Allysa’s POV
Nang Makita kong hawak niya ang phone ko. Nagulat ako at the same time napangiti. Imagine, effective din pala! Sabi na ee.
"Bee. Bakit hawak mo ang phone ko?" bungad ko sa kanya. Halatang nagulat siya at nailapag nya bigla ang phone ko sa kama.
***
Naalala ko yung ginawa ko kahapon at ang plano naming tatlo para kay Ly. Naaawa na kasi kami sa kanya. Masyado syang out of lovelife. Haist! Pabalik na kami sa cottage nang madatnan namin si Ly na katitigan yung guy malapit sa cottage.
"May plano ko para kay Ly." Bigla kong sabi sa kanila. Nagulat naman sila.
"Ano?" sabay nilang sabi.
"Call this plan as a Dare, okay?" nag-nod naman sila at hinihintay pa yung next kong sasabihin. "I'll dare you na magkaka-love life na si Ly bago tayo mag end ng senior high. I am very sure of that!" ngumiti ako.
"Okay? Whatever your plan is? I'll deal with that." Matapang wika naman ni Margz.
"Dapat may pa-prize. If ever I've done my plan, kailangan may make-claim ako. Anong pusta niyo?" tanong ko.
"Okay, Deal!" Pag sang-ayon ni Jhen "I will send you a brand new car if ever your mission's accomplished." Ngumiti pa ito sakin. Wow! Lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa prize na makukuha ko.
"How about you Margz?" baling ko kay Margz.
"Fine! Naghahamon ka Ally. Sure! I will send you too, Mmm... different bags and pairs of shoes plus I will recognize you to my close Korean group 'The EXO', your ultimate idols. DEAL?" Nakangiting hamon ni Margz.
"Oh! I like that. Deal!" Inabot ko ang kamay ko.
"But!" dugtong ni Jhen "It's not fair if ikaw lang ang may claim prize. How about if your plan failed? What are our benefits?" nakataas ang kilay nitong tanong. Napatawa ako. Hindi talaga sila magpapalamang.
"Okay! Double ng offers niyo then plus all my collection of gifts that I will receive to all my suitors. Deal?" Matapang kong hamon.
"Deal!" Sabay nilang sabi saka kami tumawa. Nang mapansin naming wala na yung lalaki. Lumapit na kami.
"Palibhasa, you're a loser. Ano? Kaya mo? Gagawin mo ba ang dare natin? Come on? Allysa. Ow baka naduduwag ka na?" Sabi sakin ni Margz na iniutos ko sa kanya na lakasan ang pagkasabi sa akin upang ma-catch namin ang atensyon ni Ly. Haha maka-dialog lang!
"Ly, are you with us?" Tanong naman ni Jhen kay Ly para makuha ang presents nito. Ang hirap kasi makuha ang atensyon nito kaya dapat pinaplano. Tumawa nalang kami.
"Puwede. Ba?" masungit nyang sabi at sumenyas na quiet daw. Haist KJ talaga.
"Killjoy talaga." Bigla kong nasabi. Pasaway talaga yung dila ko. Syet!
"Can you do what we dare or are you afraid of being embarrassed?" biglang singit ni Margz. Tama yan. Baka mag-walk out kasi ii.
"Okay. Fine! Let I handle this." Tumayo ako at Lumakad. Pumunta ako sa mga taong naglalaro ng volleyball.
"Excuse me." Nakangiti kong sabi. "hi!" kumaway pa ko. Tumigil sila sa pag lalaro.
"Yes miss?" sabi nung isa.
"Ah, hey! I'm Allysa" iniabot ko ang kamay ko don sa pumulot ng bola kanina. Matagal din bago niya abutin ang kamay ko. Nang aasar naman ang mga kasamahan niya.
"Hindi mo ba aabutin?" Sabi ko "Your name is?" dugtong ko pa.
"Rayven. Rayven Celleste." Saka kami ng shake hand.
"Ah by the way. Can I get your phone number?" naka smile kong tanong sa kanya
"I can't" reply nito sakin.
Haist! Ang arte. Kung hindi lang sa prize at sa ngalan ng ikasasaya ng bee, kanina ko pa 'to tinarayan. Hindi ba nya ko kilala? Sikat kaya ko lalo na pagdating sa mga boys. Ako pa ba? I smiled.
"Pare, wag naman ganyan! Kung ako ang hiningan nyan, aba! agad-agad mismo ibibigay ko na. Sa ganda at sexy ba naman ng nasa harap natin oh! Irereject pa ba?" comment nung isa. Whatever! Ang arte. Ito namang isa, mukhang manyak! Yuck...
"Bigay mo na, pare" sabi nung isang katabi nya. Aarte pa ba?
“Ah okay lang kung hindi pwedeng ibigay ang cp number mo. May nagpapahingi lang naman kasi.” Pakonsensya kong sabi. “Sasabihin ko nalang na hindi pwedeng ibigay. Pasensya na sa storbo.” Pa-humble kong sabi. Patalikod na ko ng nagsalita si Rayven.
"Ah sino?" Curious niyang tanong. Napatingin ulit ako sa kanya at nag smile ako. Tinuro ko yung cottage namin at si Ly.
"That girl wearing yellow stripes dress with blazer." Napansin kong umaliwalas ang mukha ni Rayven. Catch up! I smile wider.
"Ah siya ba?" Tanong niya then I nod. Napansin kong 'di naalis ang ngiti sa labi ni Rayven. Mukhang type nya rin ang bee namin ah. Bigla niyang inilahad ang kamay niya. My face is questionable. Napataas kilay ko.
"Cp mo?" Ask niya. Ang tipid nya magsalita. Grabe! Ini-abot ko ang cp ko then tinype niya ang digit ng cp # niya. Excellence! Give me 5 slow claps. Bwahaha! Then ibinalik na nya sakin ang cp ko. Bago ko makalimutan...
"By the way, Rayven. Request nya din kasi na mag-picture tayo. Okay lang ba?" Pacute kong sabi sa kanya. Agad naman siya tumango.
"Sure." Wow! Wala ng isip isip. 'sure' kagad. Lakas pala ni Ly dito ii. Ibinigay ko ang cp ko sa kasamahan niya then umakbay siya sakin at ako naman yumakap sa beywang niya tapos kinapture na nung kasamahan niya. I'm so glad! My first mission's effective.
"Thank you!" I smile then nagpaalam na ko.
Pag balik ko ng cottage...
"Here's it up!" itinaas ko ang cp ko at ngumiti then naupo sa cottage
"What's his name?" bungad ni Margz. Hinihintay kong makisali samin si Ly at magtanong din.
"Rayven Celleste. Ang gwapo nya grabe. Ang cool na ng name niya at hot pa ng body nya, mga bee." Paarte kong sabi at tumingin ako kay Ly.
"Did you get bee?" Tanong ni Jhen.
"Of course." Nakangiti at mayabang kong sagot. Gwapo si Rayven. I admit it! Saka pang celebrity ang standard nya kung iisipin mo. Maputi, matangkad, matangos ang ilong, mapulang labi as in yummy. In fairness, Bagay sila ni Ly.
"He's really hot talaga. Ang yummy." Wika ni Jhen
"Vcard mo sakin yung number nya. Dali, bee" Excited na utos ni Margz
"He's a good catch, diba Ly?" Baling ko ng tanong kay Ly imbis na sumagot ay tumayo ito at umalis. Tinawag namin siya ngunit di niya kami nilingon.
"One, Zero" sabi ni Margz. Haist! Walang effect. Then mga ilang oras lang ay umakyat na kami sa kwarto. Sa may pinto,
"Ang gwapo talaga niya." Jhen.
"Anong name nya ulit?" Margz.
"Rayven nga diba? I want him to be my boyfie." Nilakasan ko pa ang pagkasabi saka kami pumasok sa loob. Naupo ako sa kama ni ly.
"Ly" sabi ko saka ko pinakita ang picture namin ni Rayven. "Ang gwapo niya di'ba?" ask ko sa kanya habang kinikilig.
"HINDI!" sagot niya sakin saka siya nagtalukbong ng kumot. Nakakaasar na siya. Pabili ng Patience? Saan meron? Ano ba naman kasing nilalang itong isang ito? Haist!
"Haist! Palibhasa, wala namang gwapo sayo ei. Ang K.J. mo kasi. Naku naku Ly ha. Gusto mo bang maging matandang dalaga." Sabi ko. Napipikon na kasi ako ie.
"Oo nga bee. Wag naman kasi puro aral at business lang ang alam. Kaya nga we're here diba. To have some fun, to enjoy. Sige ka, ikaw din." Pagkukumbinsi naman ni Margz.
"Kawawang Ly." Buntong hiningang sabi ni Jhen.
Sinandya kong iwan ang cp ko sa table nya malapit sa kama niya. Masyado na kong nagsasayang ng oras. After nitong bakasyon, kailangan ma-confirm ko na magkaka-love life itong kaibigan kong K.J. haist! At kinabukasan, nakikiramdam ako kung may gising na. Ala-singko na din ng umaga at nakita ko si Ly na bumangon. Nakabalot ako ng kumot at medyo nakatagilid ng higa, nakaharap ako sa table at nakasilip ang mga mata ko para makita ko kung anong kinikilos ng kaibigan kong K.J.
It's my turn. Tinext ko ang sarili kong cp gamit ang cp ni Margz. Tingnan ko lang kung dedma ka pa din. Umilaw ang cp ko. Good! Napansin kong na-focus ang mata ni Ly sa cp ko na nasa table niya. Tamang-tama na ini-screen saver ko ang picture namin nung Rayven na 'yon. At nakita ko na kinuha niya ang cp ko. I smiled. Nang mapansin ko na parang bubuksan na niya ang cp ko, bumangon na ko then,
"Bee. Bakit hawak mo ang phone ko?" Tanong ko sa kanya na kinagulat niya at nailapag niya bigla ang phone ko sa kama.
"Oh! Bee... Naiwan mo kasi sa table ko tapos umilaw, may nagtext yata." Sabi niya. I see her trying to explain very well to convince me. I know it!
"Ah...” naupo ako sa kama niya. “Teka nga! Kelan ka pa nagkaroon ng cares sa mga gamit namin?” Kinuha ko ang cp sa kama niya. “Tell me!” Niliitan ko ang mata ko. “Ly, type mo no?" walang pasubaling tanong ko sa kanya para mahuli ko siya. Nagulat siya sa tanong ko. Huli ka! Sige lang Ly.Trying hard pa to explain your side. I got it na! You are also attracted to Rayven like all girls do.