"Stay with me tonight, sweetheart." Nakapulupot ang braso nito sa baywang ko habang nasa loob kami ng elevator. "Please?" "I..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nahihiya akong malaman ng mga kaibigan ko na matagal na ang ganitong set-up namin ni Chuck. Okay naman sa kanila si Chuck lalo na't habang lumilipas ang mga araw ay mas lumalalim ang pagkakakilala nila rito. Pero may isang parte sa utak ko ang nag-uudyok na sarilinin na lang ang kung anumang mayroon kami ni Chuck. "Don't worry, sweetheart, hindi malalaman ng mga kaibigan mo. Promise." Itinaas pa nito ang kanang kamay na tila nanunumpa. Nakangiti ito pero bakit parang may nababasa akong lungkot sa mga mata nito? Tinanggal nito ang braso na naroon sa baywang ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi saka pinagdikit ang ami

