." Ngumiti ako nang pilit saka inangat ang puswelo ng kape at uminom. Ayaw ko ng magkuwento tungkol sa mga napag-usapan namin ni Mrs. Sayes dahil sasama lang ang loob nito sa sariling lola. Ayaw ko ng dagdagan pa ang inis na nararamdaman ni Chuck lalo na't si Zid ang napipisil ni Mrs. Sayes na maging Charmain ng board at CEO ng kompanya. Kung may magagawa lang sana ako, I wouldn't allow that Zid to be a part of Faulker Industries. Nakatitig pa rin sa akin si Chuck at tila pinagmamasdan ang kilos ko. Inilapag ko ang puswelo ng kape saka isina

