"Chuck, why didn't you pursue your singing career?" tanong ko nang nakahiga na kami. Nakaunan ako sa braso nito gaya ng kagustuhan niya pero may kung anong kuryenteng dumadaloy sa katawan ko sa tuwing madadaiti ang aking kamay sa hubad nitong katawan. Kung bakit ba naman kasi palagi itong nakahubad. "May boses ka and I'm sure sisikat ang banda n'yo." "Hindi ko pinangarap maging sikat, sweetheart," wika nito saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Lintik talaga! Mas lalo akong nanghihina sa ginagawa nito. Hindi niya ba alam na isa iyon sa mga kahinaan ko? "Isa lang naman ang pinangarap ko." Lumamlam ang mga mata nito nang tumingin sa akin. "Ang mahalin mo rin ako." Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi ko alam kung totoo ang mga salitang namumutawi sa bibig nito o isa ito sa mga paraan niya pa

