DENIZ P.O.V Habang pabalik-balik ang tingin ko sa table ko at sa natirang mangga’t bagoong, hindi ko mapigilang ngumiti. Finally, nakain ko na rin yung hinahanap-hanap ko buong umaga. Hindi ko akalain na ganun kasarap yung simpleng craving ko. Si Aziel, sobrang sweet talaga. Kahit busy na siya, pinilit niyang ibili ako ng gusto ko. Parang natanggal lahat ng stress ko matapos kong maubos 'yung mangga. Tumingin ako sa paligid ng opisina ko. Tahimik. Nakakainip. Tumayo ako at lumabas ng opisina, naisip kong silipin ang mga models para makita kung anong ginagawa nila. Kailangan ko rin naman mag-check, hindi pwedeng laging sa desk lang ako nakatambay. Ang tahimik, parang hindi nagagalaw yung hallway habang naglalakad ako. Kailangan kong masanay dito, pero iba ang energy sa loob ng opisina ka

