"Ngayong nakita kitang muli, hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin. If I have to move mountains, I will, just to be with you," bulong nito habang nakayakap sa akin. Ramdam ko ang init na kumakawala sa katawan nito maging ang pagtibok ng kaniyang puso na tila may mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo. "Chuck," reklamo ko. "Hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap mo. You promised me you won't touch me." "I am sorry, sweetheart, I can't help it." Binitawan niya ako matapos halikan ang tuktok ng ulo ko. Napabuntong-hininga na lang ako sa ikinilos nito. Naghihina ako sa mga pinaggagagawa niya. Hindi ko mapigilang hindi maakit sa hitsura ng lalaking nasa harapan ko. Mala-adonis ang pangangatawan at animo'y diyos na bumaba ng Mount Olympus para makipamuhay at makihalubilo sa mga m

