Pa-umaga na, sakto at masisilayan namin ang pag sikat ng araw.
"By the way, ano ulit yung sinasabi mo?" ulit kong tanong kay Anne.
"Sabi ko, nagbukas ka ba ng email mo nitong week?" seryoso nyang tanong.
"Hindi! Nakakatamad kaya." Reklamo ko at nag-selfie kasama ang pag-sikat ng araw. Mai-post lang sa i********:. And seriously! I admitted na super nakakatamad naman talaga! Imagine, makikita mo yung social media account mo na tadtad ng friend request, notification, at mga messages. At isa pa, ang toxic narin kasi! Yes, I want a challenge in life but of course I choose what I think is mindful to do and to solve. Sa ganon klase, I think it’s a waste of time.
Try nilang sa personal ako kausapin at hindi sa social media. Ang lalakas ng loob mag chat sakin kapag online ako tapos pang google lang naman yun profile picture nila. Haist! Nakaka N. S. (Non-Sense) lang ubos oras pa. Bakit ba kasi ang ganda-ganda ko? Lord! Bakit ako ang napili mong biyayaan ng kagandahan pero thankful ako dahil hindi ko tatanggihan to. Aba, Blessings to no?
"Bakit hindi?" tanong nya ulit. Ang O.A nya sobra. Anong big deal doon? Hindi lang ako ng open ng account ko. Hello!
"Eh sa hindi e. Bakit ba? Kailangan mo pa ba ng paliwanag ko tungkol dyan?" tatayo na sana ko nang hinila nya ulit ako paupo sabay lahad nya ng palad nya. Napataas naman ang kilay ko.
“Akin na!” Wika niya.
“What?” Curious kong tanong
"Cell phone mo? Akin na?" nanatiling nakalahad ang palad nya sa akin. Aba! Napakunot ang noo ko then kinuha ko ang cp ko at binigay sa kanya.
"Password mo?"
"Bakit ba kasi?" pagtataka ko. Tumingin ako sa kanya na busy sa pagkakalikot sa cp ko.?
"May titingnan tayo." Iniabot nya pabalik sakin ang cp ko. "Type your Password." Ngumiti sya. Baliw talaga to? Nung na-type ko na, bigla nya kagad kinuha at parang may hinahanap sa account ko. Binuksan nya yung mga notifications at mga messages. Then, nung parang nakita na nya.
"Tadan!" ipinakita na nya akin. Napatingin ako ng seryoso sakanya.
"Ano yan?" taas kilay ko.
"Tingnan at basahin mo kasi." Utos nya. Kinuha ko ang phone ko sa pagkakahawak nya then I start reading the message on it. Bigla siyang tumayo at hinila ang kamay ko.
"Let's go. Magpaprint na tayo ng gate pass sa bago natin school. Bilis!" Bigla naman ako napatayo at napatili. Nagtatalon pa ko kasabay si Anne.
"Totoo ba to?" Wow! I can’t believe. Kabilang ako sa napili na i-transfer sa sikat ng school dito sa Pilipinas? Super wow talaga! Matutuwa sila mommy at daddy nito. I'm sure, Proud nanaman sila sakin. Ako pa ba? hoohoo!!
"Anong Say mo?" Tanong niya sakin. Naupo muna ko at nag-logout ako. Then I open the email of Jhayvee. Yes! I know my best friend’s account. Ewan ko ba! Basta pareho kaming nakakaalam ng account ng bawat isa sa amin. Akala nga ng iba mag-boyfriend-girlfriend kami dahil halos lahat ng kwento ng buhay ng bawat isa sa samin ay alam na alam namin. Siguro ganun talaga kapag mahalaga sayo ang isang tao.
"Brown Hills University" with action pa habang binibigkas nya. "Yan ang pangalan ng bagong school na lilipatan natin, di’ba? Nakangiti nyang tanong. "Kung saan kahit mayaman ka man or mahirap, hindi ka makakapasok sa ganyan kalaki at kagandang university if you don't have a M.I. or Multiple Intelligence. That means qualified tayo sa ganyan kagarang school dahil may aking galing tayong tinatago. Oh em! Gil. Ang saya ko. This is the opportunity for me.” Papikit-pikit pa. “We need to grab it. Abot kamay na natin.” Itinaas pa niya ang kamay niya at kunwari ay may inabot. “Hoho!" Dagdag pa nitong sabi with maarteng paliwanag pa samantalang ako ay hindi parin makapaniwala. Is this real? Is this real? Real na Real! Gosh!
Binuksan ko yung mga notifications sa account ni Jhayvee. I also wish na sana ay kabilang din ang best friend ko sa nasabing University na iyon. At nung nakita ko na din ang same email na nabasa ko sa account ni best.
"Yes!" napa-close fingers ko ang isa kong kamay at napasigaw ko.
"Anong Yes?" kunot noong tanong ni Anne.
Bigla ako lumakad pupunta sa kotse ko at binuksan ko ang driver seat. Then bago ako pumasok sa loob.
"Hurry up! Come 'on. What are you waiting for?" tawag ko kay Anne. Dali-dali naman siya tumakbo at pumasok sa front seat. Then umalis na kami.
Hinatid ko na si Anne at dumiretso uwi na ako. Pagkarating ko sa bahay. I saw a familiar person in our terrace. May bitbit itong paper bag.
“Best?” sigaw ko. Napatingin naman si Jhayvee sakin saka ako sinalubong. Nang nakalapit na siya sakin agad nya akong niyakap. I miss you best! Pagkakalas namin sa pagkakayakap.
“Here!” sabay abot nya sakin ng paper bag. “Para sa best friend ko.” Nakangiti niyang sabi. Kinuha ko naman yung paper bag na inabot nya at hinawakan ko yung kabilang pisngi niya na parang pasampal at ngumiti ako.
“Pa-miss to.” Wika ko at naglakad na papuntang terrace, umakbay naman si best sakin at nakatawa.
“So namiss mo ang gwapo mong best friend?” at nagpacute pa ito sakin. Naupo na kami sa upuan namin doon sa terrace.
“Feeling ko, mas miss mo ko.” At tinaasan ko siya ng kilay. Pinisil naman niya ang magkabilang pisngi ko. “Ouch!” reklamo ko at sabay gulo niya ng buhok ko. “Haist! Best naman e.” dugtong ko pa.
“Haha oo na. Mas miss na kita.” at humarap ito sa akin. “So dali na. Kwento na, kamusta one month mo dito without me?” seryoso nyang tanong. Ito talaga yung pinaka-gusto ko kay best e. Laging nagtatanong sa kung anong nangyari sa araw ko, kamusta pakiramdam ko at nararamdaman ko. Super spoiled nya ko pero in a right way kasi kapag alam nyang hindi na maganda, naku! Sandamak-damak na sermon naman ang aabutin ko. Ganon siguro talaga! He’s my best friend.
Nagkwento na ako ng mga nangyari sakin sa buong isang buwan ko habang siya ay nasa bakasyon. Wala namang ganap. Normal days lang for me. Sa umaga, nagba-bike sa village. My morning routine then afterwards, magkukulong sa kwarto at mag o-online games then matatapos ang buong araw sa ganun. After ko magkwento, siya naman yung nagkwento. Naging masaya ang bakasyon niya. Nagka-get together silang buong pamilya. Nasa batangas kasi ang parents nya at siya lang mag-isa ang nandito sa manila.
“Ito best oh!” Ipinakita ang dagat at may kuha siya ng sunset. “Ang ganda dyan. Minsan pasyal tayo” wika ni best habang ako ay nakatingin sa mga pictures na kuha niya mula sa kanyang pagbabakasyon.
“Mukhang maganda nga.” Tumingin ako sa kanya. “Ang daya daya mo talaga best.” At inabot ko na sa kanya yung phone niya. Tumawa siya at inakbayan ako.
“Promise! Ipapasyal kita diyan after senior high natin.” Nakangiti niyang sabi.
“Okay!” Tipid kong reply sa kanya.
Kinuha ko at binuksan yung bigay niyang paper bag. Na-amaze ako sa pasalubong niya sakin kaya niyakap ko siya.
“Thank you best.” At ngumiti ako. “Ang cute ng style.” Keychain ito na may sunflower style kaya nagustuhan ko talaga.
“O iha.” Napatingin kami ni best sa pintuan. Nandoon na pala si mommy. Tumayo ako at yumakap. Tumayo din si Jhayvee. “Ang aga mong umalis kanina. San ka ba nagpunta? Kanina pa nandyan si Jhayvee at hinihintay ka.” dugtong pa niya.
“Nakipag-meet lang kay Anne, mom.” Sagot ko.
Inaya na kami ni mommy na pumasok sa loob ng bahay. Welcome na welcome si best samin at ganun din ako sa kanila. Almost perfect na yung life na meron ako. May parents na mapagmahal at best friend na laging nandyan.
“Iha. I heard a news regarding of your new school.” Napatingin ako kay mommy. She knew it already? Isu-surprise ko pa naman sila.
“Saan mo narinig, mom?” takang tanong ko. Si Jhayvee naman ay nagtataka sa pinag-uusapan namin ni Mommy.
“What’s that news, best? Mag-transfer ka?” tanong ni best. Tumango nalang ako.
“Kay Jhonet.” Sagot ni mommy habang nag-hahain ng pagkain sa mesa. Napa-iling naman ako. Yung gaga talagang yun! “Sinabi niya sakin na spotted teens kayo sa Brown Hills University.” Lumapit sa akin si mommy at niyakap ako. “I am so proud of you, iha.” At saka tinuro si Jhayvee. “At ikaw iho. You did well too. Magkakasama na naman kayong tatlo.” At lumakad pabalik sa kusina. “Hay naku. Magiging magkakamukha na kayo.” Biro pa ni mommy.
Pagtingin ko kay best. Pagtatanong na expression ng mukha ang nakita ko. Lumapit ako sa kanya at naupo din sa sofa.
“Hindi ko nabanggit sayo kanina best kasi I’m so excited to see you and to have chika to you.” Biglang nagbago ang expression ng mukha niya, umaliwalas na. “But we are blessed dahil magkasama ulit tayo sa school.” Masaya kong paliwanag.
“Did you do some research about that university?” seryosong tanong ni best.
“Of course!” sagot ko at sumandal sa sofa. I did! Nagsearch ako tungkol sa Brown Hills University kaso Ideal School lang ang nakalagay. Mas lalo tuloy akong na-excite.