Halos isang buwan akong nawala dito sa Manila dahil sa ginagawa naming Teleserye sa North. Minsan nakakauwi naman ako kapag weekends pero trabaho pa rin ang ginagawa ko. Photoshoot, TV advertisement o ‘di naman kaya guesting o press conference. After ng movie may naka-line up akong teleserye. Pinakaunang teleserye na gagawin ko. Bumaba ako ng Kotse na may suot na jacket na may hoodie. Mula nang mag-guest ako sa company anniversary hindi na mawala sa isip ko ang pagbalik dito. Nasa tapat ako ngayon ng Dew-Forr building. Magbabakasakali akong makikita ko siyang muli dito. Inayos ko ang hood at isinuot ang sunglasses ko. Kailangan ko makapasok nang walang nakakakilala sa akin. Tumambay lamang ako sa lobby. Isa-isa kong tinitingnan ang mga taong dumadaan. Nakakalimang oras ba ako dito pero

