CHAPTER 41 Nakapikit ang mga mata ko habang may brush na kinuskos sa mukha ko. Nang makontento na ang make-up artist ko, dinampian niya naman ng lipstick ang labi ko. Minulat ko ang mga mata at ang nakangiting aura ng dalawang binabae na sa gilid ng upuan ko ang bumungad sa akin. Pinuri nila ako as usual. Palagi naman nila ‘yung ginagawa hindi ko alam kung ganoon ba talaga ako ka-gwapo o paraan lang nila ‘yun to boost my confidence. Sabay kaming lumingon tatlo ng bumukas-sira ang pintuan. Si Ate Janice ang dumating, kanang kamay ni Mommy Rey. Lumapit siya sa amin at sinabing kailangan ko ng lumabas dahil patapos na raw ang CEO sa speech niya. Nagpantig agad ang tenga ko pagkarinig noon. Mabilis pa sa kidlat akong tumayo, patakbo na nagtungo ng backstage. Habang tinatakbo ko ang hallway

