Chapter 12: BIMWAS – Best friends

1505 Words
Princess Earl Santos’s POV "Di’ba sinabi ko naman sayo na whatever the situation is? I am still your best friend no matter what, okay?" Paliwanag ko sa kanya habang himas-himas ko ang likod nya at nakayakap kami sa isat isa. I'm Princess Earl Santos. Isang Independent na babae. Malayo ang parents ko kaya sanay na akong mag-isa. That time, nagkaroon ako ng best friend at siya ang pumilit sakin na sa kanila ako tumira at ituring kong sarili kong bahay ang bahay nila at Auntie ang itawag ko mommy niya. 'I'm so lucky!' Sabi ko sa sarili ko. At nung una, akala ko masungit at matapobre ang mommy niya kasi iba yung aura pero hindi ko akalain na mas magiging close kami na parang anak na ang turing sakin at parang mommy ko na din siya. Kaya, nangako ako sa best friend ko na hindi masisira ang friendship namin kahit ano pang sitwasyon ang pagdaanan. I keep that promised and Edz too. Yap! She is Edz Nicole Fortez and sa Family Fortez ako nakatira. Napahiga ako sa kama at napapikit. *** I remembered the first time that we recognized each other. We were 7 years of age, playing in the playground of school. I brought that time a Barbie and ken stuff toy and I played in my own. Then since, I'm independent. Sanay akong mag-isa, Sanay ako na naglalaro mag-isa. Sanay akong kumain mag-isa, lahat ng bagay nagagawa ko ng mag-isa. I'm always contented sa mga bagay na meron ako at iyon ang turo ng mama at papa ko bago sila umalis at asikasuhin ang business namin sa other country. "Baby, always put on your mind that we are always here for you okay? At lagi mong tatandaan malayo man kami ng mama mo sayo. Mahal na Mahal ka namin wag mong kakalimutan iyon ah." Iyon ang huling bili nila sakin bago sila umalis. So, I decided na mag-stay sa school playground after nilang umalis. Ayokong umiyak. Ayokong makita nila akong mahina at nalulungkot. Not because I don't like others saw me cry and feel pity for me but to push my emotion, the feelings and changed it with happy thought. I smiled. "Why are you leaving? We're not yet done playing." Napatingin ako sa batang babae na nagsalita. Malungkot ang boses at mukha niya. Parang any moment, Iiyak na siya. "I'm sorry Edz. We need to go home because our mom is waiting there." "No! I will not allow you both to leave me alone." Nakita mismo ng mata ko kung paano pigilan nung isang batang sossy yung dalawa niyang kalaro. Kinuha pa nito ang laruan at itinapon sa fountain malapit sa kanila. Umiyak yung isang bata. "What's your problem, Edz? Why are you throwing her toy in the fountain? That's so expensive." "Expensive? Huh! I have a lot of money. I can buy you that toy. How many do you want?" Mayabang na tanong nung batang sossy. Then, pinatahan nung isang bata yung kasama niya. "Let's go Mia. Our playmate is crazy so I don't like her to be our friend anymore. She is a loser." At umalis na ang dalawa. Nakita ko na nagdabog yung batang sossy at sinira nya lahat ng laruang dala niya pati narin yung mga flowers doon na nakatanim kaya nilapitan ko siya. "Gusto mo ng makakasama?" alok ko sa kanya. Pinunasan nya ang luha niya saka humarap sakin. "And who the hell are you?" Mataray niyang tanong sakin. "I'm Earl" At iniabot ko ang kamay ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Simple lang kasi ang suot ko. Naka-pants lang at t-shirt unlike her na naka-dress na red at medyo pa-balloon style pa ang laylayan at naka-sandals pa. "Why are you here? Dito ka ba nag-aaral o nakiki-playground ka lang?" sabi niya sakin. Ibinaba ko nalang ang kamay ko. Ang arte niya at masyado siya nasanay na nagsasalita ng di maganda. "Ah siguro may hinihintay ka dito. Maid ka niya no?" dugtong pa niya saka tumawa at naglinga linga sa paligid. "By the way, I want na maging friend ko yung hinihintay mo. I’m sure pareho kaming maganda at mayron class." Ngumiti pa ito ng malapad. Medyo nainis ako sa kanya. Kaya pala nilalayuan siya kasi her manners are not good. "Princess." Napalingon ako sa likod ko dahil sa boses ng tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Jimrel. Ang childhood at best friend ko dito sa school na ito. "Kanina pa kita hinahanap." Lumapit siya sa akin. "Nandito ka lang pala. Lika na?" aya nito. Napangiti ako kay Jimrel. "OMG! Siya ba iyong amo mo, Earl?" Tanong naman sakin nung babaeng sossy at napatingin ako sa kanya na nakatingin kay Jimrel. Si Jimrel naman ay kumunot ang noo. "No! I’m his playmate." Seryosong sabi niya at kinagulat ng mukha ni Edz. "Saka mag kababata kami at balang araw magiging girlfriend ko siya at boyfriend niya ko." Dugtong na sabi ni Jimrel. Mas lalong nagulat yung babaeng sossy. "Paano, Princess halika na?" Hinawakan ni Jimrel ang braso ko. Kumaway naman ako sa batang sossy. Two years left, Nakaupo ako sa isang malaking bato sa garden. Iyon kasi yung favorite place ko kapag mag-isa at nag-iisip. Masyado na tuloy akong mature mag-isip dahil narin siguro sa pagiging independent ko. Kapag mag-isa ko, hindi ko maiwasang malungkot. Naiisip ko kasi ang mga magulang ko. Minsan, sumasagi sa isip ko na bakit ba kasi kailangan pa nilang mag-work sa ibang bansa? Hindi naman kami ganon kahirap para umalis sila at iwan ako. Pero syempre, I’m always think positive nalang na ginagawa nila yun para sa future namin. And by the way, kaya pala ko hinanap ni Jimrel nung araw na iyon dahil aalis na din pala siya. Mas lalo tuloy akong nalungkot. Bakit ganon? Lahat nalang sila umaalis? Sa states na daw siya mag aaral at doon na din maninirahan. "Hi Earl! Finally, nakita rin kita." Napalingon ako sa likod ko at nakita ko yung batang sossy na hingal na hingal. "I'm Edz." Inabot niya ang kamay niya pagkalapit na pagkalapit niya sakin. Nakakapanibago siya! Nakipagshake-hands din ako. "You're Earl, right?" naupo siya sa tabi ko. "Friends na tayo okay?" Ngumiti ito. Ano bang nakain niya? Lumipas lang ang dalawang taon parang bumait siya? "Seryoso ka ba dyan?" takang tanong ko. "Yap! You are my best friend from now on." Saka niya ako niyakap. "And I'm your best friend too." *** Napamulat ako ng may luha sa gilid ng mata ko. I'm 17 years old now. 8 years na ang nakalipas. Senior high na kami ni Edz. Masaya ako na kinaibigan niya ako at halos lahat ng storya ng buhay namin, nai-share na ng bawat isa samin. Natawa pa ko sa sinabi niya na kaya raw niya ko kinaibigan ay dahil kay Jimrel na childhood best friend ko. Na love at sight daw kasi siya. Diba baliw lang? Ang bata pa namin noon pero may paganun-ganun na siya. Inisip ko nalang na biro lang iyon, kasi nga bata pa kami noon. Nakilala ko siya na gusto niya center of attraction siya, lagi siya nasa In or uso, nakakasabay sa lahat ng bagay, ayaw niya na naloloser or nale-left behind, dapat siya lang ang star ngunit lagi niyang nakakalaban yung dalawang batang inaway nya before, Si Mia at Thea, ang mag pinsan. Kinuha ko ang wallet ko at sa pag-open ko nito. Nakita ko ang picture namin ni Jimrel. "Naitago ko pa pala ito." Sabi ko sa sarili ko. "Kamusta na kaya siya?" napangiti ako ng bahagya. *** "Princess, promise mo pagbalik ko dito dapat tanda mo parin ako ha? Hahanapin kita, pangako! Ako lang kaya ang tumatawag sayo na 'Princess' kasi ikaw ang aking Prinsesa, okay?" Niyakap niya ko at niyakap ko nalang din siya. After ng moment na iyon. Nagkatitigan kami. "After 8 years, Babalikan kita saka after 8 years, magiging girlfriend kita. Diba, payag ka namang maging boyfriend mo ko?" Nakangiti nyang tanong. Tiningnan ko lang siya. Gusto ko nang umiyak pero hindi pwede. Ayokong makita niya na umiiyak ako baka imbis na umalis siya e hindi na siya tumuloy. Sayang ang future nya pag nagkataon. "Ayoko nga!" Pabiro kong sabi saka ako tumayo at lumakad. Sinundan naman niya ko at kinulit. "Bakit naman, Princess?" Naka-sad face niyang tanong. "Ano iyon? Wala man lang efforts?" Naupo ulit ako sa isang nakatumbang puno. "Sa mga love story nga na nababasa ko at napapanuod ko yung lalaki bago niya makuha at marinig ang matamis na 'oo' ni girl gumagawa muna siya ng efforts to win the heart of a girl tapos ikaw umalis ka lang at sa pagbalik mo dito 'tayo na kagad' boyfriend na kita at girlfriend mo ko? Nasaan ang efforts?" Napangalumbaba ako. Tumawa naman siya bigla. Napakunot lalo ang noo ko. "Oh! Anong nakakatawa?" "Basta hintayin mo ko ha?" Hinawakan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya. Isang bracelet, isinuot niya sa braso ko ang bracelet. "Wag mong iwawala ito, okay?" bilin niya sakin saka niya ko niyakap. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD