Chapter 14: BIMWAS – The bracelet

1582 Words
Then bigla akong nagulat ng yakapin siya ng naka-gray na lalaki, maputi at maamo yung mukha. Nakita ko din yung expression ng mukha ni Edz na nagulat, yung lalaki naman na naka-gray ay masayang-masaya. "Princess." Wika nung naka-gray na lalaki na nakayakap kay Edz. Bigla akong kinabahan ng sobra. Jimrel? Siya si Jimrel? Ang Childhood bestfriend ko? Bumalik na siya? Biglang kumalas ni Edz sa pagkakayakap sa kanya ng lalaki at pagtatanong ang nasa mukha nito. "Ako ito." Sabay turo niya sa sarili niya. "Si Jimrel? Remember?" Pagpapakilala niya sa sarili niya. Mas lalo akong kinabahan at na-excite. Jimrel! Medyo nagkaluha ang gilid ng mata ko at gustong-gusto ko na siyang yakapin ngunit bigla siyang niyakap ni Edz. "Jimrel? Namiss kita. Miss na miss Sobra!" Mahigpit na yakap ang binigay niya kay Jimrel. "Ops. Tama na princess.” Masayang sabi ni Jimrel. Nakatingin lang ako sa mukha niya at gustong-gusto ko na siyang yakapin. “Halata nga, miss na miss mo ko." Dugtong pa nitong sabi at kumalas na sila sa pagkakayakap. Anong ginagawa ni Edz? Magkaharap sila ni Jimrel ngayon at ako nakatingin lang sa kanila at yung kasama ni Jimrel na naka-blue t-shirt na lalaki ay nakangiti sa kanila. Naagaw ang pansin ko nang buksan ni Jimrel ang palad niya. Ang bracelet ko? Siya ang nakapulot ng bracelet ko? "Ang Careless mo pa rin, Princess." Nakangiting sabi niya kay Edz saka isinuot ang bracelet ko sa braso ni Edz. Biglang tumingin sakin si Edz, nagka eyes to eyes kami. Saka niya ibinalik ang tingin niya kay Jimrel. Masaya ang mukha ni Jimrel na kinabaligtad ng nararamdaman ko ngayon. Ano bang ginagawa mo Edz? Bakit hindi mo sinabing hindi ikaw si Princess, bakit? "Jimrel namiss kita sobra." Saka ulit siya yumakap kay Jimrel. Niyakap ulit siya ni Jimrel nang mahigpit. Napaluha ako sa nakikita ko pero pinunasan ko ito kagad para walang makapansin. Then after that hugged. "Buti at bumalik ka ulit dito sa elevator, hinihintay ka talaga namin. Ang saya ko, Princess. Thanks sa bracelet" Saka niya kinuha ang braso ni Edz na nakasuot ang bracelet saka hinalikan ang kamay niya. Tumingin ulit si Edz sakin at tiningnan ko siya ng may pagtatanong. "Ehem! Sobrang sweet naman oh. So, kayo na ng lagay na iyan?" Pabirong sabi ng kasama ni Jimrel sa kanila. "Effort Bro. May Efforts pang hinahanap ang Princess ko e." Umakbay ito kay Edz. Ano bang nangyayari? Inis kong tanong sa sarili ko. "By the way, Princess. Si Reyjie buddy ko.” Turo nito sa katabi nyang lalaki na nakangiti ng wagas. "Hi!” Wika ni Edz sabay abot ng kanang kamay. “I'm E. Princess." Sabi ni Edz kay Reyjie What? Bakit nya pinakilala na siya si Princess. Ako si Princess at hindi siya. Edz, bakit? Nagulat ako at pagtatanong ang tingin na binigay ko kay Edz habang nakikipag-usap ito. Anong ginagawa niya? Bakit hindi niya sinabi ang totoo? Edz bakit? Bakit ka nagpapanggap na ako? "Bro. Princess Earl” Pakilala naman ni Jimrel at itinuro si Edz. “Yung kinukwento ko saiyo nung nasa states tayo pero bro wag mo siyang tatawaging Princess, maliwanag? Ako lang ang pwedeng tumawag sa kaniya non." Sabi nito sa buddy nya. No! hindi pwede! "Eh bro, ano ang itatawag ko sa kanya? Babes?" Pabiro nitong sabi. Kumunot naman ang noo ni Jimrel. Nakangiti naman si Edz. "Just kidding bro." biglang ngumiti si Jimrel at tumawa ng mahina naman si Reyjie. "By the way Earl, Sino siya?" Sabay turo nung Reyjie sakin at napako na ang tingin nila sakin. Si Edz naman, halatang umiiwas ng tingin. "A… e…” Lumapit si Edz sakin. “Siya si Edz. Bestfriend ko." pakilala niya sakin. Nadis-appoint ako sa ginawa niya. Anong problema niya? "Edz!" Tawag ni Edz at saka tumingin akin na may ibig sabihin. Para bang sinasabi niya na sakyan ko ang mga sinasabi niya. "Si Jimrel.” Pakilala niya sabay turo kay Jimrel. “Yung kinukwento ko sayo at siya naman yung buddy ni Jimrel.” Sabay turo dun sa nakablue. “Reyjie is his name." Nakatingin sila sakin. Si Edz na halata sa mukha na kinu-convince ako na sakyan ko lang siya. Si Jimrel na ang amo ng mukha. Siya lang ang tinitigan ko ng matagal, namiss ko siya pero wala akong magawa then ibinalik ko ang tingin ko kay Edz. Napansin ko ang pagiging interesado nang kasama niya sakin. "Hi! I'm Reyjie." Pakilala niya at inabot ang kamay niya sakin. Tumingin ulit ako kay Edz. Nilakihan niya ko ng mata. "Edz." Bigla kong sabi. Ngumiti sakin si Edz saka siya tumingin kay Jimrel at Reyjie. "Pasensya na ha. Mahiyain kasi siya.” Pagkasabi ni Edz non, inakbayan niya ko. “Bestfriend ko pala." Wala na kong nagawa kundi ang sundin ang gusto ni Edz. Nakipagshakehands ako sa kanila. No choice. "Nice meeting you, Edz." Masayang wika ni Reyjie. "Nice meeting you too, Reyjie" Response ko sa kanya. Iniabot din ni Jimrel ang kanan kamay niya at nakipagshakehand sakin. Nagkatitigan kami ng matagal. I want to say that I missed him so much pero wala akong magawa kundi titigan lang siya. "Nice meeting you, Edz. The spoiled brat before, mukhang napagbago ka ng princess ko ah" Nakangiting wika ni Jimrel. Nanggigilid na ang luha sa mga mata ko habang makahawak parin kami ng kamay. Nakatitig lang ako sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha nya sabay bitaw sa kamay ko. I'm not Edz! Then bigla siyang umakbay kay Edz. Bakit Edz? Bakit mo ito ginagawa? And after a second, tumalikod nalang ako bigla at tumakbo papuntang Restroom. "Anong nangyari sa kanya?" Rinig kong sabi nung Reyjie habang papalayo ako sa kanila. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ito yung first time na hindi ko na-control yung emosyon ko. Bigla nalang akong naluha. Ang tagal kong hinintay ang pagbabalik niya tapos nang dahil sa bracelet, hindi ako ang nakilala niya kundi ang kaibigan ko.   Dumeretso ako sa restroom ng mall. Di ko na talaga kayang pigilan pa ang mga luha kong nag-uunahan at mabilis na pumatak mula sa dalawang mata ko. Agad akong naghilamos ng tubig nang makita kong pumasok si Edz. "Bakit bigla ka nalang tumakbo?" Medyo iritadong wika ni Edz. Di’ba dapat ako yung inis at hindi siya? Nakatingin ako sa kanya gamit ang salamin, nasa likod ko siya. Bigla akong humarap sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang balikat niya. "Ouch! Nasasaktan ako Earl." Sabi niya sakin ngunit hindi ko siya pinansin. Ayoko ng ganito. Ayokong magpanggap kang ako. Hindi pwede! "Ano ito?" Seryoso kong tanong "Bakit? Anong ginagawa mo?" Sigaw ko sa kanya. "Sorry for what happened but I'm happy. Masaya ko Earl!" Unreasonable niya wika sakin. At dahil masaya siya, okay na? Ganun ba yon? Napataas ang isang kilay ko. Oo, kaibigan kita pero mali ito. Napailing ako. Mas lalo akong naguluhan at napabitiw ako ng hawak sa kanya. Lumakad siya ng bahagya hanggang sa nakarating siya sa salamin. Nakatingin siya sa sarili nya. "Thanks dito sa bracelet mo. Dahil dito.” Wika niya sabay taas ang braso niya kung saan nakasuot yung bracelet. “Nakilala at nayakap ko siya.” At saka siya humarap sakin. “I told you before na gusto ko si Jimrel diba? I was telling you that para alam mo at hindi mo na magugustuhan si Jimrel higit pa bilang kaibigan, tama ba ko?” Mariin niya sabi. “We are best friends and we were promised right? At alam ko na maiintindihan mo ko why I let this happened." Explain niya. Napailing ako sa mga narinig ko na galing kay Edz. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ni Edz ang ganitong bagay. "But Edz.” Tutol ko. “Ibang usapan ito. Alam mong ang tagal ko siyang hinintay." Biglang tumulo ulit ang luha ko at nakita niya. “Naghintay din ako.” Inis na sabi niya. Umiling ulit ako. "Siya yung kauna-unahang lalaki sa buhay ko, Edz." Tumalikod ako sa kanya. "Sabihin mo sa kanila na hindi ikaw is Earl, Edz. Please? Magkaibigan tayo, bakit mo ito ginagawa?" Malaking tanong ko sa kanya. "Pareho lang tayo, Earl. Kung magkaibigan talaga tayo. Maiintindihan mo ko." Pagkasabi niya non, lumakad siya at saka lumabas ng restroom. Napaupo nalang ako sa mga sinabi niya. Bakit niya ito ginawa? Where's the friendship? Nagsinungaling siya doon pa mismo sa childhood Best friend ko. Pagkalabas ko ng restroom ay wala na sila Edz. Kinuha ko ang phone ko sa pocket ng pants ko. Tatawagan ko sana siya ng makita kong may message ako. [Go home safe. I am with Jimrel. – Edz.] Pinunasan ko ulit ang luha ko. Naglakad-lakad muna ako sa mall para makapag-isip isip. “Your best friend and my buddy are together now.” Napalingon ako sa likuran ko at nanlaki ang mata ko. “Reyjie.” Turo niya sa sarili niya. “Yung kanina.” At ngumiti siya sakin. “Kanina ka pa diyan?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. “Bakit nandito ka pa?” matamlay kong tanong sa kanya. “Wala lang.” at ngumiti siya ulit. Nagpatuloy nalang ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa exit ng mall. “Edz. Wait mo ko dito. Kunin ko lang kotse ko. I will give you a ride.” At saka siya umalis. Grabe yung lungkot ko. Hindi ko akalaing mangyayari ito. “Sakay na, Edz.” Napatingin ako sa kotse na nakatapat sakin. Nakangiti naman yung lalaking nag o-offer na ihatid ako. Sumakay nalang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD