CHAPTER 27

2181 Words

DENIZ P.O.V Nagulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Aziel habang nakaupo kami sa sofa. Kaswal lang ang pagkakasabi niya, pero para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Deniz, gusto kang makilala ng mom ko... pati ng lola ko," sambit niya, may kaunting ngiti sa kanyang mga labi. Parang simple lang sa kanya, pero para sa akin, ibang usapan na ‘to. Napatitig lang ako sa kanya, parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Bigla akong kinabahan. "Wait... gusto akong makilala ng mom mo at lola mo?" tanong ko, halos hindi makalabas ang mga salita mula sa bibig ko. Tumango si Aziel, at nilagay ang kamay niya sa balikat ko. "Oo, matagal na nilang gustong makilala ka. Matagal ko na rin kasi silang kinukwento tungkol sa ‘yo," dagdag niya, parang wala lang, pero ako? Pakiramdam ko parang aataki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD