DENIZ P.O.V Gabing-gabi na at narito pa rin ako sa opisina, tinatapos ang mga sketch na kanina ko pa sinisimulan. Tahimik ang paligid, halos wala nang tao sa building. Malamang, nagsiuwian na ang mga empleyado, pati na rin ang mga security personnel ay nag-ikot na lang sandali bago muling bumalik sa kanilang mga puwesto. Ako, nandito pa rin, hawak ang aking iPad, at abala sa pagdudugtong-dugtong ng mga linya. Pinagmasdan ko ang aking mga ginagawa. Elegant ang bawat guhit ng mga gown at dresses na aking ini-sketch. Mula sa detalye ng mga tela hanggang sa intricate na mga pattern ng bawat damit, sinigurado kong perpekto ang bawat piraso. Nakakasilaw sa ganda. Kumikinang ang mga beadwork sa aking imahinasyon, at bawat tupi ng tela ay tila hinugis ng hangin. Pagdating ng runway show sa susun

