ANNABELLE P.O.V Damn it! Ano ba itong pinasok ko? Kung hindi lang ako nautusan ni Oliver na mag-spy sa companyang ito, hindi talaga ako magpapakababa at papasok bilang model. I’ve been in this industry for years, and now, I have to deal with this crap? Napapikit ako saglit habang pinipigilan ang sarili ko na sumigaw. I love Oliver, and I’ll do anything for him, kahit pa kabit ako sa mata ng lahat. Pero Diyos ko, bakit ba ganito kahirap ang buhay? Si Deniz—ang babaeng nagpapanggap na goddess sa harapan namin—ay walang tigil na pinapahirapan ako. Sinadya talaga niyang ako ang targetin, sigurado ako doon. Sa bawat galaw ko, nasa likod siya, nakabantay, naghahanap ng kahit pinakamaliit na pagkakamali para sigawan ako. “Annabelle, are you even trying?” tanong ni Deniz habang tinitingnan ako

