Chapter 6: AIL – He is my Best friend!

1508 Words
Hanggang sa dumating din yung punto na badtrip ako. Practice ulit namin ng cheers squad non. Ayoko ko pa naman ng paulit-ulit sa pagpa-practice, okay lang sana kung twice pero naka 4 times na kaming paulit-ulit sa last part ng sayaw namin at dahil yon lahat kay Anne. Then, nung pang 5 times na ng pagsasayaw namin, nagkamali ulit siya. Hindi nya alam kung saan sya pu-pwesto sa another mix song ng sayaw. Pinatay ko ang tutog "Ano ba yan?. Pagod na kami." Reklamo nung isa. "Ayusin mo naman, Anne. Hindi lang ikaw ang nahihirapan" Wika ni Glen saka kumuha ng tubig at uminom. "Sorry!" nakayuko nyang wika. "Sh*t!" sigaw ko sabay sipa ko sa mono block chair na malapit sakin. Napatingin sila sakin at tumahimik. Pawis na pawis na kami at wala pa kami break mula kanina dahil sa paulit ulit na sayaw sa pagkakamali ng isa, lahat nagsa-suffer. "Tanga ka ba?" tinulak ko ang isa niyang balikat. Bwesit kasi! Napatahimik ang mga members na nagrereklamo at nagulat sila sa ginawa ko kay Anne. Napalapit si best sa pwesto namin. "Ma'am Gil. Chill lang po." Awat sakin ni May. Nanatiling nakayuko si Anne at hindi kumikibo. "Best." Pagkalapit na pagkalapit ni Jhayvee sa amin. Sabay hawak nya sa balikat ko. "Chill? Eh tatanga-tanga e. Simpleng steps, hindi masundan. Nasan yung pinagmamalaki mo na 'you won second place' ha?" singhal ko. "Anne.” tumingin siya sakin at umiiyak. “Ayusin mo? Buti sana kung ikaw lang yung napapagod sa kakasayaw ng paulit ulit. Mahiya ka naman, dahil sayo lahat kami pagod. Simpleng instruction Anne. Matalino pa yata sayo yung palaka. Letche!" Sabay sipa ulit sa mono block chair saka ako lumakad palabas ng gym. Ayoko ng paulit-ulit. Lahat ng kagrupo ko, kilala ako na kapag may nagkamali sinisigaw ko. Sino ba namang matutuwa, aber? Pare-pareho kaming napapagod buti sana kung siya lang. "Best." Lumapit siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Okay ka na?" tanong niya sakin. "Sa tingin mo?" balik ko ng tanong sa kanya. Inakbayan lang niya ko then maya-maya ay niyakap. "Kaya niyo yan, best. Mananalo kayo kaya smile na." umalis siya sa pagkakayakap at nakahawak nalang siya sa magkabilang balikat ko at nakaharap kami sa isat isa. Nag-facial expression sya ng kung ano-ano kaya napangiti nalang ako. Best friend ko talaga siya. Kilalang kilala niya ko na ayoko na natatalo kaya hanggat kaya kong ibigay ang best, ibibigay ko. "Look oh. You're much prettier when you are smiling. Wag na ma-stress okay. Sisiw lang sa inyo yan." saka niya ginulo ang buhok ko. "Thank you, best." Sabay hampas ko sa braso nya. "Sadista." Wika nya saka ako tumawa. Tumawa nalang din siya saka nya ulit ako niyakap. Dumating din yung time na isang gabi bago ang competition. Mga 11 pm nagpapractice pa kami. At sinabi ko na maging seryoso kaming lahat sa huling practice na to. At 12 pm, natapos kami. Pinauwe ko na sila at pinag-ready para bukas. Ako naman, nagpaiwan para kunin ang costumes at props namin. Nung palabas na ko ng gym, nakita ko si Anne na nakasandal sa may pader malapit sa gate. "Oh? Bat nandito ka pa? laban na natin bukas. Umuwe ka na at mag-rest ka. Ayokong matalo sa laban." Saka ako lumakad. "Teka lang." wika niya. Napahinto ako sa paglakad, tumakbo siya palapit sakin at pumwesto sa unahan ko, magkaharap kami. Then may kinuha siya sa bag nya at inabot sakin. Napataas ang kilay ko. What's that? Notebook? Notebook na puro designs. Album ba yun? Or scrap note? At bakit naman niya ko bibigyan ng ganyan? Yun totoo? Gusto ba yan na tingnan ko ang picture nya at ikompara ko sa picture ko? Ee hindi na kailangan dahil mas maganda ko. Umirap ako. "Para sayo." Sabi nya. "Ano yan? Anong gagawin ko dyan?" pagtataray ko. Easy lang Gil. Oh magmamaldita ka ulit? Wala namang ginagawa sayo oh. Pagco-control ko sa sarili ko. "Ginawa ko to para sayo." Yumuko sya. "Sana magustuhan mo." Hindi ko sana kukunin kaso muka siyang kawawa. Ayoko pa naman na may nagmumukhang tanga lalo na't wala namang atraso sakin. Kinuha ko then lumakad na ko. Ano ba to? Napangiti ako. Inilagay ko nalang sa bag ko. "Maganda yan. Promise, Ms. Beautiful." Ay palaka! Nakasunod pa pala siya sakin. Nakita ba niya kong ngumiti? "Diba sabi ko, umuwi ka na at mag-rest. Ano pang ginagawa mo?" nakataas kilay kong sabi. Kumamot siya sa ulo nya. "Eh kasi wala kang kasama kaya sasamahan muna kita." Ngumiti siya. Ibang klase sya. Pinapahanga nya ko. Simula ng ma-encounter ko sya, pinaulanan ko na siya ng mga words na hindi maganda sa pandinig, tinatarayan at sinusungitan ko siya at minsan ay hindi pinapansin pero hanggang ngayon, hindi parin sya sumusuko at nilalapitan parin niya ako ng nilalapitan. Siya lang yata ang hindi naging allergic sakin ah. "May kasama ko." Patuloy ako sa paglakad. Kasunod ko parin siya hanggang sa nasa parking lot na kami. "Ano? Kapag ikaw nalate bukas. HUMANDA KA SAKIN." Banta ko. Bumukas ang pinto ng driver seat at bumaba si best. "Oh? Kala ko mamaya ka pa best, nakatulog na nga ako dito kakahintay sayo e." Kinuha nya ang dala ko then binuksan nya ang front seat. Bago ako sumakay, lumingon ulit ako kay Anne. "Umuwi ka na." utos ko tumango sya saka ako pumasok sa loob. Pinaandar na ni best ang car nya. Nakatingin parin ako sa side mirror, nakatayo parin siya doon. Wala ba siyang sasakyan? "Mukang okay na kayo ni Anne ah." Open up ni best ng usapan. "Sakto lang." sabi ko then "Ibalik mo nga." Utos ko. "Bakit?" tanong niya. "Basta!" Tipid kong sagot. Ibinalik nya ang kotse at inihinto sa tapat ng kinatatayuan ni Anne. Binuksan ko yung window ng kotse. "Sakay!" utos ko. Nagsmile siya at sumakay sa passenger seat. At umalis na kami. Competition na! Ayos na ang lahat. Nung malapit na ang turn namin. "Girls, give your best of best okay? I won't be a loser." Tumango naman silang lahat. Pansin ko din tingin ng tingin sakin si Anne. Nung kami na ang magpe-perform, binigyan ko siya ng isang ngiti at gumanti naman siya ng ngiti. "Best." Tawag nya sakin then niyakap niya ko. "Para manalo kayo. I give you a hug." Then after nya ko i-hug. "Go! Best." "Watch and believe." Sabi ko sa kanya. Nagperform na kami. Nang matapos na ang sayaw at ina-nounce na ang winner. Nagpalakpakan kami dahil kami ang champion. Nag group hug kami. Then lumapit sakin si best at umakbay. "Girls, we did it. Congrats!" nakangiti kong sabi. "Wow naman best. Sabi ko sayo isang hug ko lang yan ee. Mananalo kayo." Pabiro nitong sabi. Nag "Uy" naman yung mga kagroup ko. "Spell YABANG?" sabi ko sa kanilang lahat. "J-h-a-y-v-e-e." sabi nilang lahat sabay tawa namin. Bigla akong binuhat ni best at inikot-ikot. Nagtilian ang kagrupo ko. "Best, ibaba mo ko." Saka nya ko binaba. At ginulo ang nakapony kong buhok. "Best naman eh." Sabi ko. Then, first time kong sumaya ng ganto. This is the memorable moments of my life. Nagkayayaan kaming magcelebrate. Kumain kami sa isang restaurant then mga ilang oras nagsiuwian narin ang iba, naiwan kaming tatlo; Si best, si Anne at ako. Busy ako sa panonod ng video namin. Then nang mapansin kong wala na sila at kami nalang ang nandun. Pinauna ko na si best sa parking lot. Umalis naman ito. "Sige best. I will wait for you in the parking lot." Saka ito umalis. Magsasalita palang ako ng biglang "Kahit na hindi mo nagustuhan yung ginawa ko, okay lang.” Nagsmile siya. “Basta. Same ng nakalagay dun. I want to become your close friend. Gusto kitang maging kaibigan para all flows natin pareho, alam natin. Sana, maging kaibigan kita. Thank you sa pag-save mo sakin at ginawa ko talagang mapasali sa grupo mo para maging kaibigan ka. Gusto kita." Dire-diretso nyang sabi. Napangiti ako at tumayo. Lumapit ako sa kanya at may binulong Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit. "Salamat. Salamat Ms. Beautiful." *** And until now, we're still close friend. Super baliw siya kaya heto kami ngayon basang basa sa ulan ay syete nabaliw na din ako. Lakas makahawa ahh!!! "Ano? Mananahimik nalang? Nakikinig ka ba o nakikinig? Sabihin mo, yung totoo nandito ka pa ba?" kinaway nya ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. "Girl, yow!" Napatulala pala ko. Haist! Why I'm so lutang? Kasi naman kasi ei. Walang paramdam yung body guard ko? Tumingin ako sa kanya ng seryoso. "Ah! I guess si Jhayvee no? You missed him, right?" taas baba siya ng kilay niya at nagpangalumbaba pa then biglang ngiti. "Sabi na ei. Yaan mo na yun, mamimiss ka rin noh" dagdag pa nito. Napatango nalang ako. Yes, I really do miss him because he is my best friend. Siya lang yung nag-iisang lalaking pinagkakatiwalaan ko bukod sa daddy ko. Nasa bakasyon ngayon si Jhayvee with his parents. Medyo nasanay lang siguro ko na twing lumalabas ako ng bahay lagi siyang nandyan para sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD