Jhaicell Ly Ramos’s POV
At the age of 15, namulat ako sa mga seryosong bagay na dapat ay ine-enjoy ko muna. Ang pagha-handle ng isang resort. Ang pagtu-tour sa mga nagbabakasyon. Ang maging kagaya niya, ni mommy. Isang business woman. A Supermom. All of her life, sa business at sa akin niya lang pinaikot. That's why? Kung anong itinanim, siya din magiging bunga. And that's me.
And now, I'm turning 18 years of age. Magiging ganap na dalaga na ko. Sa sobrang focus ko sa pag aaral at sa business namin, hindi ko man lang naranasan at naramdaman yung masaya kang naglalaro, nakikipag-bonding sa mga classmates/kaibigan o kaya sa mga taong nakapaligid sakin. Ang pag accept ng mga suitors. Halos lahat ng masaya sanang memories, pinalagpas ko. Lagi akong naka-focus sa pag-aaral, sa business kaya marami akong na-missed. Parang hindi ganap yung mga times na bata pa ko. I missed my childhood days.
Malungkot ang mga tingin ko sa alon ng dagat habang naglalakad-lakad ako sa dalampasigan. Nasa resort kami sa Bataan, pinag-rest muna ko ni mommy dahil malapit na kasi ang pasukan at na-inform na din ako na ita-transfer ako sa Brown Hills University dahil isa ako sa na-spotted sa paaralan na iyon ayon sa nabasang email ni mommy sa account ko. I've never used kasi my accounts either f*******:, i********: or whatever account is. Nakakasayang lang ng oras. My time is super precious ayokong nasasayang.
"Ly."
Napalingon ako sa likod ko dahil may tumawag sa pangalan ko. Nang makita ko kung sino, nagsi-kaway ang mga ito habang papalapit sa akin. By the way, kasama ko nga pala ngayon ang tatlo kong baliw ng mga kaibigan. Sila lang naman ang may pakana nito kung bakit kami nandito at nagliliwaliw. Tutol nga ako e kaso pati si mommy nakumbinsi nila kaya heto kami ngayon, nagsasayang ng oras.
"Alone lang ang peg, bee?" Wika ni Jhen. Ang pasyonista kong kaibigan at puro pagpapaganda lang ang inaatupag. Nang nakalapit na sila sakin doon ko lang napansin na nakapang-swimsuit na pala sila. Hindi rin sila excited ahh. Napataas ang kilay ko.
"Magbihis ka na, bee." Aya naman ni Margz. Ang makulit kong kaibigan at may pagkaboyish ang style sa buhay. Siya lang ang naka-rashguard ang suot.
"Bakit ka ba umalis kagad sa room natin?" Pagtatanong naman ni Allysa. Ang playgirl kong kaibigan na never nagseryoso sa relasyon. "Ahh...” Sabay point ng isang finger sa chin niya. “Siguro finding someone ka dito no? may pogi ba?" sabay tingin sa paligid. Haist! baliw talaga ito kahit kailan. Hindi ako seeking no? no way! Iyan na yata ang pinaka-stupid na bagay na gagawin ko kung sakali sa tanan ng buhay ko. At inuga-uga naman ako ng dalawa at pakilig-kilig factor pa. Napansin kong marami ng nakatingin samin kasi ang weird nitong mga kasama ko, mga baliw!
"Stop it okay?" mataray kong saway at iniwan ko sila doon, sumunod naman sila.
"Wait naman, bee." Sabay-sabay nilang tawag sakin. At tumakbo sila palapit sakin habang ako ay naglalakad palayo sa kanila saka kumapit sa kanang braso ko si Margz at si Jhen naman ay sa kaliwa, si Allysa naman ay sa gilid ni Jhen.
Nang makarating na kami sa cottage namin. Kinukulit nila akong magpalit ng pag-swimming na damit ngunit tumanggi ako.
"Hanggang kailan ka ba magiging killjoy bee ha? have some fun naman oh." Wika ni Allysa saka sila nagpaalam na magsu-swimming.
Habang nasa tubig si Allysa, sina Margz at Jhen naman ay nagba-volleyball. At ako, heto. Naiwan sa cottage. Buti na lang at may dala akong book. Binuklat ko ito at nagsimula na akong magbasa. Then biglang may bolang napunta sa cottage kung saan ako naka stay ngayon. Napatingin ako sa lalaking papalapit para kunin ang bola. He is a good catch. A handsome, tally at mukhang artistahin kung kumilos. He's almost perfect kapag tiningnan. Nakakasilaw ang face niya sa sobrang kagwapuhan. Nang malapit na siya, pa-simple akong bumalik sa pagbabasa ko, napansin ko naman siya na bago niya pulutin ang bola ay tumingin muna siya sakin.
"Pre, bilis!" tawag ng kasamahan niya, sumenyas naman siya. Napatigil ulit ako sa pagbabasa nang mapansin kong nandoon parin yung lalaking pumulot ng bola at nang itaas ko ang tingin ko, nagtama ang mga mata namin. Nakatayo siya doon at hawak-hawak niya ang bola. Matagal ang eye to eye contact namin then bigla siyang ngumiti. Nginitian nya ko? Napapikit ako at napa-iling. Seryoso? He smiles at me? Nawerduhan ako kaya napatingin ako sa likod ko baka kasi may tao sa likod ko na kakilala nya.
"Para sayo yon, Ms. Pretty girl." Biglang sabi nya. Nagulat ako at feeling ko naging mansanas na ang pisngi ko sa pula. Nasarado ko tuloy ang librong hawak ko.
Mula pa kasi kanina. Napansin ko na ang Aura ng lalaking iyon. Simula pa nung naglalaro sila ng volleyball kasama ang mga kaibigan niya. Madami kasing mata ang nakatingin sa lalaking iyon at mukhang siya ang topic ng mga girls dito sa resort na ito. Sabagay, he is a good catch nga naman. Napansin ko din ang dalas ng tingin nya sa cottage kung saan ako naroon. I was so distracted. Nakakailang lang kasi, I'm not comfortable sa mga ganito scenes sa buhay ko. Doon kasi sa office may sarili akong opisina. Papel at ballpen lang ang nandun, mga paper works. Hindi ka-distract-distract. Hindi katulad ngayon.
"Ako?" napaturo ako sa sarili ko. Nag-nod sya at ngumiti ulit. Whoo... killer smile pa, bakit parang may nagtatambol sa dibdib ko? Ano ba itong nararamdaman ko?
"Pre" umakbay ito sa guy na nakangiti sakin "Ang tagal mo." Dugtong pa nito.
"Pasensya na, pre." Ngumiti ulit siya sakin, napatingin sakin yung lalaking tumawag sakanya saka sila lumakad pabalik sa pwesto nila.
Wake up, Ly! Wake up. Ano ba itong nararamdaman ko? Easy lang, Ly. Focus! No! Hindi pwede ito... Hindi ang katulad lang nya ang makakapagpa-distract sayo, Ly. Hindi. Okay? Pagkukumbinsi ko sa sarili ko at bumalik sa pagbabasa.
"Palibhasa, you're a loser. Ano? Kaya mo? Gagawin mo ba ang dare natin? Come on? Allysa. Oh baka naman ... naduduwag ka na?" paghahamon ni margz habang nakangisi. Palapit na sila sa cottage kaya pala ang ingay. Ang lalakas ng boses. Kahit kailan talaga. Hindi marunong mag Professional act ang mga baliw na ito. Naupo na sila sa cottage at ako naman nagpatuloy sa pagbabasa.
"Ly, are you with us?" Tanong naman ni Jhen at saka nag-selfie. Tumawa naman ang dalawa. Ays ang ingay!
"Puwede Ba?" mariin kong sabi saka ako sumenyas na tumahimik sila.
"Killjoy talaga." Reklamo ni Allysa.
"Can you do what we dare or are you afraid of being embarrassed?" Patanong na hamon ni Margz. Ano bang sinasabi nila. What dare? Napaisip ako sa pakulo nanamang gagawin ng mga ito. Mga baliw talaga? Bakit at paano ko ba sila naging kaibigan? Haist!
***
You! Damn. How dare you do this to me? Minahal kita. Minahal kita ng sobra, manloloko ka. May pasabi- sabi ka pang ako lang ang mahal mo. Manloloko!"
Napalingon ako sa babaeng umiiyak at pinagpapalo ang lalaking kaharap niya. Napa-iling nalang ako. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Aba! Ang lakas namang manloko ang lalaking iyon. Maganda na, sexy pa ang girl nagawa pang lokohin. Napansin ko din ang agaw eksena nilang pag aaway sa gitna ng mall. Nasa mall kasi ako at kakatapos ko lang ime-meet yung ka-deal sa resort namin ng madaanan ko ang eksenang ito.
"Miss, ano bang problema mo?" Inis na tanong nung lalaki.
"What? Ngayon naman itatanggi mong hindi mo ko kilala? How dare you" Sabay sampal nito sa lalaki.
"Miss, ano ba?" Iritadong wika ng lalaki sabay hawak sa pisngi niya.
"Walang hiya ka! Manloloko. Ano nanamang dadahilan mo? Hindi mo ko kilala? Kayong mga lalaki, ang dami nyong dahilan. Keso hindi nyo kami kilala, pagkatapos mong kunin ang lahat? Ako naman 'to si gaga, ibinigay ang lahat tapos ito ang ibabalik mo sakin. Ang iwan ako at ipagpalit sa iba. You damn! Walang hiya ka!" pasigaw nitong sabi habang umiiyak.
Grabe naman pala itong kumag na ito eh. Kay-gwapo ah, para manloko at magpaluha ng isang babae. Ka badvibes!
"Hindi ko alam ang sinasabi mo at pwede ba miss huwag kang gumawa ng eksena dito, okay." Biglang itinulak ng lalaki yung babaeng umiiyak.
Aba! Siya pa ang may lakas ng loob na saktan yung girl, physically? Hindi ako nakapag-timpi at agad kong itinulak yung lalaki. Nagbubulungan narin kasi yung mga dumadaan. Sa gitna pa kasi sila ng mall nagsasagutan. Agaw-eksena lang ang peg?
"Ang kapal naman ng mukha mo? Ikaw na nga itong nanloko, mananakit ka pa, physical? Aba! Bakit ka kasi lumabas nung oras na nagpasabog na kakapalan ng mukha ang nasa itaas. Nahiya naman ako sayo, sinalo mo lahat?" bigla kong singit. Nakakainis na kasi! Nagulat yung girl na umiiyak. Yung lalaki naman, blanko parin ang mukha at para bang wala talagang alam. Sinampal ko yung lalaki saka ko inirapan. Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga tao. Saka ko inaya yung girl at iniwan naming yung lalaki dun sa gitna.