DENIZ P.O.V Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Parang ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Laging parang umiikot ang mundo ko, tapos may mga araw na parang asim na asim ako sa lahat ng bagay, lalo na kay Aziel. Hindi ko nga maintindihan kung bakit parang naiirita ako sa bawat tingin ko sa kanya. Parang wala namang bago sa kanya, pero kapag nagkikita kami sa opisina, ewan ko ba, para bang gusto kong iwasan siya. Nandito ako ngayon sa opisina, nakaupo lang sa harap ng desk ko, habang binubuklat ang mga papeles. Ang daming dapat tapusin pero wala akong gana. Napapikit ako saglit at napahawak sa ulo ko, napapailing sa sarili. “What is wrong with me?” tanong ko sa sarili ko, sabay buntong-hininga. Nitong umaga nga lang, nung nakita ko si Aziel

