Chapter 11: YBHIM – That kind of Feeling

1587 Words
"Si-sino naman?" Pag iwas nya ng tingin sa akin. Ang sarap tumawa ng malakas. "Si Rayven." Saka ako tumingin sa cp ko at kunwari ay nagtatype ako sa SMS na cp ko. "Hindi no!" Mabilis nyang sagot. Napangiti naman ako. Got it! Tumayo siya at lalabas na sana ng kwarto nang bigla akong, "Ow! nagtext siya. Teka lang! I'm so excited..." Saad ko, then naramdaman ko ang pagbalik nya sa kinauupuan nya at tumingin sa cp ko pero bigla akong humarap sakanya. "Ang gwapo niya bee. Ang bait pa nya. I'm so kinikilig. Gosh!" saka ako tumayo. "Teka nga. Parang may bago sayo." "Ha? A-ano naman yon?" tanong nya. "Hindi ka na KJ." Saka ako tumawa. "Paano bee, I need to go. Magkikita pa kami ee. Bye! See yah!" Saka ako umalis. Nanatili lang ako sa may gilid ng room namin kung saan hindi nya ako mapapansin kapag lumabas siya. I expected na susunod siyang lumabas. Halata na kasi siya ayaw pa aminin samin. Obvious kasi yung pagka-awkward niya ee. Hindi naman niya ikamamatay ang pag-amin, diba? And finally, I saw her. I smiled wider again. My plan is effective. Jhaicell Ly’s POV Bigla akong nainis pagkatapos umalis ni allysa. Kailangan kong malaman kung saan sila magkikita ni Rayven? Lumabas din ako ng room. Bakit ba kasi pasaway itong dibdib ko? Bakit kasi kapag iyon ang topic, distract na distract ako? Naiinis ako sa sarili ko. Naglakad-lakad ako ng pasalubsob ang paa sa buhangin sa dalampasigan. Nakayapak ako at dala dala ko ang slippers ko sa kanan kong kamay. "s**t! Waste of time. Bakit ba kasi iniisip ko iyon?" sabi ko sa sarili ko habang yamot na yamot ako *annoying face* "Focus Ly! Wala lang iyan." Pagpapakalma ko sa sarili ko. "Ikaw? Si Jhaicell Ly? Affected? Impossible!" pagpapalakas ko sa sarili ko. Lakad--- Lakad--- Lakad "Sinong iniisip mo na nakakasayang ng oras mo?" "IKAW!" bigla kong sagot tapos pagharap ko sa nagsalita at napatakip ako ng bibig. "Really? Ako?" nakangiti nitong tanong. "Rayven?" Gulat na banggit ko sa pangalan niya at napaiwas ako ng tingin. Biglang lumikot ang kilos ko na para bang hindi ako mapakali! "Ah, no! I'm just shocking kaya nasabi ko yon" trying hard na explain ko. "I know!" Ngumisi sya saka naupo sa buhangin. Anong gagawin ko? Isip Ly! Hmm. Ah lalakad na ko. Teka! Teka! Hindi ba bastos pag bigla ko nalang siyang iwan? Hmm... eh ano? Who cares kung umalis ako? Di naman kami close ah at saka ano naman sa kanya kung umalis ako? Hay! Ano ba? lalakad ba ko o tatayo nalang dito? "Maarte ka ba? kung hindi naman. Upo ka." Alok niya sakin saka siya tumingin sa alon ng dagat. Naku! Akala niya siguro maarte ako kasi hindi ako umupo sa buhangin. Baka turn off na siya sakin. Napa-sad face ako. "ANG GULO MO!" Bigla kong sigaw. Nagulat siya at napatakip naman ako sa mukha ko. Nakakahiya! Isinilip ko ang mata ko sa pagitan ng mga daliri ko. Nakatingin siya sakin at nakangiti lang. Baka isipin nito 'baliw ako' no way! Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko. "I'm sorry!" napayuko ako. "What happen to you?" takang tanong niya sakin. Umiling nalang ako at saka naupo sa buhangin katabi niya. Bigla niyang inabot ang kaliwang kamay niya. Napataas ang kilay ko. "I'm Rayven Celleste" nakangiti siya. Kanina ko pa napapansin ang matatamis niyang mga ngiti. Ang dalas niya ngumiti. Nakakakilig. May dimples pa siya. Ang pula pa ng labi nya tugmang tugma sa matangos niyang ilong. Napangiti ako at inabot ko ang kamay niya, mukhang ngawit na. Nag shake-hands kami. First time 'to. "Jhaicell Ly Ramos” Pakilala ko. After that, nakaupo lang kami at nakatingin sa alon ng dagat. Ang tahimik niya. Ang cool! Napangiti ako ng malapad. Ang sarap sa feeling. Ganito pala iyon! Then, 'kumakanta si Rayven' Mas lalo akong napangiti ng malapad. Ang ganda ng boses niya! Ang perfect naman ng nilalang na ito. Made in heaven. Ang cool niya pa. bakit ganon? Ang gaan ng pakiramdam ko? Feeling ko walang problema at para bang kami lang yung tao dito. Ang saya! Ano ba ito? Nakatitig lang ako sa kanya, siya naman nakatanaw sa alon ng dagat. Ang gwapo nga niya! Bakit may naligaw ng ganitong nilalang dito ? Akala ko sa mga teleserye lang may gwapo plus gentleman na tao, pati pala dito meron. Lagi na kong magbabakasyon dito. Ang keri! Nakangiti parin ako ng malapad at nakatingin parin sa buong mukha niya. "Ly. Ang ganda ng sunrise oh." Ang gwapo nya talaga. May girlfriend na kaya yung ganitong nilalang? "Ly." Ang sarap nya sigurong yakapin. Ang ganda ng katawan niya. Yung abs niya halatang halata kahit na nakasando siya. Bagay na bagay yung body niya sa mukha niya. Ang maputi at makinis nyang balat, parang balat ng babae kung titingnan. Ang singkit at kumikinang niyang mata once na titigan mo eyes to eyes, parang may star kasi nagniningning ee. Ang mapula at manipis niyang labi. Oh yummy! Sarap sigurong madampian yung labi niya, mukhang ang lambot lambot. "Are you okay, Ly?" Sana. Wala pang may ari sa nilalang na kasama ko ngayon. Bigla akong napasimangot. "Ly" Bigla kong naramdaman ang kamay niya sa balikat ko at napailing ako. "Ha!" Sabi ko. "Okay ka lang ba?" Pag aalala niya. I just nod. Nakakahiya! Kanina pa pala niya ko kinakausap. Baka mas lalo tong maturn off sakin. Ngumiti siya at saka bumalik ang tingin sa dagat. Ang tahimik niya. Ang tipid magsalita. Kausapin ko kaya. Ee ano naman ang sasabihin ko? Haist! Bahala na nga. "You are a good singer. Napahanga mo ko ah" Sabi ko sa kanya bigla siya tumingin sakin saka ngumiti. Wala ba siyang sasabihin? Nang binalik na niya ang tingin niya sa dagat napa-sad face ako. Ang tahimik nya! "Kanta ka." Bigla niyang sabi. "Huh?" reply ko. Blanko ang mukha ko sa sinabi niya. Ano bang nasa isip niya? Mag psychology nalang kaya ako para mabasa ko ang nasa isip at puso nya? Ayeihh! Ang keri! "Sabi ko kantahan mo ko." ulit niya at nakatingin saakin ng deretso. Nakakailang! Shemay!!! "Ah. Hindi ako magaling kumanta ee" sabi ko sa kanya with shy voice pa. nakaka-shy naman pag ganito ang kasama mo. Ang gwapo kasi at ang gentle pa. "Sige na." pilit niya sakin at ngumiti pa. Wow ang tamis ng ngiti nya. Heaven! Ops Ly, ang dami mong nalalamang salita ah! Nakatagpo ka lang ng gwapo kumeri kana. "Ah kasi ano ee" “Game!" Bigla niyang singit. Paano ba ito? Nahihiya talaga ako. Anong kakantahing ko? Baka naman pagtawanan ako nito. Haist! Paano ba ito? Bahala na nga! Kakanta na sana ako nang, "Sige." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sakin. Kinuha ko naman ito at itinayo niya ko. Ops may spark! "Next time nalang." Lumakad siya palayo. Hala! Baka nagalit yon? Anong gagawin ko? Napayuko nalang ako. "Prepare a song for me next time ha? Ms. Ly" Pahabol pa nito. Napaangat ako ng ulo at kumaway siya sakin. Napangiti ako at ganon din siya sakin. Ang gwapo niya. Swear! Naglakad na rin ako pabalik sa hotel. Nang makarating na ko sa lobby ng hotel. “Bee. Where are you going? Kanina pa kami naghahanap sayo.” Bungad ni Margz habang inaayos ang sombrero nya. “Mukhang maganda ang mood mo, bee.” Bati naman ni Allysa. Ngumiti lang ako at naupo sa sofa. Nag-order kami ng coffee. “Anong meron?” usisa naman ni Jhen. “Feeling ko may bago talaga sa bee natin, guys e.” wika ni Allysa. Nang dumating na ang coffee namin. “Hay naku! Kayong tatlo ha, kung wala kayong magawa mas mabuti pa na mag-check out na kayo dito sa Resort at magsi-uwi na kayo.”  Utos ko saka himigop ng kape. “Anong rason mo at gusto mo na kaming umalis?” Patanong ni Allysa sabay taas ng kilay. “Oo nga bee. May nililihim ka samin.” At paningkit na tanong ni Jhen. “Oo nga.” Dugtong pa ni Margz. At nagtawanan ang tatlo. Hindi ko nalang sila pinansin at pagkatapos na pagkatapos kong magkape dumeretso tayo na ko saka lumakad palayo sa kanila. “Bee. Pwede ka namang mag-share samin.” Pahabol na sigaw ni Allysa. Allysa’s POV Napangiti ako sa kinikilos ni Ly. “I told you guys e. Something going on between them.” At napangisi pa ako. Kinuha ko ang phone ko. “Look!” Nilapag ko ang phone ko sa lamesa at ipinakita ko sa kanila yung photo ni Ly at ni Rayven with sunrise. “Hala! Is that real? Omg!” napatakit sa bibig si Jhen at kinikilig. “Magkaka-love life na si bee. Real na real na ba to?” Wika naman ni Margz. “I am happy for her.” Dugtong pa niya. “Ihanda-handa nyo na ang pa-prize nyo sakin ha?” Biro kong sabi sa dalawa. “Always ready naman yung sakin basta ba sure na magkaka-love life ang Killjoy nating kaibigan.” Paninigurado ni Margz. “Sana nga no. Ma-experience man lang nya ang ma-inlove.” Komento ni Jhen. “Yun nga lang. Dapat handa siya sa iba’t-ibang pangyayari once na pumasok siya sa mundo ng love.” Dugtong pa ni Jhen. “Malaki na si Ly kaya na niyang ihandle ang emosyon nya no. Basta my goal is magka-love life sya bago tayo matapos sa senior high. Okay?” Explain ko at um-agree naman ang dalawa saka kami nagtawanan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD