Habang lumilipas ang mga araw, pansin ko ang pagpupursige ni Chuck na mapasagot ako. Palagi akong may natatanggap na bulaklak at hatid-sundo sa trabaho. At dahil tapos na ang 'rewards', maliban na lang doon sa out of town convention, ay lagi ko na itong tinatanggihan sa tuwing yayayain akong lumabas. Asiwa na kasi ako sa ikinikilos nito kapag magkasama kami. Kung makaasta animo'y boyfriend ko na siya. Hindi ko naman siya maiwasan dahil sa tuwing gagawin ko iyon ay laging umeeksena ang mga konsintidora kong mga kaibigan. Boto ang mga iyon kay Chuck at hindi ko alam kung bakit sa sandaling panahon ng pagkakakilala namin ay nakuha na nito ang loob ng mga kaibigan ko. Samantalang pagdating kay Fern, hanggang ngayon ay mabigat ang loob ng mga iyon lalong lalo na si Patrick na walang ibang gina

